Chapter 16: Si "Lulu" at Si "Bata"

154 9 10
                                    

Naabutan namin ni Sister Micah ang mga bata na nakaupo sa damuhan habang nakikinig sa kwento ni Lucas.

"...Dahil sa insidenteng iyon sinisisi ng prinsipe ang kanyang sarili. Dahil alam niyang siya ang may kasalanan ng lahat ng mga nangyari sa prinsesa. Tapos pagising ng prinsipe, wala na ang prinsesa tabi nito."

Naabutan kong kwento ni Lucas sa mga bata.

"Ano ba yan. Napakalungkot naman ng kwento mo Lulu." sabi ko habang nilalapag ang tinapay sa mesang maalapit sa kinaroonan nila.

"Anong lulu?" Nakakunot noong tanong niya.

"Lulu Basyang. Mukha ka kasing si Lola Basyang. Hahahahaha.."

Napahinto ako sa pagtawa ng mapansin kong ako lang mag-isa ang tumatawa. Nakatingin lang sa akin ang mga bata pati na rin si Lulu. "Okay. Waley! Kumain na nga kayo." Sabi ko na lang.

"Psh. Korni." Komento ni Lucas.

"Kuya, nasaan na ang prinsesa?" Tanong ni Lea.

Matagal bago nakasagot si Lucas. "Doon" Turo niya habang nakatingin sa taas.

Kaya napatingin rin ako sa taas. Nakakita ako ng eroplano. "Saan? sa eroplano?" Tanong ko at tumingin kay Lucas. "ano siya flight attendant?"

Pagtingin ko sakanya nakatingin pa rin siya sa taas. 

Habang tinitignan ko siya ng matagal ngayon hindi mo mababakas sakanya ang taong kinaiinisan ko. Yung taong basagulero, mayabang, annoying, leader ng frat..

...kundi isang taong kapag tinitigan mo, mapapatitig ka ng matagal sa kanya dahil mababakas mo ang kalungkutan sa mga mata niya..

...na para bang maiisip mo kung ano ba ang problema ng taong ito at kung bakit ganyan siya kalungkot.

Nataranta ako ng bigla siyang tumingin sa akin.

Iniiwas ko ang tingin ko. Tumingin ako sa kanan, kaliwa, tumingin  ulit ako sa taas, tapos tumingin na lang ako sa buhok ko at hinawakan ito. Feeling ko nga para akong baliw sa pinaggagawa ko eh.

"Hala ang dami ko na palang split ends." Sabi ko na lang at pasimpleng tumingin sa kanya. 

Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin.

Tinignan ko na siya at kinunotan ng noo at tinaasan ng kilay na para bang sinasabi Kong among tinitingin tingin mo?!!.

"Psh. Parang Bata." nakangisi niyang sabi at Tumayo na. "Tara mga bata kain na tayo." yaya niya sa mga ito.

Kasali ba ako dun sa mga batang niyayaya niyang kumain?

Haist! Imbyerna itong lalaking ito. Okay na sana siya kanina eh.

Napahinto ako sa paglalakad papunta sa kanila para makakain rin ng biglang nagring ang phone ko

I stopped for a moment ng makita ko kung sinong tumatawag..

..si McCoy.

"Where are you?" Tanong niya agad sa akin. Ni hindi man ako nakapaghello.

"Uhm..." Matagal bago ako nakasagot. Nagdadalawang isip kung sasabihin ko ang totoo.

"Binigay ng classmate mo yung bag mo sa akin. Nasaan ka ba?" Tanong nya ulit.

"Ahh.. Outreach program?" Sabi ko. Naalala ko noong sinabi ni Lucas na may gagawin silang outreach program.

Hindi siya nagsalita.

"Ahhm.. Nandito kami ngayon sa bahay ampunan. Medyo malayo layo siya sa school natin pero kaya naman siyang lakarin. Break time nyo ba?" Sabi ko.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon