Chapter 20: Regrets

2.4K 66 3
                                    

This chapter is dedicated to Ms. FlairStoica thank you for the cover po. Nagustuhan ko Po siya.💞

Nzerhina's POV

Kanina ko pa sinusundan ang kotse ni dad. Halos dalawang oras na, malayo-layo na rin ang bi-nyahe namin.
Alam kong hindi 'to tama pero may gusto lang akong malaman.

Huminto ang kotse ni dad sa harap ng isang-----sementeryo?
Bakit siya nandito?
Hindi naman dito nakalibing si mama ah.

Bumaba ako ng kotse at nagsuot ng mascara. Sumunod ako sa kanila.

Lumapit siya sa isang lapida at may pinindot dito. Nanlaki ang mata ko nang bigla itong bumukas.
Secret Underground?

"Shit!"

Mabilis akong nagtago nang bigla siyang lumingon siya kinaroroonan ko.

"Headmaster, may problema po ba?" Rinig kong tanong ni Butler Greg

"Let's go."

Nang makita kong wala na sila ay lumapit ako sa lapida. Kinuha ko ang pulang panyo ko sa bulsa. Nilagay ko ito sa gilid bilang palantandaan. Baka sakaling makalimutan ko ang lugar na 'to. Mahirap na.

Malayo pa lang ako sa bahay ay sinalubong 'agad ako ni Deric.
"Yuki!"

Hininto ko ang motor at tinanggal ang helmet.

"Salamat naman at nandito ka na. Kanina pa ako naghihintay sayo."

"Picture,"pokerface kong saad sabay lahad ng kamay.

"Gagawin mo talaga?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
I rolled my eyes.

"Ibibigay mo ba o hindi?"
Alinlangang inabot niya sa akin ang envelope.
Binuksan ko ito.
Isang picture ng matandang lalaki ang laman.

"Siya si Congressman Han, nakipagkita siya kay master noon at gus---"

"Cut it. Wala naman akong pakialam kung ano ang relasyon nilang dalawa."

Pumunta ako sa closet at kinuha ang maskara at katana na matagal ko ng hindi ginagamit. Hinaplos ko ito.
"It's been a while."

"Yuki, talaga bang gagawin mo 'to? Pwede namang ako na lang ang papatay sa kanya. Kaya ko naman eh."

Tiningnan ko lang siya at sinuot ang itim na hood.

"Yuki---"

"One more word and I'll kill you."
I said in a cold tone.

"Alis na ako. At Wag na Wag mo akong susundan."

Umakyat ako sa isang malaking puno na nasa gilid ng gate ni Mr. Han at maingat na tumalon papasok.

"Tiba-tiba na naman tayo nito."
Nagtago ako nang makita ko ang tatlong lalaki na paparating.

"Oo nga ma---"

"Shit!"
Aksidenteng may natapakan ako.
Naglikha ito ng malakas na ingay.

"Sino 'yan?"

No choice. Mukhang kailangan kong pumatay ng extra.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko.

"Sino ka?"
Tanong ng isa.
Binunot ko ang katana ko.

"Anong kailangan m--"
Wala pang isang minuto ay nagsibagsakan na ang ulo nilang tatlo sa sahig.
"Pasensiya na. Trabaho lang."

Binalik ko ang katana sa likod ko at pumasok sa loob ng bahay.
Iniisa-isa ko ang kwarto hanggang sa makarating ako sa library.

Naabutan ko si Mr. Han na may kahalikang babae.
"Ehem. Nakaistorbo ba ako?"

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon