Chapter 13-Lets Talk.

371 9 5
                                    

-----

May mali ako dun sa last update.. Pero nabago ko na siya. Ang gulo ko kasi eh. Hahahahahaha

Na miss ko mag update kaya mag uupdate ako kahit madami pa akong gagawin. XD

-----

Chapter 13-Lets Talk.

Dave's POV

ARGH. Anong nangyari sa akin? Bakit ko nasampal ang bestfriend ni Patricia? Nakakainis. Di ko naman sinasadya eh.. Nadala lang siguro din ako ng emosyon.. Saka ang sakit din kaya ng pagkakasampal niya.. At ayokong tinatawag na malandi si Hazel..

"Babes, okay ka lang? Masakit ba yung pagkakasampal sayo nung impaktang yun?" galit na sabi ni hazel.

"H-hindi.. Ayos lang ako.." kahit medyo humapdi yung pisngi ko.. Para kasing bumakat yung kamay ni Yzza eh.

"Sure ka?"

Tumango na lang ako. Medyo nawala ako sa mood ngayon.. Naiinis ako... 

"Tinatanong mo ako kung bakit? Bakit hindi mo kaya tanungin ang sarili mo? Ikaw nga itong PAASA eh!! May nililigawan ka and malalaman naming magpapakasal ka na?! Nagkakalokohan na ba tayo dito dave? Akala mo walang nasasaktan diyan sa mga acts mo.. PAASA ka masyado! Pati si mama nagawa mong saktan! Hindi mo ba alam na MAHAL NA MAHAL ka na niya? Akala niya kahapon na ang pinakamasayang araw sa buhay niya.. Pero makikita ka niyang nakikipaghalikan diyan sa malandi mong EX!" yzza

"Tinatanong mo ako kung bakit? Bakit hindi mo kaya tanungin ang sarili mo? Ikaw nga itong PAASA eh!! May nililigawan ka and malalaman naming magpapakasal ka na?! Nagkakalokohan na ba tayo dito dave? Akala mo walang nasasaktan diyan sa mga acts mo.. PAASA ka masyado! Pati si mama nagawa mong saktan! Hindi mo ba alam na MAHAL NA MAHAL ka na niya? Akala niya kahapon na ang pinakamasayang araw sa buhay niya.. Pero makikita ka niyang nakikipaghalikan diyan sa malandi mong EX!" yzza

Kahit ang haba nung sinabi niya, sobrang tinamaan ako.. Bakit nga ba kasi nakipagbalikan ako kay Hazel? At hindi ko man lang naisip na may masasaktan pala.. Lalo na at "nililigawan" ko pa pala si Patricia.. 

At sasagutin niya dapat ako kahapon?? Ang gulo.. Akala ko ba may sakit siya? 

Dapat siguro makausap ko na siya.. at linawin na ang mga dapat naming linawin.. 

ARGH. Nalilito na naman ako.

--------

Patricia's POV

 Nakatunganga lang ako dito sa may sahig. Wala kasi kaming teacher.. May meeting daw para sa darating na retreat.. At ayun. Ang ingay dito sa loob ng classroom.. May nagtatawanan, nagsisigawan at kung anu-ano pa. Parang zoo lang yung room namin. HAYS.

"Paabot nga kay Patricia!" sigaw nung isa kong classmate

Narinig naman yun ni Janice at inabot sa akin.. 

"Kanino galing?" ako

Hindi na yata ako narinig ni Janice kaya naman hindi ko na lang siya kinulit..

Pagkatanggap ko nung papel, binuklat ko agad siya.. At ang nakasulat:

-----------------------------------------------------------------------------------------

Let's Talk, Please.. Aantayin kita ngayon din dito malapit sa auditorium..

-Dave

------------------------------------------------------------------------------------------

Ewan ko pero pagkabasa ko ng sulat na yun eh napangiti ako.. Parang lahat ng hatred na naramdaman ko kahapon nawala.. Gusto niya akong makausap? Siguro nakaramdam din siya na nasasaktan na din ako..

Agad na akong tumayo para pumunta malapit sa sinabi niyang place.. Tutal wala naman kaming teacher sa 3 periods kaya OK lang. :P

Maya-maya, natatanaw ko na siyang nakaupo dun sa mga benches malapit dun.. Unti-unti akong lumapit dun at nung medyo natanaw niya na ako, tumayo siya at sinalubong ako..

"Akala ko hindi ka na dadating." siya

Halata mo sa boses niyang natutuwa siya dahil dumating ako..

Nginitian ko na lang siya tapos umupo na lang ako dun..

AWKWARD SILENCE

"Hmmm.. Akala ko ba mag-uusap tayo?" ako na ang unang bumasag ng katahimikan.. Baka mabingi pa kami eh.

Mukha naman siyang nagulat nung nagsalita ako..

"Ah? S-sorry. Sabi ko nga mag-uusap tayo.." siya

-------

Dave's POV

"Hmmm.. Akala ko ba mag-uusap tayo?" Patricia

Nagulat naman ako nung bigla siyang umimik..

"Ah? S-sorry. Sabi ko nga mag-uusap tayo.." ako

SHET. Pano ko nga ba to sisimulan? Parang kanina lang ang dami kong gustong sabihin pero bakit ngayon parang umuurong na yung dila ko?ARGH. Buset. Naiinis ako sa sarili ko

"Hmm.. Ano na?" na distract na naman ako nung marinig ko boses niya. 

"A-aahh....S-sorry..." ako

AWKWARD SILENCE NA NAMAN

"Narinig mo ba? Sabi ko sorry.." ako after few minutes

"H-ha? O-oo narinig ko.. B-bakit ka n-naman nag-sosorry?" siya

Bakit nga ba ako nag-sosorry? =_=

KATAHIMIKAN NA NAMAN.

Bago ako magsalita, huminga muna ako ng malalim at saka ko sinabi lahat ng naisip ko nang sabihin..

-------------

Patricia's POV

Eto na.. Mukhang magsasalita na siya..

"*sigh. Sorry Patricia dahil dun sa nangyari kahapon, alam ko namang ako yung mali eh.. Sorry kung hindi ako nakapunta sayo.. Si hazel kasi niyaya niya akong lumabas kasi birthday ko daw.. Dun ko din nalaman yung tungkol sa engagement.. At ayun, pumayag ako kasi alam kong dun din naman pupunta yun eh.. Pero ang kasalanan ko lang eh hindi muna kita inisip.. Kaya sorry.. At saka dun sa pagsampal ko kay Yzza, Sorry. Nabigla lang ako ng mga panahong yun."

Oh. Si Hazel na naman.. At mukhang hindi niya pa pala alam yung surprise party ko para sa kanya.. All this time pala..2nd choice lang ako... Sino ba talaga yang Hazel na yan sa buhay niya.. 

"S-sino ba si Hazel sa buhay mo?"

"She's my ex."

Aw. EX naman pala eh.. Kaya pala ganun na lang yung pakikitungo niya dun. Kaya pala sa isang iglap iniwan niya ako sa ere.

"Ahh..." huling sinabi ko. Speechless lang ako sa mga nalaman ko..

"Patricia sorry talag---"

"Okay lang yun. Alam ko namang hindi ka pa naka move on jan kay hazel kaya okay lang sa akin......" I lied. 

"Pero eto na lang ang tanong ko sayo...

Minahal mo ba ako?" ako

Parang nag-aalangan pa yung mukha niyang sumagot.. Sa tingin ko alam ko na yung sagot...

"Hmmm.. Sige. Ayos lang kahit wag mo nang sagutin.. Alam ko naman na eh. Sige aalis na ako.." 

Tumakbo na ako pabalik ng classroom. Nararamdaman ko na naman yung sakit. Ang sakit pala talaga sa puso na hindi ka mahal ng taong natutunan mo nang mahalin.

Pagbalik ko sa classroom, as usual wala pa ding teacher.. Inubob ko na lang yung mukha ko sa desk at dun ako tahimik na umiyak. Nakakaasar na. Bakit ba ayaw pa ring tumigil ng mata ko sa kakaiyak? Kung pwede lang talaga tusukin na lang to, ginawa ko na.

Akala ko pa naman sasabihin niyang Mahal niya ako at handa na siyang ipaglaban yung nararapat para maging masaya na kami. Pero mali pala ako. 

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon