CHAPTER 13

30.6K 825 5
                                    

I would like to dedicate this chapter to jvp1413 thank you  for voting this story from the beginning till the last update :)

(EARL POV)

Andito na kame ni bossing sa hotel nakaupo na sa upuan at hinihintay na lang ang katransact namin. Kilala na namin sila dahil tiningnan namin isa isa ang kanilang profile.

Uy sakto may event pala na gaganapin dito ngayon. Mga seseksing model to. Buhay nga naman uh, haha kapag may natipuhan ako dito ibabahay ko  agad.
May suot kaming mga hearing devices para may contact kami sa isat-isa at para maging successful ang transaction namin ngayon.

Nagsalita si alex sa hearing device.

(Boss dumating  na si Mr.  Chin)

"Kenneth where are you?" Tanong ni bossing kay ken sa pamamagitan ng hearing device. Sumagot naman si ken.

(Im here boss at the entrance of this hotel)

"Keep an eye on him"

(Yes boss)

Si zack naman ang tinanong niya.

"Zack did you plant all the bombs already?"

(Syempre naman boss ako pa ba? Sa gwapo kong to?)

"Tsk" sabi na lang ni bossing. Ang kapal talaga ng mukha nung lalaking yun.

"Carl you know what to do later"

(Areglado bossing)

Di naman kumibo si bossing. Alright let's get it on baby!!

Maya-maya lang dumating na si Mr. Chin at ang kanyang mga tauhan. Tumayo kami ni bossing at nagpakilala.

"Mr.Chin Im Luke Hilton the owner of the hilton company and this is my secretary Earl Mendiola." Pagpapakilala ni bossing.

"Good evening Mr.Chin" sabi ko at nakipag shakehands. Buti na lang di kami nakilala ng mga ito dahil ang alam lang nila ay ang name ng grupo namin.

"Nice to meet you Mr. Hilton and Mr. Mendiola" sabi niya ng nakangiti. Tsk! sulitin mo na tanda ang pagngiti mo dahil hindi ka na makakangiti after ng gabing ito.

"Dala niyo ba ang mga baril?" Tanong pa niya sa amin.

"Of course!" Sabe ko dahil at umupo na kami.

ENNNNGKKK!

Potek yan!! Ang sakit naman sa tenga nyang mic na yan. Mah nagsalita sa stage host ata.

"Ladies and gentlemen, thank you for coming! tonight is the big night launch for Garcia company Let's get started. Here's  the model together with the product of garcia company." Isa isa namang nagrampa ang mga model, shit!!! Ang gaganda at ang kikinis.

Si bossing naman ayun tulala palibhasa kasi di mahilig sa babae, Haha. Nakatingin lang din sa stage si Mr.  Chin.

Bumalik ulit ang tingin ko sa stage. May napansin akong isang model, tinitigan ko siya,  she looks familiar saan ko nga ba siya nakita?

Wait??

Teka??

Is that Ms. Charmaine??

Anong ginagawa niya dito? Alam ba to ni bossing  is it part of the plan??

( ang suot po dito na damit ni charm ay kagaya po nung picture na nasa chapter 12 :))

Tumingin ulit ako kay bossing , di pa rin siya nakatingin.  Bumulong ako sa kanya.

"Boss look at the stage"

"Tsk! I have no time for that"

Ano ba yan di pa nga niya nakikita.

"Si Ms. Charm po nasa stage." Pagkasabe ko nun mabilis siyang lumingon sa stage.

Napamura siya sa gulat at mukhang nagtataka din siya sa mga nangyayari. So wala siyang alam dito? Tsk! Naku matinding away to panigurado ang iksi ba naman ng suot ni Ms. Charm ang seksi pa niya. Dami ngang tumitingin sa kanya pati na rin si Mr. Chin naglalaway na ata.. Haha

"Damn it, carl get my wife at the backstage then bring her at the car."mahina at may diing  utos ni boss Kay carl para di kami mahalata ni Mr. Chin.

(Copy boss)

May ibinulong ang isa sa mga tauhan ni tanda sa kanya. At unti unti itong lumingon samin. Siguro alam na niya na di talaga kami ang katransact niya. Too bad naunahan na siyang barilin ni bossing, binaliktad agad ni bossing ang lamesa para di kami matamaan ng mga tauhan niya.

May mga naririnig na din akong mga nagpuputukan mga tauhan ni boss yun.

Nagsigawan naman ang mga tao at nagmamadaling lumabas. Gumanti ako ng baril at natamaan ko sa noo ang isa. Sapol!!!!

"Earl get the briefcase" utos ni boss.

"Yes boss!" Unti unti akong lumabas sa gilid ng pinagtataguan kong lamesa.
Gumapang ako papunta sa katawan ni Mr. Chin at kinuha na ang dapat kunin.

"Ibalik mo yan samin" sabi ng isang,tauhan

"Tsk? Sino ka para sundin ko?" Pang aasar ko sa kanya.

"Aba't ga--" .

BANG BANG

Binaril na siya ni bossing, ang daldal pa kasi.

(Boss your wife is in your car now)

Rinig naming sabe ni alex.
Nagsalita din si zack

(Boss 2 minutes left before the bomb explode)

Tumakbo na agad kami ni bossing papuntang  exit. Dala dala ko pa rin ang briefcase.

Shit! Ayaw ko pang mamatay nu! 

After naming makasakay sa sasakyan ay sumabog na ang hotel. Hayy salamat natapos din. Pagtingin ko sa shotgun seat ay nandun si Ms. Charm na  gulat na gulat at nagtataka sa mga nangyayare.

"What the? Bat sumabog ang hotel? Si bessy asan siya?" Tanong niya samin.
Si Alex ang nagdadrive kaya todo focus siya sa daan.. Tsk !

Tahimik naman si bossing at mahahalata mong galit ito. Hinubad niya ang coat niya at binato kay Ms. Charm.

"Wear that!!" May halong sigaw na utos niya .

Sinuot naman agad ito ni Ms. Charm.

"Alex stop the car now" utos ni bossing kay alex.
Nagtataka naman kami kung bakit. Ihininto naman ni Alex ang sasakyan sa gilid. Nagsalita ulit si bossing.

"The two of you get out of my car now!" What??

"Pero boss wala kaming dalang sasakya--" sabi ko na hindi natuloy dahil nagbilang na siya. Once na nagbilang na yang si bossing ay seryoso siya sa kanyang mga sinasabe. At kapag umabot ng tatlo ang  bilang niya ay humanda ka na.

Lumabas agad kami ni Alex sa kotse mahirap na. Lumabas  din si bossing at lumipat sa driver seat tapos pinaharurut na ang kotse.

"Pambihira namang buhay to oh!" Sigaw ko out of frustation. Gabi na eh tapos iiwanan lang kami dito.

"Di ka na nasanay dun ipapadala ko na lang kotse ko para masundo na tayo" sabi ni alex at nag dial na.

Ang lupit talaga ni bossing nakakainis minsan eh pero di ako magagalit dun dahil may malaking utang na loob ako dun at gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit na buhay ko pa ang maging kapalit.

After 30 minutes ay dumating na din sa wakas ang sundo ni alex at nagpahatid na rin ako sa bahay..

Hayy buhay kapagod naman ang araw na to.

Please vote and comment po para malaman ko po kung may nagbabasa ba nito.. Hehe

Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon