Brian's POV
Ilang araw na rin ang lumipas mula noong intramurals at marami na rin ang nangyari.
2nd runner up ako sa Mr. intrams at nakuha naman ni airiz ang corona.
si JC naman palaging malungkot, siguro dahil na rin ito Kay Sandra. Hindi pa rin kasi nakikipagkaibigan sa kanya ang babae.
si Anthony, ayon simula nung nakilala si airiz palagi na nitong kasama, mukhang nagkagusto ito sa babae, well sino nga naman ang Hindi mabibighani sa ganda nito bukod kasi sa maputi at magandang katawan, may mabuti rin itong kalooban.
si andrie, ayon magkaklase pa rin kami, tawanan sa room, trip minsan.
ang pinsan Kong si Christian ganoon pa din, uuwi kakain at matutulog, minsan may napapansin ako dito, tulala at parang may mabigat na dinadala, ayaw ko namang tanungin kasi ayaw sabihin.
palagi na kaming magkasamang apat. minsan busy pero binibigyan ng time ang bawat isa.
si jimbo, ayon Moody Hindi ko alam kung bakit, parang babaeng may dalaw, yun bang masungit talaga. Ewan ko ba, pero syempre gwapo pa din ang kaibigan ko. minsan tinitingnan ko ito ng palihim.
si Justin, ayon matapos ang gabing yun, Hindi ko na kinausap. ang last na pagkakaalam ko sa shangri-la hotel ito nanunuluyan kasama ang guitarist nito. nagmemesage ito sa fb ngunit di ko pinapansin.
ganoon ang routine namin, araw araw.
"Bri, may pasok ka pa? " tanong ni jimbo sa akin. Nasa secret place kami at kasalukuyang nagpapahinga. si JC at Anthony ay may pasok pa.
"wala pa, why? "
"Tara samahan mo ako " yaya nito at lalabas na Sana ng secret place ng may pumasok ng Hindi namin inaasahan.
"Hi guys; ) " bati ni Justin.
napanganga kami sapagkat may dala itong notebook at ballpen.
"what are you doing here? " asik ni jimbo. ngumiti si Justin at umupo sa silya malapit sa labasan.
"we'll, Mr. Alvarez told me to come here, he said, Brian is here with you "
"are you enrolled here? " gulat na tanong ko.
"yeah, special program for arts. actually I don't have a class today, can I join with you guys? "
napatingin ako Kay jimbo, inis ang nakarehistro sa mukha nito.
"no, we have a plan for today." mariing sabi nito.
"can I join Brian? " tanong sa akin ni Justin.
"of course " sabi ko.
pinandilatan ako ni jimbo ngunit Hindi ko ito pinansin.
"Tara na Jim, " kibit balikat na sabi ko.
naglakad kami papuntang parking lot at nakasunod lang si Justin.
"bat mo naman pinasama yan? " inis na sabi ni jimbo ng palihim
"wala namang masama eh, tsaka para na rin kayo magkakilala. "
pagdating namin sa parking lot, agad kaming sumakay. si jimbo ang nagdrive kaya sa likuran kami umupo ni Justin.
"I can't still imagine. " wika ni Justin habang paandar na ang sasakyan palabas ng academy.
"imagine what? "
"this! it's so good to live a normal life.. " sabi nito. napatingin ako dito. mukhang masaya nga ito ngayon. ang ngiti sa labi ay Hindi matanggal.
BINABASA MO ANG
Love is Everything
Romantizmang kwentong ito ay tungkol sa apat na magkakaibigang susubukin ng tadhana.