Pangpito

27 0 0
                                    

STOLEN 8

"Ha? Gangster?"  Natauhan siya ng may magsalita sa likod niya.

Jude's POV

Pilit na tawa ang ginagawa ko habang kausap ko ang Tita ko. Pano ba naman ako matatawa eh ang cocorny ng mga sinasabi.

Hindi ako mapakali kasi parang may nakatingin sa akin.

"Sandali lang po, Tita" sabi ko habang tumatawa siya. Lumingon ako sa Likod ko at nakita ko si Mitchelle na nakatingin sa kawalan at may lalakeng kumakausap sa kanya. Nawala lang ako sandali may iba ng kausap.

Pupuntahan ko dapat siya kaso napatingin ako sa tinitignan niya.

I saw a guy looking at me. Kinuha niya yung Glass ng Wine sa dumaan na Waiter at nagsmirk nung nakitang nakatingin ako sa Kanya. Who the eff is he?

Lumapit nalang ako kay Mitchelle. "Yow Dude" Sabi ko dun sa lalaking kumakausap sa kanya. He smiled and walk away. Tssm takot naman pala eh. Bakla pala.

Nakatingin lang sa akin si Mitchelle. I smiled at her. She's Pretty. Napaka ganda niya sa suot at ayos niya ngayon. I almost fall for her but good thing i controlled myself.

"Ang sabi ko sayo wag kang aalis dun ha?" Sumimangot ang mukha niya nung pinagsabihan ko siya.

"Ang boring kaya. Try mo! Ikaw dun ka lang at wala kang kakausapin. Tignan natin.." Umirap nanaman siya sa akin. Tumawa ako ng mahina at inakbayan siya. Ininom ko yung Wine na hawak hawak ko kanina pa at konti palang ang nababawas dito dahil kay Tita. Naglakad kaming dalawa papunta sa kanina naming pwesto habang akbay akbay ko siya. Hindi man lang naiilang. May pakiramdam ba eto?

"Alam mo sa dinami dami ng babaeng lumalapit at nakikipaglampungan sayo sa akin ka pa lapit ng lapit." Sabi  niya sa akin na parang naiirita ang itsura.

"Diba ako ang Misyon mo? Bakit parang wala ka naman ginagawa?" naging matamlay ang itsura niya at lumalim ang pagiisip niya. Hinipo ko ang leeg niya. Inalis ko din agad ang pagkakahipo ko dito.

"Ang lamig mo..." Nabalik ang pagiisip niya sa sinabi ko.  Bakit ganun? Para siyang patay na buhay?

"Ah ano... Tara na?" Tumango ako sa sinabi niya. Pumunta ulit ako sa table namin. Kukuha lang daw siya ng pagkain. Di na nabusog sa kinain niya kanina.

Pagbalik niya ay may dala dala siyang chocolates at marsmallow. Ang takaw naman niya.  Kumuha ako ng isa sa mga Chocolates na kinuha niya. Tinignan ko siya habang kumakain siya. Bakit ganun? Sandali ko lang siya nakilala pero bakit ang lapit ng loob ko sa kanya? PInaniniwalaan ko ba siya sa mga sinasabi niya? Impossible naman yun. Misyon?

"Alam mo kong tititigan mo lang ako walang mangyayare" inalis ko ang tingin ko sa kanya. Dumating bigla si Mommy kaya naman nagkaroon ng medyo Awkward moment.

"Anak isama mo naman si Mitchelle sa Vacation mo. Diba? Para masaya naman." Sabi ni mommy na nakatingin at nakangiti kay Mitchelle.

"Wag na Ma. Pasabog lang yan dun."

"Anak naman! Mitchelle, Joke lang yun. Alam mo ba na doon ang pinaka paboritong lugar ng Anak ko?" Hinampas ako ni Mommy para ayusin ko ang sagot ko.

"Sige, sasama ka na." Sbai ko dito ng naiirita. Sinipa  ni mommy ang tuhod ko kaya naman napaaray ako ng konti. Mommy talaga.

5 days ang bakasyon ko don. Sa Bicol ako pupunta at medyo malayo layo pa yun sa amin.

***

"Ano ba bat ang bagal mo?"  Kanina ko pa hinihintay ang bruhang babaeng yun dahil kanina pa siya mabagal.

"Eto na eto na" Bumaba siya na parang tanga. Ang gulo ng buhok at damit niya.

"Tagal tagal." Umirap ako at lumabas ng bahay. Sumakay ako sa Kotse ko inalis ito sa garahe. Sumakay nadin si Mitchelle na parang tanga parin ang Itsura.

Mahaba ang byahe namin. Pag umalis ako ng 4 makakarating kami doon ng 8 or 9 ng gabi. Oo., ganun kahaba ang byahe nuh. 

"Nakakagutom naman eto, wala ka bang dinalang kanin?" Tanong niya sa akin habang nakita konghinihimas niya ang kanyang tyan.

Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at kinausap eto "Ay, oo. Baka may kausap ako? Diba diba?" Napailing ako sa ginagawa niya. Loka.

"May sandwich atang ginawa si Mommy, try mong icheck dun sa box na itim" Dali dali siyang tumayo at hinalungkat ang box na iyon.

Bumalik siya sa upuan niya ng matamlay.

"Ano? Nahanap mo ba?" 

Tinignan ko siya kasi hindi siya sumasagot. Nagtaka ako kung saan siya nakatingin.

Sa isang picture..

Stolen -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon