EPILOGUE

4.1K 104 12
                                    


"Hmm,"
Nag-inat ako ng katawan at pumunta sa banyo para maghilamos.

Isang taon na ng mangyari ang trahedyang 'yon sa Blackmarket. Pagkalibing namin kay Adam, umalis kami agad ni Mama sa pilipinas at pumunta sa States para ipagamot siya.
Kararating lang namin kahapon para ayusin ang pamamahala ng DA.

I made a promise to Adam. Alam kong magugustuhan din niya ang gagawin naming renovation.

"Mom?" Pumunta ako sa kusina pero hindi ko makita si mama.
Saan kaya siya pumunta.

"Mo--"

Tumunog ang cellphone ko.
Unknown number.
Nagdalawang-isip pa ako kung sasagutin ko pero sa huli pinindot ko rin ang answered button.

"Hello?"

("Anak nasaan ka na? Nagkaroon ng problema dito sa DA. Pumunta ka na rito.")

"Bakit, anong nangya--mom? Mom?"
Naputol na ang tawag mula sa linya.
Umakyat ako sa taas at nagbihis ng damit.

Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot ito papunta sa DA.
Pagdating ko, wala akong nakitang tao.

Iniisa-isa ko ang bawat classroom pero wala.
Ano bang pakulo 'to?
Sabi ni mom, nandito sila bakit ni-anino nila hindi ko mahagilap?

🎶I'm sure if you know this
But when we first met
I got so nervous, I couldn't sleep🎶

Lumingon ako sa likod nang may marinig akong kanta. Nakita ko si mama kasama sina Alicia habang nakangiting nakatingin sa akin.

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko siya. May hawak siyang bulaklak habang naglalakad papunta sa akin.

It's been one year since the last time I saw him. He didn't even change a bit. Ganoon pa rin ang itsura niya. I thought hindi ko na siya ulit makikita. Hindi kasi ako nagpaalam ng umalis kami papuntang states.

🎶So as long as I live
I love you🎶

Inabot niya sa akin ang bulaklak.
Alinlangang tinanggap ko ito.

🎶You look so beautiful in white🎶

"Ahh--an--I'm--"

"I'm sorry? Thank you? Hindi kita pinapunta rito para marinig ang mga 'yan. Nandito ako para sabihin sayo ang mga hindi ko nasabi noon."
Huminto muna siya saglit bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Na, alam kong marami akong kasalanan sayo. Mga pagkukulang ko. Nasaktan kita. Muntik ka ng mapahamak nang dahil sa akin pero gusto kong malaman mo kung gaano ka ka-importante sa akin. Siguro hindi mo naaalala pero ikaw ang unang kaibigan ko, lagi kang nandiyan para damayan ako. Mas matapang ka pa nga sa akin dahil lage mo akong iniligtas noon."

Hindi ko mapigilang mapatawa nang magflashback sa isip ko ang mga nangyari noon. Naalala niya pa rin pala.

"Na, gusto kong bumawi sayo. Gusto kong protektahan ka. Gusto kong manatili sa tabi mo, makasama ka habang-buhay."
Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"R--Racer, teka anong gina--"

"Ayokong mawala ka pa sa akin. Ikaw ang gusto kong magiging Ina ng mga anak ko. Gusto ko, ikaw ang makikita ko sa paggising ko sa umaga."
May kinuha siya sa bulsa niya. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang isang diamond ring.

"Race--"

"Will you marry me?"

I burst into tears. Hindi ako agad nakapagsalita. Just like in the movie, the guy proposed to his girl. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. All these years, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"O--oo naman. Pero mangako ka. Hindi muna ako sasakalin. Ang sakit ng leeg ko eh."

"Talaga? Yes! Salamat, Na!"Sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Woah! Sa wakas, tapos na rin ang world war 3!" Cycke
Sabay kaming nagtawanan.

Masaya ako. Masayang-masaya ako. Sa kabila ng nangyari noon, napasok man kami sa malaking gulo, nandito pa rin siya, sila, hindi nila ako iniwan.

May nagbuwis man ng buhay. May nasaktan, naulila. Pero alam ko, kung nasaan man siya ngayon, masaya siya para sa akin.

Salamat, Adam.
Hinding-hindi kita makakalimutan.

"I love you, 'Na." Racer. I place my arms around his neck.

"I love you too, Rou."
Dumampi ang labi niya sa labi ko. He kissed me passionately, full of love and care.

Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

I know this is not yet a happy ending. This is just the beginning of our story.
But there's one thing I'm sure of. This man is only person I want to grow old with.


A/N:
And thank you😂
Sa wakas after one year natapos na rin. Hindi ko alam kung magugustuhan niyo ang ending. But I did my best to write this last chapter.

Thank you for reading this story.
Thank you for the support. Sana basahin niyo rin ang iba ko pang story.

Racer and Yuki are now signing off💞
Lovelots!

-Lady Kwon


Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon