Anthony's POV
kanina pa iyak ng iyak si airiz sa aking balikat, habang nakaupo kami sa isang park malapit sa bar na pinagtatrabahoan ng kanyang ex boyfriend .
"tahan na airiz, walang patutunguhan ang pagiyak mong yan " pag-aalo ko dito.
humihikbi pa rin ito. Hindi ito sumagot bagkus patuloy lang ang pagbuhos ng luha nito.
"ano kaya kung puntahan natin siya? " tanong ko
"para ano pa Anthony? walang silbi kasi wala na kami, "
"tingnan natin, baka talaga may iba na Yang ex mo, imbes na umiyak ka dyan eh di maghanap ka ng dahilan upang Hindi mo na siya iyakan. " lintaya ko dito.
humarap ito sa akin.
"tulad ng? "
"tulad ng makita mo siyang may iba. dahil alam Kong umiiyak ka kasi walang perpektong reason kung bakit nangiwan siya "
"gago, mas masasaktan ako d'un " reklamo nito. tumayo ito bigla
"Pero atleast may hangganan na, at maiisip mo nalang one day nakamove.on ka na pala dahil alam mo ang rason!! " lintaya ko dito.
tumigil ito sa pag -iyak at biglang tumayo
"okey! fine! pero sigurado kang nakakatulong to ha. "
napangiti ako, kahit pala sobrang napakahina nito pagdating sa pagibig pero handa pa rin nitong humarap sa kasalukuyan.
"oh? bat nangingiti ka dyan? " tanong nito.
"wala, Tara let's go! " sabi ko sabay hatak dito patungo sa bar na pinagtatrabahoan ng ex nito.
akala ko magiging maganda ang resulta sa mungkahi ko sa kanya ngunit magiging kabaliktaran pala.
papasok kami sa bar na iyon at agad na hinagilap ni airiz ang ex nito na Hindi ko pa nakikilala. at mukhang nakita nito sa sulok na Mesa.
"he's here, " sabi ni airiz
"asan?" tanong ko
tinuro niya ang kinaroroonan ng lalaki at Nasa bahaging sulok. Hindi ito nagiisa. may kasama ito.
"mukhang may kausap siya airiz, mukhang nagiinuman sila. lalaki eh.."
"pupuntahan ba natin? " paengot na tanong nito.
"ikaw ang bahala, pero para ano pa? "
"basta kakausapin ko lang siya. "
humarap ako sa kanya. at lumapit ng bahagya upang marinig nito ang aking sasabihin. maingay kasi sa loob dahil sa tugtug.
"basta wag kang mag scandalo dito ha.. "
"oo, naman. let's go. "
kaya lumapit na kami sa ex nito. ngunit ng Nasa malapit na kami, bigla nitong hinalikan ang katapat na lalaki sa Mesa.
napatigil si airiz sa paglalakad, nahulog ang bag at unti unting tumulo ang luha.
napansin naman ito ng ex niya.
"airiz?!! " gulat na sigaw nito.
"kaya pala! kaya pala iniwan mo ako, " galit na sambit ni airiz.
tumayo ang lalaki at akmang lumapit Kay airiz ngunit pinigilan ko ito.
"tama na bro, tama na kung ayaw mong masaktan pa lalo si airiz. " sabi ko habang tinitimpi ang galit
BINABASA MO ANG
Love is Everything
Romanceang kwentong ito ay tungkol sa apat na magkakaibigang susubukin ng tadhana.