CHAPTER 32

25.7K 479 64
                                    

(ALEX POV)

Isang araw na ang lumipas pero hindi pa rin sila nagigising. Nalipat na rin sila sa private room sa iisang kwarto lang silang dalawa dahil mag-asawa naman sila..

Nandito kaming lima pati na rin si krissy na umupo sa tabi ni Ms.charm.

"Sayang nakatakas ang kristrel na yun,durog durog na sana siya ngayon." Panimula ni Carl.

"Sayang ang ganda pare kaya lang mamatay din siya dahil sa ginawa niya, alam nating hindi matatahimik yan si bossing hangga't di nakakaganti." Sabi naman ni Zack. Nagsitanguan naman kaming lahat.

Bigla kaming napatingin lahat sa higaan ni bossing ng may nagsalita..

"W-wife please dont leave me" yan yung paulit ulit niyang binigkas. Nilapitan namin siya. Kulang na lang maglaro kami ng bato bato pick kung sino ba ang gigising kay bossing.

Takot kasi sila dahil ayaw nilang masapak sa wala sa oras ayaw kasi ni boss na may gumigising sa kanya.

"Ano ba Alex ikaw na ang gumising kay boss, mas close kayo eh." Nakatinging sabi sakin ni Earl. Nag agree naman ang iba,so no choice.
Ginising ko na ito

"BOSS GISING NA SI MS CHARM NASAGASAAN AYUN PATAY" Sigaw ko bigla naman itong bumangon at masamang ang tingin sakin. Nagpeace sign na lang ako habang dahan dahang umupo sa may sofa. Haha.

Tumingin naman siya sa side at nakita niya ang nakahigang katawan ng asawa niya. Bigla bigla itong bumangon.

"Boss wag ka munang tumayo kakagising mo lang" Pag aalalang sabi ni Kenneth. Parang wala namang narinig si boss at diridiretsung lumapit sa kama ni Ms charm. Umupo siya sa gilid at hinawakan niya ang mga kamay nito at hinalikan. Umalis naman si kristel at tumabi kay kenneth, ahmm!! I smell something fishy.Nilabas ko ang phone para matawagan ang daddy niya, sinagot niya naman agad ito.

"Gising na po si boss" bungad ko agad.

"Papunta na ako." Sagot niya at pinatay na ang tawag. Tiningnan ko ulit si bossing. Umiiyak na siya ngayon habang nagmamakaawa na gumising na si Ms. Napalayo ako ng tingin. I can't see him like that , mas sanay akong lagi siyang seryoso at parang laging galit kaysa ngayon na nasasaktan siya.

Maya maya ay dumating na ang daddy niya. Yumuko kaming lahat, lumapit ito kay boss at hinawakan ang balikat nito.

"Son magiging maayos din ang lahat, matapang ang asawa mo kaya alam kong di siya bibitaw lalo na't nagdadalang tao na siya." sabi ng daddy niya.

"What do you mean nagdadalang tao?" Confuse niyang tanong. Duhh! May pag ka slow din pala to minsan si bossing.

"Son, the doctor said she's pregnant magkakaroon na ako ng Apo at magiging daddy ka na." Nakangiting sabi ng Daddy niya. Natulala naman si bossing at bigla itong nahimatay .

Pinagtulungan siyang buhatin at ihiniga ulit sa kama. Lumapit dito ang tatay niya ng nakangiti.

"Iba pala siya pag nabibigla. Hahaha" nagsitawanan naman kaming lahat..

KINABUKASAN

Pagkagising palang kaninang umaga ni bossing ay inaya niya agad ako na umalis kahit may mga unting galos pa. Pupunta kami ngayon sa mafia hall organization (KUNYARI KO LANG PO TALAGA YAN) dahil lahat ng kasali sa mafia ay pinatawag ng head.

Nauna na ang apat dahil panigurado madaming chikababes ang nandun tsk!. Pinabantayan naman ni Bossing si Ms. Kay kristel at sa iba pang mga tauhan.

Nang makarating na kami sa hall ay agad na bumaba si bossing sumunod na lang din ako. Napag usapan na namin ang plano kanina sa sasakyan kung paano papabagsakin ang head.

Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon