CHAPTER 2

40.6K 795 24
                                    

      (CHARMAINE POV)
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa trabaho sabado ngayon kaya wala akong pasok sa school.

Isa akong waitress sa isang italian restaurant.

Pagdating ko sa restau eh dumiretsu na ako sa locker at nagbihis ng uniform.

"Oh charm andyan ka na pala?"  Tanong ng katrabaho ko.

Ay! Hindi nasa bahay pa ako! Haha

"Ah opo,kakarating ko lang po". I said with a smile.

" Sige na tara na madameng customer ngayon kase weekend!" Sabe niya at umalis na, sumunod na lang ako sa kanya.

Nagpupunas ako ng lamesa ng tawagin ako ni ate lana  katrabaho ko rin.

"Charm pabigay nga tong coffee dun sa table #5
Salamat".

" sige po ate lana".

Pumunta na ako sa sinabe niyang table. May nag-uusap na tatlong lalake dito. May dalawang bodyguard pa yung isa wowww!! Social si kuya.

Nakita ko yung mukha nung may dalawang bodyguard. Ulalam ang gwapo!!!
grabe ang tangos ng ilong niya at ang puti niya maputi pa siya sakin, kaya lang mukhang masungit.

Malapit na ako sa table nila ng madulas ako at ang masaklap pa eh
natapon ko yung coffee dun sa lalakeng gwapo na masungit.
Patay na!!! Wahhh di ko sinasadya. Hala!! Pano na to ang clumsy ko talaga.
Baka masisante ako nito ng wala sa oras di ko na mapapakain ang mga alaga kong bulate wahh Huhuhu!!

Nagulat na lang ako ng sumigaw siya.

"Sh!t, stupid woman!!". Wahh  Nakakatakot ang mukha niya parang kakain na ng dalawang tao. Huhu.

" Sir Im very sorry di ko naman po sinasadya, nadulas po kase ako eh". Paliwanag ko habang nakayuko. Ayokong tumingin sa kanya dahil natatakot ako.

"Tsk! I dont need your explanation!"
With that eh umalis na siya. Sinundan na lang siya ng mga kasamahan niya. Naku nasira ko pa ata ang pag-uusap nila.. Huhuhu

"Oh charm what happened?". Tanong ni ate lana.

" ate lana huhuhu natapon ko yung coffee mismo sa shirt nung gwapong masungit, baka masisante na ako. Huhu". Ngawa ko kay ate lana.

"Ano ba kaseng nangyare sayo? Buti wala si manager kalbo ngayon kundi patay ka talaga". Sabe niya at bumalik na sa kanyang pwesto.

Wahh!! Buti naman at wala ngayon si kalbo baka masisante na talaga ako.
(Hingang malalim)

FAST FORWARD

HAYY sa wakas makakauwe na rin it's already 8 in the evening. Nag-aabang na ako dito sa sakayan ng  tricycle pero ilang minuto na akong nag-aabang wala pa ring tricycle.
Ano ba yan malas naman oh.
Maglalakad na nga lang ako medyo malapit lang naman eh..

Habang naglalakad ako pauwe kinakabahan ako I dont know why? O baka naalala ko lang ang sinabe sakin ni bes about sa mga lalake na kumukuha ng mga babae. Ehh creepy!!

Napakadilim naman kase dito nakakainis, di ba nila alam may magandang dilag na naglalakad dito? Hahaha

Ayan malapit na ako sa bahay. Konting konti na lang ng may biglang huminto sa harap ko na isang van na itim at may lumabas na mga lalake na naka bonnet.
Ano yan? May shooting ba dito?

Papalapit sakin ang dalawa.  Wait? Bat sila papalapit sakin?  Ang alam ko walw naman akong kakilala na ganyang mga tao. Wait lang di kaya sila na yung mga lalake na kumukuha ng mga babae? Hala patay na!  Kinakaban na ako di ko alam kung ano ba ang gagawin ko.

Habang papalapit sila sa akin ay paatras naman ako ng paatras.  Tatakbo na sana ako kaya lang nahawakan nila ako sa magkabilang braso.

"Hey, let me go! Kung kikidnapin nyo lang ako pwes wala akong pera, mahirap pa ako sa pusa so pakawalan nyo na ako dahil wala kayong mapapala sakin." Pagpupumiglas ko.

"Wag kang maingay kung ayaw mong mamatay agad ng maaga". Sabe niya at pinulupot niya yung braso niya sa leeg ko.
Yuck!! Ngayon pa lang mamamatay na ako dito duhh ang baho ng kili kili niya bigyan ko kaya siya ng rexona.

Kinaladkad na nila ako papunta sa van at ipinasok sa loob pumasok din agad ang dalawang lalake.

Lord katapusan ko na ba?  Madame pa akong pangarap sa buhay, gusto ko pang magkaasawa at magkaanak ng madame. Gaya ng isang basketball team.
Parang ang dame ko  naman atang anak nun?

" Ano ba kayo diba sinabe ko na sa inyo na mahirap lang ako. Diba kayo nakakaintindi o hindi nyo iniintindi? Pumili kayo sa dalawa." Pasigaw na wika ko.

Ang tigas naman ng mga ulo nito. San kaya sila nagmana? Haha.

"Ano ba! ang ingay mo naman pag di ako makapagpigil gigilitan na kita?" Sabe nung nasa driver na panot.

"Edi wow!" Sabe ko ng nang-aasar.

"Anong sabe mo? Pilosopo ka ahh?".

" pilosopo asawa ni?" Tanong ko sa kanila.

"Pilosopa". They said in unison. Bigla namang sumigaw yung isa

" ano ba? Niloloko mo ba kameng babae ka huh?".
 
"Hindi ahh. Tama naman talaga yun eh kase lalake ang pilosopo and babae is pilosopa right boys?"  Tanong ko sa kanila.

Sumigaw ulit si kuyang panot na driver.

"Ano ba? Ang ingay mo. Pare patulugin mo nga muna yan!"  Sabe ni kuyang panot na driver sa katabe ko.

May bigla namang tinakip yung katabe ko na panyo sa ilong ko at unti- unti na akong nakatulog.

#Ms.Jelena


Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon