------
Wahahahahaha. Katawa. Gusto ko sanang gawing drama 'tong story kaya lang mukhang di ko keri. Pero sige na nga itatry ko pa rin. Wahahahaha.
Pasensya pala dun sa last update. Feeling ko ampanget eh. XD
------
Chapter 12- Woah!
Patricia's POV
Kinabukasan..
"Uhmmmmmmm..." ako habang nag-iinat inat pa dahil kagigising ko pa lang. Buti na lang medyo maaga ako nagising at hindi pa ako malelate..
Naglakad ako papuntang CR. Pagharap ko sa salamin, kitang-kita ko pa ang mugto kong mata galing sa kakaiyak kagabi..
Gustong gusto ko nang kalimutan ang mga nangyari.. Parang lahat ng pinaghirapan ko ng halos dalawang linggo nasayang lang..
10 minutes na akong nakatengga dun nang maisipan kong maligo na..
--------
Pagkabihis ko, bumaba na ako kaagad.. Kailangan hindi nila malaman na may problema ako.. Ayoko namang mag-alala pa silang lahat para sa akin..
"Anak, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Manang
"Ah.. Sorry po medyo wala lang po akong gana kumain.." pati pala pagkain nakalimutan ko na dahil sa mga naiisip ko.. Ang dami daming thoughts na nabubuo sa utak ko dahil na rin siguro sa surprise na nakita ko kagabi..
"Pumunta pala sina Mam Yzza dito kagabi, hinahanap ka. Nawala ka na lang daw kasi bigla sa may park kagabi eh.. May nangyari ba?"
"Ahmm. Wala po. Inantok lang po ako kaya di na ako nakapagpaalam sa kanila.."
Actually, si Manang ang pangalawa ko nang magulang.. Lahat ng mga nangyayari sa akin alam niya kasi bata pa lang ako sa amin na siya nagtatrabaho.. Kaya buti na lang at nandyan siya para sa akin lagi.. Kasi ang mommy ko bihira ko lang makita.. Si daddy din. Busy kasi masyado sa work nila kaya pati ako di na nila nakakamusta..
------
School
Iba ang feeling ko pagpasok ko sa gate ng school.. Para bang magiging disaster na naman ang araw ko.. As much as possible nga ayoko maalala ang mga nangyari kaya lang eto na yun eh. Nandito na. Kailangan ko nang harapin..
Naglalakad ako sa hallway nang makita ko ang mga dapat kong iwasan ngayon.
"Hi Patricia!" sabi ni hazel na nakabuntot kay Dave
"H-hello.." ako
Feeling ko babagsak na naman ang luha ko.. Hindi ko kaya yung mga nakikita ko.. Bumabalik lahat lahat ng sakit.. Doble pa..
"Uhhmm.. Babes, nasabi mo na ba kay Patricia?"
BABES? Babes na ba pangalan ni Dave ngayon? At ano daw yung sasabihin niya?
"A-ang alin?"
"K-kami na ni Hazel... A-at magpapakasal na kami... S-soon.." Dave
OUCH. Sila na? Ikakasal? Soon? Paanong nangyari to? Di ba wala pa namang isang buwan si Hazel dito? Saka hindi naman sila close ah.. Paano magiging sila?
"Hindi mo man lang ba kami ico-congratulate?" nakangiting sabi ni Hazel
Parang nanlalabo na ang paningin ko.. Dudukutin ko na tong mata ko eh.. Hindi pa napagod kakaiyak.. ARGH.
"C-congatulations." Sabi ko habang may tumulong patak ng luha sa mata ko.. Ganito pala ang pakiramdam ng sawi.. Ang sakit. Parang nadudurog na ang puso mo sa pinakamaliit na piraso..
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceKaya mo bang panindigan ang parusa sa isang laro? Kaya mo bang gawin ang DARE o pipiliin mo na lang ang TRUTH?