CHAPTER 35

26K 439 16
                                    

Tinatamad na po talaga akong magsulat kaya ngayon lang ako nakapag update. Enjoy reading guys :)

(KENNETH POV)

"Kenneth tawagan mo na si bossing" utos sakin ni Carl habang naglalaro silang tatlo ng baraha. Nandito kaming lahat sa bahay ni Alex except kay bossing.

"Ayoko, tinatamad ako." Sabi ko at humiga sa sofa. Si Alex naman ay naglalaro sa PSP niya.

"Diyosko naman pare pag tawag lang tinatamad ka, pero sa babae hindi." Sabi ni Zack.

"Pare iba kasi yun" sagot ko naman.

"Ang tatamad niyo talagaako na nga lang." Sabi naman ni Alex at tinigilan na ang paglalaro ng PSP niya. Nilabas niya ang cellphone niya at tinawagan si bossing.

"Bossing hindi pa sila kumikilos simula ng nangyare yun, patuloy pa ring nagtatago silang mag-ama." Nagtataka naman ako sa sinabi ni Alex tungkol sa nangyaring iyon, may kinalaman kaya silang dalawa sa nangyari  sa  head??. Pati ang tatlo ay napahinto rin sa pagbabaraha.

"Yes boss araw araw namin silang susubaybayan" sagot ni Alex at binaba na ang tawag.

"Alex maupo ka nga rito" utos ko sa kanya.

"Bakit? May problema ba?" Nagtatataka niyang tanong.

"May alam ba kayo ni boss sa nangyare noon sa head? Sabihin mo ang totoo" seryoso kong tanong. Pati ang tatlo ay nakatitig lang din kay Alex inaabangan ang magiging sagot niya.

"Ah!! Kaming dalawa ni bossing ang gumawa nun" nagulat kaming tatlo sa sagot niya.

"But how?" Tanong ni Zack.

"Nagdisguise si boss siya yung lalaki na kinakausap ng head" pabitin naman

"Pero papaano nga nagkaroon ng video?" Panggigigil na tanong ni Carl.hahaha

(ALEX POV)

Ang kukulit naman ng mga ugok na to, ang daming tanong. Kinuwento ko na sa kanilang apat ang lahat ng nangyare simula kung paano nakunan ng video hanggang sa huli. Nakanganga naman silang tatlo.

"Ang astig talaga ni boss" biglang sabi ni Earl.

"Sayang di ako nakasama nung ginawa niyo yun" may himig pagtatampo na sabi ni Carl

"Oo nga sayang naman." Sabi naman ni Zack.

"Ang daya daya niyo talaga" si kenneth naman ang nagsalita.

"Hahaha ako lang ako ang maaasahan ni boss" pagmamayabang ko.

"Tara na uwian na" sabi ni kenneth at nagkunyaring tumayo. Baliw talaga. Haha

Napalingon kaming lima ng bumukas ang pinto. Si ate lang pala.  Pagkalapit niya sakin ay piningot niya ang tenga ko.

"A-aaray a-ate bakit?" Tanong ko at binitawan na niya ang tenga ko. Shitt!! Ang sakit napaka brutal talaga ng taong to parang dj babae.

"Bakit hindi mo sinabe sakin na may asawa na pala si Luke" tanong niya ng nakataas ang dalawang kilay.

"Eh di ka naman nagtatanong eh" katwiran ko sa kanya habang hinihimas ko ang aking tenga.

"Kailangan ko pa bang magtanong? Alam mo bang nagmukha akong ewan kanina sa harap nilang mag-asawa at mukhang pinagselosan pa ako ng asawa niya" nanlalaking mata niyang sabi.

"Sorry na, now you know"

"Hayy naku kung di lang kita kapatid matagal na kitang pinatapon" sabi niya at umakyat na sa kwarto niya. .

****

(CHARMAINE POV)

Paggising ko ay sakto namang bumukas ang pinto. Pumasok si luke na may dala dalang tray na may mga pagkain.

"Good morning wife, breakfast in bed." Nakangiti niyang sabi at nilagay na ang tray sa may gilid ko.

"Good morning din, anong meron?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing naisip ko lang na dalhan ka nito baka mapagod ka pa eh." Ayan na naman siya. .

"Ano ka ba? Mag-iisang buwan pa lang yung tiyan ko"

"Basta ayaw kong mapagod ka" ang tigas talaga ng ulo ng lalaking ito. Kinuha ko na ang kutsarat tinidor at nag umpisa ng kumain. Infairness ang sarap nito ah, marunong pala siyang magluto.

Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito at sinagot di ko na tiningnan kung sino ang caller dahil alam kong si bessy lang naman ang tumatawag sakin.

"Hello?--- hello?"
Ano ba to? Di naman sumasagot.

"Hey wife who's that?" Tanong ni Luke. Pagtingin ko sa cellphone ko ay nakapatay na ito.

"Dunno di sumasagot eh, bigla na lang pinatay" sagot ko sa kanya at pinatuloy ang pagkain.  Humarap naman ako sa kanya at nagtanong.

"Wala ka bang pasok ngayon sa office?"

"Babantayan na lang kita" hayyy naku.

"Luke ano ka ba kaya ko na ang sarili ko. Di mo na ko kailangan bantayan. Pumunta ka na don baka malugi pa yang company mo dahil sakin."  Ngumiti naman siya.

"Yes maam bye" sabi niya sabay nakaw ng halik at umalis na.

May topak talaga minsan yang asawa ko.!!

KRING KRING

Bigla namang nag ring ang cellphone ko.  This time tiningnan ko na kung sino ang caller si bessy pala. Sinagot kp agad ito.

"Oh, bessy bakit?"  Tanong ko agad.

"Pwede ba kong magpasama sa mall birthday kasi ni daddy bukas at wala pa akong nahahanap na gift for him." Alam kong naka pout tong babaeng to.

"Anong oras  ba?" Tanong ko naman.

"Now na, actually andito na ako sa mall hehe" isa din itong babaeng to.

"Hayu naku papunta na ako" sabi ko na lang. Pambihira namang babaeng to.

Agad agad kong inubos ang pagkain at agad na naligo, pagkabihis ko ay nagmamadali agad akong pumunta sa mall. Nakarating na ako at agad na nagpark nakita ko naman si bessy na mukhang naiinip na.

"Bessy naman ang tagal mo" nakasimangot niyang sabi pagkalapit ko sa kanya.

"Eh kung di ka lang malaking gaga eh di na talaga kita pinuntahan" bigla naman siyang mgumiti.

"Para mapuntahan mo agad ako."  Nalangisi niyang sagot.

"Tara na nga para makauwi na agad ako, di pa ako nakapagpaalam sa asawa ko eh" agad ko na siyang inakay kung saan saan. Ilang boutique na ang napuntahan namin pero wala pa rin siyang mahanap na ipangreregalo sa tatay niya.

After how many weeekkkss!! Haha nakahanap na rin siya. Di ko na sasabihin kung ano ang binili niya dahil surprise niya yun sa tatay niya. Hahahaha.

"Bes tara na baka malaman pa ni Luke na lumabas ako ng bahay todo bantay pa naman sakin yun" sabi ko kay bes pagkalabas namin ng boutique.

"May dala ka bang sasakyan? Kung wala ihahatid na kita." Alok ni bes sakin.

"Wag na may dala sige na bye" pagmamadali kong sabi sabay beso sa kanya.

Sumakay agad ako sa kotse. Habang papaabante ako ay may nakita akong babae sa may side mirror, si kristel yun ah?  Pagtingin ko sa likod ay wala naman.

Baka hallucination ko lang yun.! Makauwi na nga, patay na naman ako nito kay luke. Tsk!!

****
Lame update !!!????!!!?

Kung may mga mali po sa spelling intindihin niyo na lang po, di ko na po kasi binabalikan yung mga sinusulat ko. Salamat :)







Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon