Chapter 2: Phantom

4.6K 128 2
                                    

Nzerhina's POV

"Urgh!"

Napadaing ako nang mahina nang makaramdam ako nang hapdi sa kamay. Idinilat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mga nakangising mukha ng mga estudyante. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero parang may pumipigil sa akin.  Doon ko napagtanto na nakatali ako sa isang upuan. Ang kamay ko ay puno na ng dugo dahil sa kadena na sobrang higpit sa pagkakatali.

"Cut her fingers---all of them."

Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang sinabi ng babae. Kulot ang buhok niya at ang kapal ng make-up. May hawak siyang isang matulis na patalim. Mukhang siya ang naggupit ng damit ko, sirang-sira na kasi ang suot kong T-shirt.

"My pleasure Sy, kahit kamay niya pa ang puputulin ko."
Nakangising sagot ng isang babae na may maikling buhok at medyo malaki ang mata.

Kinuha nito ang kutsilyo sa babae kanina na Sy yata ang pangalan. Hinihimas-himas niya ito at lumapit sa akin.
Itinukod niya ang kanang kamay sa palad ko kaya napakagat ako sa labi. Pakiramdam ko nagkalasug-lasog na ang buto ko sa palad.

Hinawakan niya nang mahigpit ang panga ko at iniharap sa kanya. Ngumisi siya sa akin pero tiningnan ko lang siya nang blangko. Hangga't maaari ayokong magpakita nang kahit na anong emosyon. Dahil 'yon ang kadalasang naging dahilan kung bakit naging mahina ang isang tao.

"Acting tough huh? How pathetic."
Mahina niyang saad.
Hindi ako sumagot nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Cut the talkshits Cier, putulin mo na."

Itinapat niya ang kutsilyo sa isa kong daliri. Iniangat niya ang kamay niya akmang putulin ito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaki.

Katamtaman lang ang tangkad nila at parehong may itim na eyeliner sa mata. Ang kaibahan lang ay pula ang kulay ng buhok ng isang lalaki habang blonde naman ang isa.

Lumapit sa akin ang may pulang buhok at tinanggal ang tali ko sa kamay. Hinubad niya ang suot niyang leather jacket at isinuot sa akin.

Ang mga tao na nandito sa loob ng classroom ay tulalang nakatingin sa dalawang lalaki, may makikitang takot sa mga mata nila.

"Okey ka lang?"
Cold niyang tanong sa akin. Tiningnan ko lang siya at tumango. Ayaw kong magsalita, para kasing may kakaiba sa kanya lalo na ang isa niyang kasama na para akong pinapatay sa tingin.

Bumaling ito kay Sy at binaril ito nang diritso sa ulo. Wasak ang bungo nito na bumagsak sa sahig.

"Ahh!"

"Sy!" Sigaw ni Cier at lumapit sa patay nitong katawan.

Nagsiatrasan ang iba sa gilid habang nanginginig sa takot.

"From now on, she's the new and the last member of Phantom. Touch her and you'll be dead." May banta na saad nito.

Parang maamong pusa na tumango ang lahat. Ako naman ay nalilitong nakatingin sa kanya. Kahit isa wala akong naiintindihan sa sinabi niya.

"And you," turo niya sa akin.

"Sumunod ka sa amin."
Dugtong niya at nauna nang maglakad. Naguguluhang sumunod ako sa kanilang dalawa palabas. Habang naglalakad ay panay ang tingin sa akin ng mga estudyante. Parang balak nila akong tunawin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto kami sa isang bahay na kulay itim at puti. Pumasok kami sa loob. Gaya nang kulay sa labas ay itim din at puti ang kulay dito sa loob. Kunti lang ang gamit at ang simple ng disenyo. Halatang lalaki talaga ang nakatira.

May kinuha na isang paper bag si boy pula at inabot sa akin. Tiningnan ko ito at nakita ko ang isang pares ng uniform. Black and white na blouse at skirt na may nakasulat na Phantom sa ibabaw.

"Yan ang isuot mo bukas. Mula ngayon isa ka na sa amin ni Neron. Ang nangyari kanina ay isang aksidente, kinuha ka ni Sy sa DR at dinala sa classroom ng section R-A12. Kung ayaw mo ulit mangyari 'yon, maging alerto ka."

