Chapter 6: Rou

3.7K 112 1
                                    

(Drexel Adam Keets at the top👆👆👆😍)

Nzerhina's POV

"Fuck!"
Mura ko at tiningnan nang masama si Adam.

Nandito kami ngayon sa training room. Sa underground ng dorm. Sabado ngayon kaya walang pasok.
Dinala nila akong dalawa dito para magtraining mukha daw kasi akong mahina.

Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at tumayo.
Sa lakas kasi ng suntok niya napaupo ako sa sahig. Hindi naman kasi ako matatamaan kung hindi niya ako dinaya. Sinusuot ko pa lang ang gear ko sa kamay ay umatake na siya.

"Maging alerto ka. Hindi tanga ang kalaban para hintayin kang isuot 'yan."

"Tss."

Tumakbo ako papunta sa kanya at pinaulanan siya ng suntok pero iniiwasan niya lang ito.
Takte gaano ba kalakas ang taong 'to? Kapatid ba niya si Flash?

Sinubukan ko siyang sipain pero mabilis niyang nahawakan ang paa ko at sinipa ako sa tiyan. Napahiga ako sa sahig at namilipit sa sakit.
Bwesit, sa tanang buhay ko ngayon lang ako napuruhan nang ganito.

Lumapit sa akin si Adam at pinahid ang dugo na tumulo sa ibaba ng labi ko.

"Practice harder, you're too weak to be one of us."

Kung hindi lang masakit ang tiyan ko kanina pa sana basag ang mukha niya. Tangina, kung makalait ang hinayupak na 'to parang ang lakas-lakas niya, oh well malakas naman talaga siya pero kailangan ba talagang ipamukha sa akin?
Nakakainis huh.

Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang sa makalabas na siya ng kwarto. Naiwan ako kasama ang blonde na 'to na walang emosyong nakatingin sa akin. Hindi ba siya marunong ngumiti o magsmirk man lang?
'Yan lang lagi ang expression ng mukha niya eh.

"Fix yourself, lalabhan mo pa ang mga duming damit namin."

"What?"

Tama ba ang pagkakarinig ko? Pagkatapos akong bugbugin ng ugok na 'yon gagawin nila akong utusan? Miyembro ba talaga nila ako o katulong?
Hindi nga ako marunong magplantsya tapos gagawin nila akong labandera.

Binigyan niya ako ng panyo atsaka lumabas na rin ng kwarto. Inis na pinahiran ko ang dugo na patuloy pa rin sa pagtulo sa bibig ko.
Puta!

"Hoy ugok! Wala ka bang hiya at talagang palalabhan mo sa akin 'to?"
Sigaw ko kay Adam sabay wagayway ng boxer short niyang doraemon. Pero ang ugok nagsmirk lang sakin. Tangina talaga.

Kasalukuyan akong naglalaba ngayon, sa kasamaang-palad. At ang dalawa? Heto, nasa kiliran ko pinapanuod akong naglalaba. Ang sarap lang itapon sa dagat eh. Hindi man lang ako tinulungan. Ang dami kaya ng pinapalabhan nila sa akin. Isang basket. Kung para sa inyo maliit lang 'yan, pwes ibahin niyo ako.
Ngayon lang ako nakapaglaba.

Inis nagpatuloy ako sa paglalaba, wala rin naman akong mapapala kung sisigawan ko sila. Nang matapos na ako sa pagsasabon ay binanlawan ko na ito. Inihanger ko ito at isinampay sa kiliran ng dorm.

Sa wakas tapos na rin.
Humihikab na naglalakad ako papasok ng bahay. Inaantok kasi ako sa paglalaba kaya matutulog muna ako.

"Saan ka pupunta? Magluto ka muna nagugutom na kami."

Nasa hagdanan na ako nang marinig ko ang sinabi ni Adam.
Hindi makapaniwalang lumingon ako sa kanya. Naghihintay ako na sabihin niyang nagbibiro lang siya pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo ba kami narinig? Ipagluto mo kami."

Kailangan ba talagang ipagdiinan? Mukha ba akong bingi? Idiin ko 'yang mukha niya sa pader eh, tsk.

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon