chapter 12

27 1 0
                                    

This is it!

Tahimik lang kaming dalawa ni Samiel habang papalabas ng school. Di ko alam kung paano ko sya kakausapin pag katapos ng nangyaring pagtatalo saamin kanina, pa simple ko syang tinitignan sa gilid ng mata ko at binabasa nito ang papel na pinasagutan nya saakin kanina. Hinayaan ko na lang sya hanggang makarating kami ng building namin, bumaba ako tska mabilis syang pinagbuksan ng pinto, maglalakad na sana ako papuntang elevator ng biglang hawakan ni Samiel ang kamay ko, pinagsaklop nya ang mga ito.

" Is this romantic to you? " Seryosong tanong nya saakin na nagpanerbyos nanaman saakin, mabawasan nga ang kape sa umaga

" Ahmm yes? " Parang tanga kong sagot

" Bakit di ka sigurado? " Tanong nya saakin

" Well kala ko kasi galit ka pa din sakin dahil sa mga nasabi ko kanina "

" Galit ako? Ano namang nakakagalit sa kanina? "

" Tumakbo ka na lang kasi bigla "

" Ayun ba? Wala yun may mga bagay lang talaga sa mundong ayaw mong ipaalam sa iba para magkaroon ka naman ng sarili mong privacy"

" Wow ang lalim nun ah "

" Malalim? Paano naging malalim? " This time na ako dahil masyado talaga syang weirdo pero at the same time na wala na ang kaninang ilanggan namin. Biniro ng biniro ko na lang sya ng biniro hanggang makapasok kami ng penthouse.

" Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? " Tanong ko dito

" Gusto mo bang ako na lang magluto?" Balik na tanong nya naman saakin, napangiti na lang ako ng simulan nyang maglakad papunta ng kusina at tsaka tingin sa refrigerator ko. " Gusto mo ba ng adobong manok na lang para mabilis maluto? "

" Sige kahit anong gusto mo "

"Okay, ano bang taste buds mo?"

" More of spicy foods, pero kahit anong panlasa mo ayus na yan "

" Okay, sige ako ng bahala dito, mag bihis ka na muna " at saka inayos nya na ang lahat ng kakailanganin, nakasimpleng gray T-shirt lang sya at fitted pants tsaka pinatungan ng apron na may body print ng lalakeng may abs pero sobrang sexy nyang tignan sa loob ng kusina ko, iniimagine ko tuloy kung anong itsura nya habang nakaupo sa kitchen table at nakapulupot ang mga maninipis na binti nito sa katawan ko, fuck sobrang
gandang experience yun.

" Are you really that hungry? " Nagulat ako dahil di ko napansing nakatingin na pala ito saakin, masyado yata akong nageenjoy sa imagination land ko

" Huh? "

" You stare at me as if your really hungry " seryosong tanong nito saakin na di ko alam kung paano ko sasagutin shit naman kasing mata to di mapaigilang tignan sya

" Ah eh oo gutom na yata ako hehehhehe " tsaka mabilis akong umalis sa kitchen at pumasok sa kwarto ko

" Shit para akong tanga dun, ano bang nangyayari sakin? Shit..shit..shit.. bakit ako nauutal ? May sakit na kaya ako? Magpacheck up na talaga ako sa psychiatrist baka nababaliw na ako... fucking tape arghhhhhhh " isa lang yan sa mga baliw kong tanong sa sarili ko... di ko alam kung anong nangyayari saakin baka ginagayuma na ako ni Samiel ng di ko namamalayan, wait may pinakaen ba sya saakin kahit ano o may pinainum kahit pinaamoy, nung nagkita kami kanina? Wala namang kakaiba sakanya bukod sa mga ngiti nya yun, yun siguro, marunong siguro syang mang hallucinate ng tao, tama yun siguro yun kaya kailangan kong umiwas sa mga ngiting yun, kailangan kong din iwasang tumingin saknya dahil tuwing ginagawa ko yun ay parang hinihigop nya lage ako sa ibang lugar, naputol ang mga pagiisip ko ng may kumatok sa po pinto ko. Pinagbuksan ko ito ng pinto at bumungad saakin si Samiel na amoy toyo.

My Hot Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon