Chapter 13: Her Rule

2.9K 83 2
                                    

Nzerhina's POV

"The Survival Game or Section's War is approaching. Yesterday we selected a new Vice-President----"

Hindi pa nga natapos sa pagsasalita si Kyeol ay napuno na ng basag na itlog ang mukha niya.

"Boooo!"

"Boooo!'

"Boooo!"

Mga estudyante ba talaga 'tong mga 'to? Seriously? Nasaan ang good manners at right conduct sa mga katawan nila?

"I would like to introduce your new Vice-President, Nzerhina----"

"We don't need VP!"

"Yeahh!"

"Just kill that bitch!"

"Kill her! Kill her!"

Is this even a school? Oo nga pala, skwelahan 'to ng mga taong patapon. Mga taong luwag ang turnilyo.

"Students listen---"

Napapikit ako nang may lumanding na namang dalawang itlog sa mukha niya.

Magsasalita pa sana siya pero inagaw ko ang mikropono. This is too much.
They've got on my nerves. They push me to my limits.

Kung ganito lang pala ang ugali nila, wala na akong pagpipilian.

"Mga asong walang utak, tsk."

"What?"

Liningon ko ang isang lalaking nasa gilid.

"What? Sa inasal niyo, wala kayong pinagkaiba sa mga asong pagala-gala sa lansangan. Students? You don't even deserved to call that. Idiots, losers, scumbag, trash, 'yan ang nababagay na itawag sa inyo."

"Kung makapagsalita ka, parang hindi ka dito nag-ar---"

"Right. Kasama niyo ako. Nag-aral ako sa academy na 'to. Pero hindi ako asal-aso kagaya niyo. Seriously, I know this is a gangster school/ school for delinquents. Pero wala ba kayong hiya sa katawan? Kung wala kayong respeto sa iba, respituhin niyo naman ang mga sarili niyo. Nakakahiya kayo."

"You bitch---"

"Just like Mr. Park said, the Survival Game is approaching. Bago dumating si Mr.Uchiyama, kailangan kong linisin ang mga basura dito. Dahil sa inasal niyo napagdesiyonan kong ipatupad ang dalawang patakaran."

Tumingin muna ako kay Kyeol at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Una, Bloodsweat one warning at hindi pa kayo nagtino itatali ko kayo sa puno. Lalatiguhin ko kayo hanggang sa maubos ang dugo niyo sa katawan. Pangalawa, To do or to die, If you swear to cooperate, I'll spare your life if not I'll shoot you right in the head. One day is enough to decide."

"That's nonsense!"

"Right!"

Napangisi ako sa narinig. Nonsense? Let's see.

Hindi ko na sila pinigilan nang nag-unahan sila sa paglakad paalis. They thought I'm joking? Heh, joke is not my thing.

Tumingin ako sa gawi nina Racer. Umiiling na tumingin siya sa akin. Si Hero naman ang laki ng ngiti. Halos mabinat na ang bibig. Wala namang bago d'on.

"You did a great job."
Saad ni Kyeol sabay tapik sa balikat ko.

Kinuha ko ang panyo ko at pinahiran ang itlog sa mukha niya.

"You look like a mess."

Ngumisi lang siya sa akin at inagaw ang panyo sa kamay ko.

"I know."

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon