EPILOGUE

417 12 3
                                    

 EPILOGUE

After 6 months..

Patricia's POV

"Waaah! Ma! Na miss kita!!!" sigaw ni yzza pagkakita niya sa akin sa coffee shop

"Ako din kaya!! Kamusta na college life? Grabe.. buti na lang at may free time ka ngayon.. Halos two months na rin tayong di nagkikita ng personal.." sabi ko August na kasi ngayon at madami nang activities sa school.

"Pasensya ma ah, medyo busy lang sa school.. Nga pala, kamusta na kayo ni Dave?" yzza

"H-ha?? Ay wait, order muna tayo..  Hehehehe.." sabi ko na lang.. 

Nagtaka naman si yzza sa sinabi ko pero umorder na rin siya.. Siguro naninibago siya sa mga kilos ko.. Hindi ko na kasi masyadong nakukuwento sa kanya yung tungkol sa amin.. 

Pagkaorder namin, nakatitig lang sa akin si Yzza na parang may gustong malaman..

"Ma, Kamusta na kayo ni Da--" 

"Hmmm.. Ang sarap ng kape nila dito noh! Haha. Next time kapag nakumpleto tayong siyam dito tayo ha!" paglihis ko sa usapan namin

"Ma naman eh.. Di mo naman ako pinatapos.. Kamusta na nga kayo ni Dave?" yzza

"Hmmmmm.." Napaisip ako sandali.. Sasabihin ko na ba? 

"Ano nga ma? May nangyari ba?" yzza

"Hayyy.. Tutal minsan na lang din naman tayo magkita, at hindi ka na masyadong updated sa lovelife ko.. Sige na nga.. Sasabihin ko na..." ako

Si Yzza naman naghihintay sa susunod kong sasabihin..

"Wala na kami.."

"HUWAAAAAAAT??? O____O" yzza

"SSSSH! Wag ka ngang sumigaw dyan.." sabay takip ko sa bibig niya.. Kasi naman pinagtitinginan na kami ng mga tao dito..

"S-sorry ma.. Pero waaaahhh.. Bakit naman? Kelan pa? Sinu-sinong nakakaalam niyan?" yzza

"Hmm... nung June pa kami nag break.. Hmm.. Sa atin? Walang nakakaalam.. Ako lang. Hehe.. Never ko pang nakuwento sa kahit sino.." sagot ko

"Ma... Bakit naman kayo nag break? Nung bakasyon lang ang saya pa natin ah.." yzza

HAAY.. Naalala ko na naman tuloy yung mga panahong "sobrang saya" namin.. Lahat ng mga moments na masaya kami kasama ang mga barkada namin..

Alam niyo ba kung bakit kami nag break?...

*flashback

2 months ago..

2nd week na namin bilang mga college students.. WAAAH. Dito ako nag-aaral malapit lang sa bahay kasi ayaw daw ni mama ng malayo.. Mapapagod lang daw ako sa biyahe.. Si dave naman sa manila nag-aaral.. Once a week na nga lang yata siya umuwi sa kanila eh.. Minsan na lang din kami mag-usap at mag text sa isa't isa.. 

Ganito pala kapag long distance relationship.. Sobrang hirap... 

Pero.. Magkikita daw kami.. Hehe. Sa SM Manila na lang daw.. Syempre ayos na rin sa akin yun.. Tutal wala namang pasok ngayong Monday.. Buti pareho kami ng araw na walang pasok.. :)

Nang makarating na ako sa SM, pumunta na agad ako sa Starbucks.. Dun daw meeting place namin eh... (yeah. Sosyal)

Pagdating ko dun, nakita ko agad siya.. Mukhang iba aura niya ah.. Bakit kaya?

"Hello! Mukhang badtrip ka ah? May problema? I miss you! :)" bati ko sa kanya.

"H-ha? Wala naman.. Upo ka na.." siya

Truth or Dare?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon