Chapter 3.1: The Real Surprise

130 10 4
                                    

Malapit na ko doon sa lugar na pinagusapan namin nung sumulat sa akin.

Kinakabahan ako sa totoo lang. Tama ba itong desisyon kong pupunta ako ng mag isa..

*sigh* para kay Loisa!┏(`ー´)┛

Habang naglalakad ako feeling ko may sumusunod sa akin. Pinkikiramdaman ko ang paligid.

Paano kung may wolf na biglang sumulpot sa harapan ko.

Haist Maris naman! Imagination mo gumagana. Walang lobo rito. Tsk.

Grabe ang dilim naman. Wala kayang multo rito.

kinuha ko ang cellphone at nilagay sa video setting.

*ahem* "uhm.. Hello. Ahm. Narito ako ngayon sa forest malapit sa lake na malapit sa school namin. Gets nyo ba? Intindihin nyo na lang. makukuha nyo rin yan. Anyway.. Sa pamilya ko, kaibigan, kung ano man ang mangyari sa akin, hindi man na ako makabalik,puntahan nyo yung nakaaway ko sa school pag tanong nyo sa mga schoolmates ko yung nangyari kanina. Ano ba tayo ngayon? Ah Oct. 17,2016. At sa mga kaklase ko at schoolmates na nakakita, wag kayong magsinungaling at magsabi kayo ng totoo kung Hindi mumultuhin ko kayo. Kay Loisa, sa pinakamatalik kong kaibigan.. Kung makakaligtas ka man ngayon pangako bibisitahin kita. Mumultuhin kita. At kay McCoy... Pinapatawad na kita sa kasalanan mo. Basta itong tandaan.. Mahal na mahal kita. Magmahal ka man ng iba handa akong tanggapin iyon ng buong puso." "Grabe! Ganito pala ang feeling pag alam mong malapit ka ng mawala sa mundo noh. Nakakaiyak *sniff* sniff*.. Haha.. Masaya ako at naging parte kayo ng buhay ko.. Sana wag nyo along makakalimu.."

*ring ring ring*

"Ai! Palakang kabayong bakla ka!"

Grabe kang tumatawag ka! Aatakihin ata ako sa puso.

Sa sobrang gulat ko nahulog pa yung phone ko. Tsk. Bagong bili ito eh.

Pinulot ko tsaka tinignan kung sino ang tumatawag.

Calling...
0912-**-**-***

Number lang.

Napalunok ako sa kaba. Hindi ako sumasagot ng unregistered number eh.

But I decided to answer it anyway.

"He-hello? Sino to" tanong ko sa kabilang linya.

"Hello" nanlaki ang mga mata ko pakarinig ko. Boses pa lang nakakatakot na.

"Sino ka?" Tinapangan ko ang boses ko para hindi nya mahalatang natatakot na ko.

"Nasan ka na?"

"Na-nandito na ko sa pinagusapan nating lugar."

"Very good. Wag kang aalis dyan. May susundo sayo."

"Sandali! Si Loisa? Kamusta si Loisa?"
Tanong ko sakanya.

"Wag kang mag-alala sakanya. Siya mismo ang sasalubong sayo once na nadito kana." Sabi nya.

"Ano?" Medyo weird..

*tint tint tint tint*

"Hello! Hello!" Tinignan ko ang phone ko kung nandyan pa sya. Pero pinutol na nya ang tawag.

Sinubukan kong tawagan ulit yung number pero walang sumasagot.

Napahinto ako sa pagtawag. Pinakiramdaman ko ulit ang paligid ko. May narinig akong tuyong dahon na naapakan.

Haharap na sana ako dun sa pinagmulan ng mga yapak pero biglang may nagtakip ng mga mata ko. Tapos hinawakan ang mga kamay ko.

"Hoy ano ba! Bitawan nyo ako! Ano ba!" Nagpupumiglas ako. Nagawa kong pagsusuntukin at paghahampasin yung may hawak sa akin. Di ko lang alam kung saan tumatama ang mga ginagawa ko. Kaya ang ginawa nya tinali nya ang mga kamay ko.

"Ano ba pakawalan nyo ko! Sasama naman ako ah. Bakit kelangan nyo pa along talian tsaka takpan ng mata." Hindi ko alam kung ilan ang kasama ko kasi kahit among dada ko rito hindi sila nagsasalita.

Lord. Tulungan nyo po ako. Wag nyo po akong pababayaan. Tanging dasal lang ang magagawa ko ngayon.

Naiiyak na ko. *snif snif*

"Manong saan nyo ba ako dadalhin?"
Tanong ko sakanila. Pero tulad ng inaasahan ko.. Walang sagot sa tanong.

Hindi na rin ako nagsalita. Naramdaman ko na lang na huminto kami sa paglalakad.

May narinig akong pagbukas at pagsara. Pinto? Nasa isang kwarto kami sa tingin ko. Naramdaman ko ang malamig na hangin na sa palagay ko ay galing sa air-con.

Narinig ko ulit yung pagbukas sara ng pintuan. Iniwan nila ako? Nasaan na ako?

Hanggang sa may narinig along mga yabag. Hindi. Hindi ako nagiisa. May kasama ako. Isa? Dalawa? Hindi ko alam.

Isa lang ang alam ko.. Natatakot ako.

May humawak sa likod ng ulo ko. "Bitawan mo ko" pagpupumiglas ko.

"Ano ba! Pakawa.. lan nyo ko.. di..to.." May tinakip siya sa ilong ko para mahilo ako at mawalan ng malay.

Habang nakapikit ako, bago ako tuluyang mawalan ng malay may narinig akong nagsalita

"Sorry Maris." Sabi nya.

Babae. Babae sya.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon