STOLEN 2
"Gago pare. Wag mong purmahan yan. Eh ang Weird kaya niyan" Kahit nakayuko at eh naririnig ko ang sinasabi ng dalawang lalaking Kaklase ko.
Nasa School ako ngayon. Patapos nanaman eh. March na kaya. Isa akong 4th Year Student.
"Eh pare ang Ganda at ang Sexy naman"
Akala siguro nila eh Natutulog ako.
Ginalaw ko ang Legs ko. Maiksi lang ang Palda namin. Isa etong Public School kaya naman madaming Manyak at walang Manners.
"Tangna pare naninigas na" Napaka Bastos ng Bibig niya.
Hinimas niya ang Likod ko. Walang katao tao sa Classroom dahil nasa Labas lahat ng Estudyante dahil PE nila.
Napatayo ako sa Ginawa niya. Tinignan siya ng Mabuti. Mata sa Mata.
"S-Sorry" Sabi niya.
Umalis ako ng Classroom at naglibot sa School.
May biglang nagbato sa akin ng Sapatos
"SINO YUN?!" Galit kong tanong. May Tatlong lalaking tumatawa at walang sumasagot sa Tanong ko.
"SINO SABI YUN EH?!?!" Lumapit ako sa kanila. Mga Tarantado sila.
"AKO" Napatigin ako dun sa umamin.
"IKAW?" Tinignan ko siya ng nagtataka.
"OO." Sagot niya ng walang kakaba kaba.
Binatukan ko eto kaya naman napaaray siya. Sinabunutan ko din siya kaya naman napaluhod siya.
"Ang agas mo eh nuh? Porket niligtas mo lang ako eh kaya mo na akong Gaguhin!" Sinipa ko ang Tyan niya kaya naman Mas lalo pa siyang napaaray. Infairness matigas ha.
Inalis niya ang pagkakasabonot ko sa kanya. INayos ang ang buhok niya at Tumayo.
Sa tangkad niya eh haggang Kili kili niya lang ako.
Tumingala ako. Mukha akong Grade school kapag katabi ko siya. Lumayo layo ako ng Konti.
*Ehem* Pagpepeke ko ng ubo.
"Anong kailangan mong Tsongo ka?" Galit kong tanong sa kanya.
Tumawa siya ng Mahina. Nakipag Apir don sa mga kasama niya.
Abno lang?
"Ikaw. Miss Juneva." Nagulat ako kasi alam niya ang Pangalan ko. Kapag nangutang ka sa kanila wala na silang Pakielam sa Pangalan mo.
"Sino ka ba?" Nagtataka at natatakot kong tanong.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Napaka antipatiko niya!
Pero bat ang bango niya?
Ng makalapit na siya sa akin eh Tinulak ko siya ng papalayo.
"Hahaha! Miss, Pasalamat ka at niligtas kita"
Umalis siya sa harap ko. Tumalikod ako at tinuloy ang lakad ko pero bumalik ulit ako sa harapan ko. Babalik na ako ng Classroom dahil Time na.
Tumakbo ako pero nakasabay ko siya.
TAGA DITO PALA SIYA? BAKIT HINDI KO SIYA NAKIKITA?
Lumayo layo ako ng Konti para hindi niya mahalata na Nasa likod niya ako.
Ng makabalik na ako sa Classroom agad agad akong umupo at yumuko.
Nakakatakot siya. Nagulat ako ng may nagtext sa akin. Isang Pepetchuging Nokia ang Celphone ko. Pero wag ka! Original eto.
1 Message Received
Hi, Ako nga pala si Ray Churven. Pasalamat ka at Niligtas kita
Anong pinagsasabi neto? Sino ba 'to? Siya ba yung lalaking nagsabi ng 'Wag'?
HIndi ko na nireplayan kasi wala akong Load. Duh? Nangungutang nalang nga ako diba?
Wala nga din akong Baon eh.
Nakng Butete. Ano ng mangyayare sa akin ngayon?
BINABASA MO ANG
Stolen -Completed-
Romance"He just stole my Heart" How can i describe Love when i don't have a Heart? How can i have emotions when i don't have a Heart? can i fall inlove if i don't have a Heart? My Heart was Stolen by a Gangster and the only way to have it back is to save...