"Paano ako naging isa sa inyo?"

"Itanong mo sa Headmaster, sinunod lang namin ang sinabi niya."

"Pero a----"

"Nasa taas ang kwarto mo, magpahinga ka na."
Putol nito at lumabas na ng bahay. Naguguluhang sinundan ko siya nang tingin. Ang labo ng lalaking 'yon, ang gaspang pa ng ugali. Kitang may itatanong pa ako, umalis 'agad.

Aakyat na sana ako sa kwarto nang makita ko si boy blonde. Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin. Para akong inasisa.

"An--"

"Tsk."
Anong nangyari d'on? Magtatanong lang ako, lumayas 'agad. Magkapareho talaga silang dalawa, walang modo.

Umiiling na umakyat ako sa kwarto. Pagpasok ko ay 'agad akong akong humiga sa kama. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang maalala ko ang sugat ko sa kamay.

Pumunta ako sa CR, nagbabasakaling nandoon ang first aid kit pero wala. Hinalungkat ko na ang buong kwarto pero wala pa rin. Bumaba ako sa baba at d'on naghanap. May nakita akong isang cabinet kaya lumapit ako dito at binuksan.

Napahinga ako nang maluwag nang makita ko na ang hinahanap ko. Isasara ko na sana ang pinto nang mahagip nang mata ko ang isang larawan. Kinuha ko ito at tiningnan nang maigi.

Apat na lalaki at isang babae ang nasa larawan. Pareho silang nakangiti, ang saya nilang tingnan. Sino kaya sila? Kaanu-ano nila ang dalawang lalaki kanina?

Teka ano naman ang pakialam ko sa kanila? Tsk, umaandar na naman ang curiosity ko. Ibinalik ko ang larawan sa cabinet. Kinuha ko ang first aid kit at pumunta sa sala.

Lininis ko ang sugat gamit ang alcohol at nilagyan ng betadine. Kumuha ako ng bandage at itinali dito.
Nang masigurado kong okey na ay ibinalik ko na ang first aid kit sa cabinet.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya muna akong pumunta sa kusina. Gusto ko sana sa cafeteria pero hindi ko alam kung saan 'yon nakatirik kaya magluluto na lang muna ako dito.

Pinihit ko ang siradura at binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa akin ang hindi kaaya-ayang eksena. Takte, anong ginagawa nila dito?

"Shit!"
Mura ni boy blonde nang mapansin niya ako. Dali-dali niyang itinulak ang babae at isinuot ang damit.

"Ouch baby, you're hurting me----wait who's this bitch?"

Bitch? Aba--kung lalaslasin ko kaya ang leeg ng GRO na 'to? Ang talas ng dila.

"New member."
Maikling sagot ni boy blonde at pinasadahan ako nang tingin.

"Tsk, disturbo."

"Hah?"
Nagtataka kung tanong pero hindi niya ako sinagot. Sa halip ay nilampasan niya lang ako at binangga sa balikat. Okey--what was that? May nagawa ba ako?

"Bitch, you've just disturbed our happiness. We could have reached heaven."

Heaven? Bakit may pakpak ba sila? Lumuwag yata turnilyo nito sa utak.
Tsk.

"Layas,"
Walang gana kong saad. Gusto ko na talagang kumain. Pero may clown na nakatayo sa harapan ko. Ahh, hindi pala clown kundi GRO.

"What did you say?"

"Layas,"

"Aba--hoy babae, sino ka----"
I cut her off.

"Lalayas ka o kakainin kita?"

Inis na tumingin siya sa akin.
Sinubukan niya akong itulak pero mabilis akong umilag. Tama na 'yong pagtulak sa akin ng abnormal na lalaking 'yon. Masakit na ang balikat ko.

"May araw ka rin."
Ngumisi lang ako sa kanya at nagkibit-balikat.

Marami akong araw.

Bumuntong-hininga ako at humarap sa kusina. At last, makakakain na rin ako. Sana wala nang didisturbo.

A/N: Here's the ud! Enjoy reading.
Votes and comments are highly appreciated:)

-GDlady

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon