Ako nga pala si Patricia Fernandez. 4th year High School sa Wesley Academy.
Madami naman akong kaibigan, mga 8. HAHA. Walo lang kasi ang mga tinuturing kong tunay na kaibigan at yun ay sina Yzza, Nica, Tina, Gelai, Janice, Naomi, Dane at Kimmy.
Classmates pala kaming walo. Kaya nga hindi kami mapaghihiwalay.
Hmmm. Pagdating naman sa lovelife, wala yata ako niyan. Bwahaha. Pero may crush ako. Si Dave Sandoval. Classmates din kami kaya lang mukhang di niya ako mapapansin.
Kasi ako na yata ang babaeng HINDI NAG-AAYOS NG SARILI. Hindi ako nagsusuklay (siguro once a day lang at yun ay pagkatapos maligo), hindi masyadong nagpupulbos (kaya oily skin ako eh), tapos madami din akong pimples at medyo mataba din ako (medyo lang ah) haha. So ayun, malabo talagang magustuhan ako nun.
Kasi ang mga babaeng gusto niya, yung mga maganda, sexy, makinis. Basta lahat ng mga magagandang asset sa isang babae gusto niya. Kasi naman gwapo siya eh pero ako mukhang gusgusin lang. (Grabe manlait sa sarili).
Kaming siyam lang ang nakakaalam diyan sa super ever deepest secret tungkol sa crush-crush na yan. HAHA. Syempre pag nalaman yan ng mga kaklase ko baka atakihin pa nila ako lalo na ng mga fans ni Dave.
Lalo na si Michelle dela Paz. Naku kung makapaghabol kay Dave akala mo gusto naman. Pssssshhh.
So ayun. Naikuwento ko na ba ang aking buhay dito? Pede na ba pang MMK? XD LOL
"UI MAMA PATRICIA TARA LARO TAYO DALI!" sabi ng aking best friend na si Nica.
Si Nica pala ang pinaka "mature" sa aming siyam. Siya lang kasi may boyfriend sa amin eh. Si Kenneth. Friend siya ni Dave. Hihi. Kaya medyo close na rin kami sa kanya. XD
"H-huh? A-ano namang laro yan?" paputol putol ko pang sabi kasi naman noh bigla biglang sisigaw tong babaeng 'to. Andun pa naman Boyfriend niya.
"SPIN THE BOTTLE TAYO MA! ^__________^" ang lapad pa ng ngiti ng isang 'to.
Oo nga pala, mama tawag nila sa akin except kay Janice at Danica. HAHA. Ako na nanay nila. =_____=
"O sige, sinu-sino ba kasali?"
"Tayong walo..si kenneth..si Thol,Jien,Aj,Vin at.. Ui kenneth sino pa ba?"
"Si Dave." sabi naman ni kenneth
So medyo na shock naman daw ako nung kasali pala si Dave. Pero buti di nahalata ni Kenneth.
"Ah. Sige pero Nica, sino yung di kasali sa atin?"
"Si kim. Alam mo naman yun busy masyado at baka andun na naman kay Rick"
Si Kim pala. Siya ang pinaka busy sa aming lahat. At si Rick, siya yung manliligaw niya. Di ko alam yung iba pang details kaya I'll Shut my mouth muna. XD
"Ah. Ganun. Sige game na." pagsisimula ko. Baka kasi wala na namang mangyare neto eh kung puro kuwentuhan na naman.
Pumuwesto na kami sa gitna ng room. Inusog na namin yung mga chairs para makaform na ng bilog.
So eto seating arrangement namin. (imaginin niyo na lang na pabilog siya)
Nica Kenneth Thol Janice Vin Yzza Ako
Noime Gelai Jien Aj Danica Dave Tina
So bale si Tina ang pagitan namin ni Dave. Waaaaah. Ako na malandi. Medyo malapit kasi siya sa akin. Bwahaha. Kinikilig ako.
"GAME! IIKOT KO NA TONG BOTE HA!" yzza
*SHHHHHHHHHHHHHIIIIIIIIIIINGGG (sound effects ng pag-ikot ng bote)
at tumapat kay.......
.....DAVE.
-------
Ansabe ng Chapter 1? waahahaha. sana po madami din magbasa nito. Please please. tinatry ko po kasi magsulat ng kuwento eh..
Salamat po sa makaka appreciate. :)
-MariaDenise :)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceKaya mo bang panindigan ang parusa sa isang laro? Kaya mo bang gawin ang DARE o pipiliin mo na lang ang TRUTH?