CHAPTER 14

32.2K 680 7
                                    

(CHARMAINE POV)

Pagkatapos lumabas ng dalawa niyang tauhan ay lumabas si luke at umikot papaunta sa driver's seat at pinaharurut ang kotse.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit sila nandun sa hotel at kung bakit sumabog ang hotel.

Ligtas kaya si bes? Kanina kasi nung papunta na ako sa backstage ay nagulat na lang ako ng makita ko dun ang tauhan niya si carl ata yun.
Tapos dinala na niya ako sa dito sa  kotse pero bago kame makaalis ay narinig ko na may mga putukan ng mga baril kaya nagsitakbuhan na ang mga tao.

Sinilip ko si Luke, focus lang siya sa pagdadrive? Galit kaya siya?

(Malamang galit yan hinagisan ka nga ng coat kanina diba?) Sabi ng isip ko.

Wahhh!! What should i do??

Pagdating namin sa mansion ay bumaba agad siya sa sasakyan at pumasok sa loob. Di man lang ako pinagbuksan. Huhuhu.

Sumunod na lang din ako sa kanya. Dumiretsu siya sa taas at sumunod na lang din ako.
Pagpasok niya sa loob ay umupo siya sa edge ng kama at tumitig sakin.. Wahh!! Nakakatakot  siya swear!!

Palihim akong nagdadasal baka kasi bigla na naman siyang  bubunot ng baril at itutok sakin. Mahirap na.

"Explain" panimula niya.

"-a--e--i--o--u---"

"God Damn it woman!  Why are you there? And look at your clothes?" Sigaw niya.

Natahimik naman ako  dahil naiiyak na talaga ako sana wag munang tumulo ang luha ko para di niya makita. .

"Answer me woman ! Why are you lying to me? I gave all you want  what you need, Isn't enough for you?" Sigaw niya ulit.

"Luke hindi naman ganun yun eh, yung bestfriend ko kasi nakiusap sakin na mag ganun, isang araw lang naman daw kaya pumayag na ako dahil mapilit  siya at tulong ko na lang din sa company nila. Sorry huhuhu sorry na kung di ko sinabe sayo ang totoo baka magalit ka kasi sakin eh." Mahabang paliwanag ko habang umiiyak.

Di naman siya kumibo nanatili lang siya sa kanyang pwesto.  Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid niya. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinaharap ko siya sakin. Umiiyak pa rin ako.

"Hubby Im very sorry! Takot lang ako na magalit ka sakin alam ko kasi na di mo ako papayagan kaya nagsinungaling ako. Hubby please forgive me?" Iyak pa rin ako ng iyak.

Lumambot naman ang expression niya at pinunasan niya ang mga luha ko ng dalawa niyang thumb.

"Wife I hate seeing you crying it breaks my heart, alright i forgive you. But please dont do it again" sabi niya sakin.

Bigla naman akong ngumiti at niyakap siya agad.

"Thanks hubby i promise!" Sabi ko at niyakap pa siya ng mahigpit.

Humiwalay na siya sa yakap  ko at hinalikan niya ko sa noo.

"Take a bath now! Its like   you seducing me , look what you were wearing its so seductive". Sabi niya ng nakataas baba pa ang dalawang kilay.

"Uyy hindi ah, dyan ka na nga" sabi ko habang patakbo na sa CR.
Narinig ko naman ang tawa niya..

Hayy salamat okay na agad kame,. Promise magpapaalam na talaga ako sa kanya kung saan man ako pupunta .

Hinubad ko na ang mga damit ko at nagbabad muna sa bath tub!! Naiisip ko pa rin kung sino ang nagpasabog sa hotel na yun. Wala ba silang konsensya para gawin yun?? Tsk!! Tsk!!

Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon