Chapter 14: Sister?

3K 77 3
                                    

Nzerhina's POV

"Kill her!"

"Run, baby. Don't let them catch you."

"No! Mommy! Mommy!"

"No!"

Shit!
Napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal na napaupo ako sa kama.
That dream again.

"Nightmare?"
Biglang tanong ni Xena.

Tumango lang ako. Kinuha ko ang jacket at lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa may bench malapit sa dorm at umupo. Napapikit ako ng dumapo sa balat ko ang malamig na hangin.

"Listen retard, that stupid plan can't change everything. Just let it be. Give it a rest. They're not your responsibility."

I know they're not my responsibility. But I need to help them, pero hindi mangyayari 'yon kung hindi ako tutulungan ni Racer.

Napatingin ako sa likod nang may biglang naglagay ng jacket sa balikat ko.

"Can't sleep?"

Tiningnan ko lang siya at ibinalik ang paningin sa harapan.

"About what I said yesterday---"

"It's okay. I'm not expecting you to help us, anyway."

"Retard---"

"Just don't interfere with my business. That's my last favor."

Tumayo na ako at bumalik sa kwarto.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa office ni Miss Annie.
Alam kong mahihirapan ako sa pinaplano ko pero kailangan kong subukan.

"I'm sorry Ms. Yuki pero--"

"Alam mo ang sitwasyon nila and yet wala kang ginagawa. Ano ba ang dahilan at dinala niyo ang magkapatid na 'yon dito?"

Base sa sinabi ni Xena kahapon, sapilitan silang dinala dito.

"Utang,"

"Utang?"

Sila ang ibinayad? Imposible.

"Alis na ako. Payo lang Miss Yuki, hindi mo sila kilala o ang mga tao dito. Wag kang basta-basta magpapadala sa emosyon mo."

Emosyon?
I'm not helping them because I want to. It's because I need to.

Lumabas na rin ako nang makaramdam ako ng gutom. Hindi pa ako nakakain ng almusal kaya parang lalabas na 'yong alaga ko sa tiyan.

"Chicken curry, spaghetti, 3 slice of Bluberry cheesecake, beefsteak, meatballs, S rolls, adobo at dalawang pepsi can."
Agad kong sabi sa cashier pagdating ko sa cafeteria.

Gulat naman siyang napatingin sa akin.
Ngayon lang ba siya nakakita ng babae na ganito kadami ang in-order? Kulang pa nga 'yan sa akin.

Iwinagayway ko ang kamay ko sa mukha niya pero wala pa rin siyang kibo.

"Wanna die?"

"Po?"

Nakakarinig naman pala eh. Kailangan pang takutin.

"Sorry po. Heto po."

Ibinigay ko sa kanya ang bayad at kinuha ang pagkain.

Inilibot ko ang paningin sa paligid pero wala ng vacant seat.
Maliban sa table nina Terou.

No choice.
Kesa mamatay ako sa gutom.

Walang pasin-tabing umupo ako sa tabi niya.
Gulat na napatingin siya sa akin pero agad ding napangisi.

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon