Chapter 10- Her evil plan

431 12 7
                                    

 ------

 Salamat sa mga nagbabasa. Dedicated to Ate Filipina.. Mahal ko kasi yun I'm Dating the Ice Princess niya.. *u*

-------

Chapter 10- Her evil plan

Patricia's POV

Grabe isang tulog na lang.. Birthday na niya! Excited na ako.. Matatapos na din yung dare namin.. At magsisimula na naman kami ng panibago.. Kinakabahan na ako sa plano ko.. Sana wag pumalpak. 

"Huy MA! Kanina ka pa nakangiti dyan!" yzza

"Eeeehh.. Nag-iimagine lang ako ng mga mangyayari bukas.." ako

"Syempre magiging masaya yun! Haha. Pati ako na-excite na rin. XD" yzza

-------

Hazel's POV

"Eeeehh.. Nag-iimagine lang ako ng mga mangyayari bukas.."  Patricia

Mangyayari bukas? Hah. Magiging disaster lahat ng pinaghirapan mo nuh.. 

Ngayon lang yata ako nainis ng ganito sa isang tao.. Hay.. Ang gusto ko kasi wala akong kaagaw sa kahit ano.. Gusto ko akin lang si Dave.. Lahat ng lalapit sa kanya pwede kong masaktan.. *evil smile

"So ano Hazel, ok na ba ang plano natin bukas?" Michelle

"Yep. All set na. Hahaha." ako

Gusto niyo ba malaman yung plano ko? Hahaha. Wag na. Bukas na lang.. Alam ko namang magiging succesful yun eh.. Mababawi ko na din ang dapat na sa akin..

----------

Dave's POV

OK. Bat parang silang lahat iba kinikilos ngayon? Si Patricia mukhang masaya.. Si Hazel naman masaya din.. Kaya lang bat parang may mali? Kanina pa niya kasi tinititigan si Patricia.. Ano namang balak nito? Hay. Wag ko na nga kausapin.. Baka magalit na naman si Patricia nito eh..

Bukas na pala yung pagtatapos ng Dare namin.. Ang bilis no? Parang kelan lang.. Akalain mong isang buwan na pala ang nakakalipas! Birthday ko na rin bukas.. Hay.. Sayang walang handaan na magaganap.. Nakakapanibago nga eh.. Kasi dati yung mommy ko hindi magkanda-ugagang mag-organize ng party ko.. Pero ngayon wala? Hala.. HINDI KAYA NAGHIHIRAP NA KAMI?!?!!!!

Ay, hindi naman siguro.. May bago nga akong condo eh.. Binigay ni daddy sa akin kahapon.. Advance birthday gift daw.. Astig diba? 4th year pa lang ako may-condo na ako. Hhahahahaha

"Good morning Class." Ms. P

Ayan. May klase na.. Makikinig muna ako.

------

Patricia's POV

Lalalalallala.. Wala lang, trip ko lang maglakad-lakad ngayon dito sa may field..Break time kasi namin at pwede na akong makapag-relax matapos ang halos dalawang linggo kong pagiging busy.. Weee. Sorry naman excited na talaga ako para bukas...

*BOOGSH

Grabe naman yun mangbangga..Dahil nga malakas ang pagkakabangga sa akin eh napaupo ako sa may damuhan (field nga di ba?) XD

Dinilat ko na yung mata ko.. And to my surprise.. S-si Hazel to di ba? 

"Oooops.. Sorry.." sabi ni hazel

"O-ok lang.." ako habang tinutulungan niya ako tumayo

"Hmmm..Patricia.. I heard na may 'surprise party' ka raw for Dave tomorrow? siya

"Ah.. Oo.. Gusto mo bang pumunta? Para maging close na rin tayo at makilala ka ng ibang classmates natin.." ako

"Oh sure.. Anong oras ba yan?" siya

"Mga 3pm.. Punta ka ha.." ako

"Sure..Sige bye na.." siya tapos umalis na sa harap ko..

Not bad. Mabait naman pala siya eh.. Mukhang nawala yung inis ko sa kanya nung first day niya dito... Pero san naman kaya niya nalaman yung 

--------

Hazel's POV

"My Gosh! Nakakaasar yung babaeng yun ah.. Kung hindi lang sa plano natin bukas eh sinabunutan ko na yun.." ako

"Easy ka lang jan Hazel! Kailangan mong maging mabait kay Patricia para madali mong mabawi si Dave.." Michelle

Sabagay tama siya.. Once na nakuha ko na ang loob ng uto-utong babaeng yun eh magiging kami na ulit ni Dave..

"Grabe pala si Dave.. Hindi man lang tinaasan ang standards sa babae.." ako. Naiirita kasi ako dun kay Patricia.. Masyadong pa-sweet..

"Kaya nga eh.. Gusto naming mapunta naman si Dave sa karapat-dapat nuh." Michelle na kinuha yung suklay sa bag niya..

"Tama.. Buti na lang nandyan kayo.. Ang galing mo talaga magplano." ako

"Hmm.. Hazel.. Hindi lang pala party ang mangyayari bukas..I heard kanina sa mga "Bestfriends" ni Patricia na sasagutin niya din daw ang pinakamamahal mong si Dave." Michelle

"WHHHHHHAAAAAAAAT!?" napasigaw ako sa nalaman ko.. Aba at napakalandi naman niyang babaeng yan! Ang bilis naman yata niyang bumigay ah.. If I know, curious lang siyang magka-boyfriend..

"Easy ka lang dyan.. Buti nga at narinig ko pa nuh.. Kaya kailangan talaga pumalpak lahat ng plinano nila at yung sayo maging successful" 

Hahahahahahaha. Tama si Michelle. Excited na akong makita ang luhaang mukha ni Patricia bukas...

------------

Wahahahaha. Bumalik pa si Hazel.. XD

Sa mga nagtatanong dun sa cover, kami yan. Wahahaha. Kami kasi yung cast eh. Hulaan niyo na lang kung sino dyan si Patricia,Yzza,Gelai,Tina,Janice,Nica,Dane,Naomi at Kimmy. XD

-MariaDenise

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon