Chapter 26: Last Second

2.5K 64 1
                                    

Nzerhina's POV

"Pinagloloko niyo ba ako? Bakit ayaw niyo akong palabasin? Kailangan kong iligtas ang mama ko!" Sigaw ko

Tatlong araw na akong nakakulong dito sa dorm. Gusto kong lumabas pero ang kulit ng tatlong 'to. Laging nakabantay.
Si Racer naman, hindi ko alam kung nasaan. Paggising ko, hindi ko na siya nakita.

Pero hindi 'yan ang inaalala ko sa ngayon.
Ang mama ko.
Kailangan ko siyang puntahan. Baka kung ano na ang ginawa ng mga walang-hiyang 'yon. Kailangan ko siyang iligtas.

"Pandak, sa tingin mo. Magtatagumpay kaya siya? Hindi ba natin siya tutulungan?" Alicia

"Maghintay na lang tayo."Cycke

Pero paano ako makakaalis dito?
Si Hero, nakaupo sa tabi ko.
Si Cycke, nakatayo sa may pintuan. Si Alicia naman, nasa harap ko.
Pati yata ang paghinga ko, ang hirap gawin.

"Hanggang kailan niyo ba ako balak bantayan? Tapos na ang Hunt-Down diba?"naiinis kong tanong

"Basta. Dito ka na lang. Lagot kami kay Racer kapag nalaman niyang pinalabas ka namin."Alicia.
Kumunot ang noo ko.

"Racer? Siya nag-utos nito?"

Napatakip siya sa bibig niya. Hindi niya siguro inaasahan. Pero huli na eh. Narinig ko na.

"Nasaan siya?" Hindi siya sumagot.
Tiningnan ko sina Hero at Cycke.
Umiwas sila ng tingin.

"Ayaw niyong sabihin? Sige, ako na lang ang maghahanap ng sagot."

Dumiritso ako sa office ni Kyeol, siya lang kasi ang kilala kong maaaring makapagbigay ng sagot sa akin. Pero pagdating ko hindi ko siya nakita.
Pumunta ako sa cafeteria naabutan ko siyang kumakain ng steak.
Napairap ako.
Paano niya nagawang kumain dito?

"Hindi ko akalaing kumakain ka pa rin dito." Ani ko.
Tumingin lang siya sa akin saglit at bumalik ulit sa pagkain.

"May gusto lang akong malaman. Alam mo ba kung nasaan si Racer?"

"Bakit, nag-aalala ka sa kanya?"balik niyang tanong.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko, alam mo ba kung nasaan siya?"

Alas-dyes na ng gabi. Hanggang ngayon hindi pa rin magsink-in sa utak ko ang sinabi ni Kyeol.

"Nang makita niya ang video, bigla na lang siyang umalis. Ililigtas raw niya 'yong babae, kilala mo ba kung sino'yon?"

"Bakit?"

"Rou, tulungan mo ako. Ang mama ko, ang mama ko."

I never thought na gagawin niya ang bagay na 'to. Hindi ba niya alam kung gaano ito ka-delikado?
Rou, bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?
Lalo mo akong pinahirapan. Tanga ka talaga.

"Alam mo ba kung saan siya pumunta?"

"Blackmarket,"

Kailangan kong pumunta doon. Kahit uncle niya ang Jun na 'yon, wala pa ring kasiguraduhan. Ayokong may mamamatay na naman nang dahil sa akin.

Sunod-sunod na pagsabog ang narinig ko mula sa labas. Nagkatinginan kaming apat.
"Ano 'yon?"

Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang mga nakaitim na lalaki. Isinarado ko ito at kinuha ang katana ko sa kwarto.

"Teka, Yuki bakit--"

"Nakalaro na ba kayo ng COC?."

"Huh?"

"Clash of Clans. Kapag may inatake kang base at hindi mo ito natalo. Aasahan mong may aatake na naman para magclean-up. 'Yan ang ginagawa nila ngayon, nililinis na nila ang laro na hindi nila natapos."

Demon Academy✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon