CHAPTER 6

37.8K 768 11
                                    

(Charmaine POV)

(KRING KRING KRING)

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Umaga na pala. Tumingin ako sa gilid tulog pa si Luke.

Luke pala name niya narinig ko lang na tinawag siyang ganun ng mga kaibigan niya.Gusto ko nga sana na sa sofa na lang matulog kaya lang talo talaga ako sa kanya e.

Dahan-dahan akong bumangon para di siya maistorbo baka kase sigawan ako eh. Psshh!!

Pumasok na ako sa CR and  do my daily routine Yehey!! Papasok na ako sa school Im very excited to see my bestfriend.

Ano kaya ang magiging reaction niya kapag nagkita kame panigurado bugbog ako sa tanong nun.

Inayos na rin pala ni Luke ang mga gamit ko kahapon pa at ang uniform ko.
Buti naman kahit papano may konting kabaitan naman pala siya. Pero konti lang talaga.

Ready to school na ako nakaligo na rin si luke while Im taking my breakfast  kanina.

"Do you really have to enter in that school? I mean I am the owner of that school and I am your husband I can give you a diploma or any papers related that you already graduate eventhough  you didn't finish your study". 

"Ano ba yan! Ako gusto kong mag-aral gusto kong may matutunan. Hindi lahat ng bagay nakukuha ng madalian, kuha mo?" Sabe ko sa kanya ng nakataas kilay.

Ang yabang talaga!!!!

"Tsk". Yun lang ang  sagot niya at naglakad na.

" Let's go Ihahatid na kita". Pahabol niya pang sabe.

Weehh di nga? Siya ihahatid ako? Ano nakain nun at parang sunod sunod na ang kabaitan nun.

Eh dati nga, gusto na niya akong patayin.
Siguro nabihag sa ganda ko .. Haha

Pumunta na ako sa garahe at pumasok na sa kotse niya di niya man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Pinaandar na niya ito at  binuksan naman ng isang katulong ang gate.

Tahimik lang kameng dalawa walang nag-iimikan. Maya maya lang ay napapansin ko na mas binibilisan ni Luke ang pagdadrive.

"Hoy!! Magpapakamatay ka ba? Kung oo wag mo kong idamay sa kabalbalan mo". Sabe ko na naka hawak ng mahigpit sa seatbelt.

Mas lalo pa niyang binilisan ang pagdadrive!  May race ba? Duhh.

" Sh*t they're following us!" Sabe niya at may inilabas na baril galing sa gilid ng pantalon niya.

Hala anong gagawin niya?.

"Ano? Bakit naman may sumusunod satin? May utang ka siguro du----".
Nahinto ako sa pagsasalita ng may bumaril sa likod ng kotse na sinasakyan namin.

Wahh! Ayoko ko pang mamatay.

"Yuko!" Utos niya sakin.

Yumuko na lang ako.

Tuloy- tuloy pa rin ang pagbaril sa likod namin.
Linabas ni luke ang kamay niya na may hawak na baril at pinagbabaril ang sasakyan ng sumusunod samin.

Nanatili lang akong nakayuko  dahil sa takot.  Bumaril ulit si luke and this time gulong naman ang pinapatamaan niya. Ayon sumalpok ang kotse.

Hindi na mabilis ang pagpapatakbo niya siguro wala na . Umayos na ako ng upo at tumingin sa likod nakita ko na lang na nilalamon na nang apoy ang kotse!

Dyusko ano bang nangyayare?!!

Tumingin ako kay luke at naka focus lang siya sa pagdadrive. Walang umiimik samin kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.

Sold To The Arrogant Mafia Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon