" JC.. wag mong bilisan ang pagpapatakbo pls.. !!" rinig kung sigaw ni Brian. hilong hilo man iniminulat ko ang aking mga Mata.. hawak nito ang aking balikat upang alalayan akong Hindi matumba.
"Bri sanay na ako dito. " sabi ni JC na mas lalong binilisan ang pagpapatakbo ng sinasakyan nming sports car.
"JC.. pls.. "wika nman ni Anthony na sapo ang bibig. mukhang masusuka na ito.
ngunit mistulang bingi dahil sa kalasingan si JC. mas lalo pa nitong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan!
napahigpit ang hawak ko Kay Brian.
"BRI... " tanging nasambit ko.
ng marinig ko ang langitngit na ingay at pagkahulog ng kotseng sinasakyan namin..." jimbo... !! " yugyug ko sa kanya mula sa pagkakatulog nito.
apuhap naman itong gumising.
"what's up? " sabi nitong napaupo sa Kama.
"ungol ka ng ungol eh, nananaginip ka ata.. " sabi Ko na lang.
hinawakan nito ang sintinudo, mukhang sinasariwa nito ang nangyari.
"it's the same story again. " sabi nitong malungkot ang mukha.
"anung story? "
"napaniginipan ko na naman ang accident natin.. " sabi nitong nkangiti. bagay na ipinagtaka ko.
"bakit pa ngiti ngiti ka dyan? " naguguluhang tanong ko. pano namang Hindi . eh kanina lang ungol ito ng ungol.
"ahhm, Bri.. " anas nito.
"what? " sagot ko habang inaayos ang upo sa gilid ng Kama..
"may naaalala kaba nung nahulog tayo sa bangin Nina JC? nung nasa loob pa tayo ng sasakyan? " tanong nitong medyo nahihiya.
kinabahan ako bigla.. alam ko ang ibig sabihin nito.
pero nag paka do not know ako.
"bakit ikaw may naalala ka ba? " balik tanong ko dito.
"oo naman.. "sabi nito. ang ngiti sa labi ay Hindi pa rin maalis.
"ano? "
"yung.. yung kiss natin.. nung nakadagan ka sa akin.. " deretsang sabi nito na ikinapula ng aking mukha at ikinalaki nang aking mata.
di ako makaimik . sa totoo lang di ko alam ang sasabihin ko.
"it's a good kiss.." sabi ulit nito. napatingin ako dito. nangaasar ang mga ngiti.
"Ewan ko sayo.. nangaasar ka lang ehh.. " sabi ko sa kanya at akmang tatayo sa Kama. ngunit pinigilan ako nitong tumayo. hinawakan nito ang aking kamay. kaya wala akong nagawa kundi ang mapaupo ulit.
"teka lang muna.. may sasabihin pa ako " sabi ulit nito "bri... gusto mo ba ako? "
napayuko ako upang itago ang pamumula ng mukha.
" Jim... " marahang sabi ko. di ko alam Kong aamin ba ako dito.
ayokong masira ulit ang barkada ng dahil lang dito.
"kasi ako bri.. gusto kita.. " mahinang sabi nito
napatingin ako sa mukha nito. sinuri Kong totoo ang sinabi nito
kinabahan ako. pusang gala, seryoso ba to? !
" joke lang!!! sabi nito sabay hagalpak ng tawa.
BINABASA MO ANG
Love is Everything
Romantizmang kwentong ito ay tungkol sa apat na magkakaibigang susubukin ng tadhana.