Chapter 39

22.3K 409 22
                                    

Before ko umpisahan ang chapter na ito, sino ang may alam na WORK? Hehe naghahanap kasi ako eh.

Anyway here's the Chapter enjoy reading guys!!

(Charmaine POV)

Napabalikwas agad ako ng bangon ng marinig ko ang iyak ng kambal.Tiningnan ko ang wall clock 4:30 pa lang ng madaling araw.

Ang hirap talagang bumangon ng mga ganitong oras kahit sanay na ako dahil alam niyo naman ang mga baby nagigising talaga sila ng kahit anong oras.

Nagtimpla ako ng gatas at pinadede na sa kambal ayun natahimik din. Teka???

Lumingon ako sa kama at dun ko lang napansin na wala pala si Luke. Ha? San naman pumunta yun ng ganitong oras??

Kainis ah! Ako nag papakahirap  dito tapos siya paalis alis na lang. Ang hirap kaya mag alaga ng bata lalo na't dalawa pa.

Pagkatulog ng kambal ay bumalik na ako sa kama, hihiga na sana ako ng may mapansin ako na isang maliit na papel sa table.

Kinuha ko ito, bigla ko itong nabitawan at napatulala na lang sa aking nabasa.

No!! It can'tba be!! Hindi pwede! Nagsituluan na ang mga luha ang luha ko. Binasa ko ulit ang papel.

'Hawak namin ang asawa mo. Oo ang asawa mo wala ng iba. Kung gusto mo pa siyang makita pumunta ka sa address na to ******* tomorrow at 7 o'clock wala dapat makakaalam nito kahit mga kaibigan niya dahil alam namin ang bawat galaw mo. Understood?'

Sino na naman ba ang kaaway namin ngayon? Di na ba matatapos tong problema namin?

Pinunasan ko ang mga luha ko at kinuha ang cellphone. I dialled krissy's number at sinagot niya agad.

"Bes ano na?" Masigla niyang bati. Huh?? Ba't parang excited siya?

"Ahmm!! Bessy pwede ka bang
Pumunta muna dito pabantay naman ng kambal may kailangan lang kasi akong ayusin" sabi ko na hindi pinapahalatang kinakabahan. 

Dapat ako lang ang makaalam nito para walang mangyare sa asawa ko.

"Oo naman bes papunta na ako dyan" masaya niyang tugon.

Ba't parang masaya ata siya ngayon?

Wala pang 15 minutes ay nandito na siya.

"Sige na bes umalis ka na" nakangiti niyang sabe. Ba't pinapaalis na agad ako neto? Buti pa siya masaya eh ako kinakabahan na.

Naligo na ako nag-ayos kinuha ko ang address at nilagay sa sling bag ko pati cellphone at pera mag tataxi na lang ako.

"Bes take care of my babies, i have to go" saad ko.

"Dont worry bes I will. You can go now" tinutulak niya pa ako sa pinto. May something talaga dito sa babaeng to.

Nang makalabas na ako ng bahay pumara agad ako ng taxi pinakita ko sa driver ang address at pinaandar na niya ito.

Nagtataka ako ng biglang huminto ang driver. Nagulat ako ng may pumasok na dalawang lalake sa magkabilang door ng taxi. Mata ang nakikita sa kanila dahil may takip ang ilong at bibig nila.

"Manong driver ba't ka pa kumuha ng pasahe---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng may tumakip na lang bigla sa ilong ko. Bago ako nawalan ng malay narinig ko pa ang sinabe ng driver.

"Walangya! Sinabihan akong Manong sa gwapo kong to?" Then everything went black.

*****

(3rd Person's POV)

Dinala ng mga lalake si Charm sa isang kwarto. Maya maya may mga pumasok na mga bakla at inayusan na lang nila si Charm kahit tulog.

(Guys may idea na siguro kayo kung ano ang nangyayare :))

Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon