CHAPTER 30

25.6K 471 25
                                    

(CHARMAINE POV)

Napabalikwas ako ng bangon ng may nagbuhos sakin ng malamig na tubig. Pagtingin ko sa mga kamay ko ay nakagapos ito at nakaupo ako sa isang upuan.

Shiiitt!! Ang lamig walanghiya naman yung nagbuhos sakin. Tiningnan ko ng masama ang dalawang lalaki pero ngumisi lang silang dalawa akala niyo naman ikinagwapo niyo yan??

"Ano ba? Pakawalan nyo na nga ako dito wala kayong mapapala sakin" sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Hindi pwede kailangan naming sundin ang utos ng lady" sabi ng isa na may hawak pang balde.

"Wow sosyal lady talaga tawag niyo? Hindi ba pwedeng boss o miss lang?" Sarcastic kong tanong.

"Lady ang tawag sa kanya dahil anak siya ng head ang nakakataas sa mafia world."

"Taray may ganyan ganyan pa kayong nalalaman, sino ba yang lady na yan iharap niyo yan sakin at ng mapektusan ko." Matapang kong sabi ngunit tumawa lang silang dalawa.

"Matapang ka palang babae ka ha, tingnan na lang natin kung makakapagsalita ka pa mamaya" nakangising sabi ng pangalawang lalaki.

"Malamang makakapagsalita pa rin ako dahil may bibig ako kaya nga tayo may mga bibig diba?"

"Aba't pilosopo kang babae ka ah" sasampalin na niya sana ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa dito ang isang babae.

Sabi ko na nga ba may hidden agenda tong babaeng to eh.

"Hello my dear how are you?" Nakangiti niyang tanong habang papalapit sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya.

"Eh kung ako ang gagawa sayo nito magiging okay ka pa kaya?" Tanong ko sa kanya. Bigla namang sumeryoso ang mukha niya.

"Matapang ka pa rin, eh kung patayin na kaya kita  ngayon?" Pananakot niya sakin. Pwess!! Hindi niya ako matatakot

"Bakit mo ba ako pinakidnap ha? Wala naman akong naging kasalanan sayo!  Naging mabait pa nga ako sayo dahil pinaupo kita sa lamesa dun sa food court eh"
(Hahaha si charm talaga)

Tumawa naman ang dalawang lalaki

"MANAHIMIK KAYONG DALAWA!!" sigaw niya sa tauhan niya. Grabe sinisigaw sigawan niya lang ang mga tauhan niya kung ako sa kanila igagapos ko na yang babaeng yan at isilid sa sako then itapon sa pasig river.

"At ikaw babae tinatanong mo kung ano ang kasalanan mo? Pwes malaki ang kasalanan mo" turo niya sakin.

"Hahahaha ang pagkakaalam ko di ako nangutang sayo ng malaking halaga at wala naman akong utang na loob sayo! Nagpapatawa ka ba?" Pang-aasar ko sa kanya. Then suddenly.

PAAAAKKKK!!

Oucchh pak na pak siya sa pagsampal sa maganda kong  mukha ko ah inggit ba siya? Edi sampalin niya rin sarili niya.

"Inagaw mo si Luke sakin dahil sayo hindi na niya ako pinapansin pero kahit noon pa man di niya talaga ako napapansin para lang akong isang hangin na hindi nakikita (sob) kahit ano ang gawin ko wala pa rin siyang paki, (sob) alam mo bang malapit ko ng tapusin ang buhay ko ng dahil lang sa kanya ha?? Ang sakit sakit na hindi ka kayang mahalin pabalik ng taong mahal mo kaya kapag napatay na kita ako na ang papalit sayo." umiiyak niyang sabi. Bigla naman akong naawa sa kanya.

"Dahil lang sa lalaki magkakaganyan ka? Kikitil ka ng isang buhay ng tao para lang sa pagmamahal ha? Kristel hindi lahat ng pagmamahal nakukuha sa dahas na paraan, kristel you deserves better than Luke,  your beautiful i know darating din ang tamang lalaki para sayo." Mahabang sabi ko sa kanya.
So hindi pala totoo ang naisip ko na may relasyon sila ni Luke.

Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon