Chapter 25: Confession

2.5K 76 0
                                    

Nzerhina's POV

Thursday na ngayon, meaning tarong araw pa bago matatapos ang Hunt-Down. Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng dorm. Kailangan kong makausap 'agad si Adam para malaman ang totoong binabalak ni Sandro. Kung maghihintay pa ako, baka huli na ang lahat.

"Saan ka pupunta?" Racer
Hindi ako sumagot.
Napatigil ako nang hinawakan niya ako sa braso.

"Hindi ka pwedeng umalis. Dito ka lang."
Winaksi ko ang kamay niya.

"Pwede ba, walang papatay sa akin dito. Ang sinag ng araw oh. May kakausapin---"

"Sino? Si Adam? Alam kong siya ang pupuntahan mo. Dito ka lang, hindi ka pwedeng umalis."
Hinila niya ako pabalik ng dorm.
Inis na binawi ko ang kamay ko.

"Teka nga-----ano bang problema mo doon? May itatanong lang ako sa kanya. Atsaka ano bang pakialam mo kung kakausapin ko siya? Kapatid ba kita? Nanay? Tatay? Hindi naman diba? Kaya kung pwede lang, wag mo na akong pakialaman. Pabayaan mo na ako."

"Ayoko."

"Race--"

"Gusto mong malaman kung bakit? Dahil nagseselos ako!"
Sigaw niya.

"W--what?"

"Mahal kita, sapat na bang dahilan 'yon?"
Hindi ako nakapagsalita.
Hindi naman siya mukhang nagbibiro dahil ang seryoso ng mukha niya.

"Nana, mahal kita. Mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka ulit sa akin."
Lumapit ako sa kanya at dinampi ang kamay ko sa noo niya.
"Wala ka namang lagnat ah. Teka- hindi pa ba humihilom ang sugat mo--"

Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong niyakap. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko siyang itulak pero parang may pumipigil sa akin.

"I won't let you go, again. Never."

Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Racer kanina.

"I won't let you go again. Never."
Parang baliw na napangiti ako.
"Nana, mahal kita. Mahal na mahal kita. Ayokong mawala ka ulit sa akin."

Teka--
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inis na ginulo ang buhok.
Ano ba 'tong iniisip ko?
Ano ngayon kung mahal niya ako? Eh hindi ko naman siya mahal.

Pero bakit--
"Aish!"
Hindi ko siya mahal. Hindi pwede. Hindi.

Pumunta ako sa may garden.
Humiga ako sa damuhan at tumingin sa langit.

Sanay na akong habulin ni kamatayan. Bata pa lang, natuto na akong pumatay. Hindi ako umiyak kung nasusugatan. Hindi ako natatakot. Pero ngayon. Hindi ko na alam. Ang dami ng nagbago.
Mula ng napunta ako rito sa DA, hindi na ako sigurado sa sarili ko.

Isa akong self-centered, walang pakialam sa iba. Pero nang makilala ko sila, siya. Ewan, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw, mangyayari na naman ang nangyari noon. Iiwan na naman nila akong mag-isa.

May narinig akong kaluskos.
Dalawang lalaki na nakasuot ng napakapamilyar na maskara ang nakita kong naglalakad papunta sa likod ng ---- school?

Anong gagawin nila sa gitna ng kakahuyan?

Sumunod ako sa kanila.
Huminto sila sa isang malaking puno. Mabilis akong nagtago nang lumingon sila sa direksyon ko.

"Master, may problema ba?"
Rinig kong tanong ni Kieto. Oo si Kieto. Hinding-hindi ko makakalimutan ang maskara niya. At ang kasama niya, si Sandro.

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon