Chapter 12: Punishment

73 3 0
                                    

Pinapunta ako ng guidance councilor sa isang detention room malapit dito sa office nila. Marami rami raw ang gumawa ng kalokohan ngayong araw at makikipag coordinate muna daw siya sa office of the student affair para sa punishment namin.

Teka lang ngayon, ko lang narealize.. Bakit ako lang ang pinapunta rito?! Eh in fact, yung apat na kumag na yun ang may kasalanan nito.

PSH.. Pagbukas ko ng pinto sa detention room.. Woah! Medyo madami dami nga ang mga nandito. Siguro mga nasa 13 people.

"Woah! Maris babes! Anyare bakit ka nandito? Naparusaan ka rin ba?" Tanong ni Tyler, istudyante sa lower section ng Fine Arts.

"Obviously." Mataray kong sabi.

"Wow isang Maris Racal na detention?! Amazing!" Sabi naman ni Kenneth barkada ni Tyler.

Ano naman kayang ka-amaze amaze dun. First time kong magka bad record!!!!       

Umupo ako sa dulo bandang likuran. Wala kasing gaanong tao dun.

Wala akong cellphone dahil na confiscate ni kalbo. Urgh! Ni di ko matawagan si McCoy o yung ibang barkada.

Nag slant ako sa upuan at nilagay yung ulo ko sa sandalan tapos pumikit. Ilang beses akong nag inhale exhale para kumalma. Gusto ko ng katahimikan. Ng peace of mind.

Ilang minute palang ang lumipas ng maramdaman kong may tumabi sa akin at dinududot ang pisngi ko. Dinilat ko ang mata ko para malaman kung sinoa

"Tigilan mo ko Tyler." Saway ko sa kanya.

"Kelan ba kayo maghihiwalay ni McCoy?" Tanong niya

"Kapag nagkaroon ng 31 ang February." Sagot ko.

"Sus. Impossible namang mangyari yun Maris."

"Oh eh ngayon alam mo na na imposible rin kaming maghiwalay." Sabi ko.

"Ano bang nakita mo dun? Pandak naman. Nauna pa kong manligaw syo kesa sa kanya ah."

Ayan na naman po tayo.. Every time na lang magkikita kami nitong si Tyler, Hindi pwedeng hindi niya isisingit ang litanya niyang iyan.

High school ng manligaw si Tyler sa akin. Actually, hindi ko siya pinayagan.. Dahil hindi ko naman siya gusto. After a week nagconfess si McCoy na gusto daw niya ako at nagseselos siya kay Tyler. Natatawa ako kapag naaalala ko yung mga panahong yun. Para kaming nasa teleserye. Hahaha.. Korniks man para sa iba..  Pero nakakakilig siya para sa akin. ヽ(=^・ω・^=)丿

"Uy Maris! Hindi naman malalaman ni McCoy na magiging tayo eh. Secret on lang parang ganon. OK na ko dun" pilit ni Tyler.

Tinignan ko siya sa mata.. Hinawakan sa isang kamay ang kaliwang pisngi at tinapik ng dalawang beses.. Tapos nginitian ko siya..

"Tigilan mo ko." Sinampal ko ng mahina lang.

"Maris ah nakakasakit ka na ng feelings. Ilang beses mo na akong tinanggihan." Sabi niya habang hawak hawak ang balikat ko.

"Lakompake" mataray kong sabi.

Dumiin yung pagkakahawak niya sa balikat ko. "Aray ano ba?!"sigaw ko sa kanya dahilan upang mapatingin ang mga kasama namin dito sa kinaroroonan namin.

Tumayo ako at inalis ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Lumakad ako para lumipat ng ibang upuan pero bigla niyang hinatak ang braso ko dahilan upang ma out of balance ako at mapaupo sa sahig.

May mga umawat na ibang students na naririto. Pero pinagbantaan lang sila ni Tyler. kilala rin kasi si Tyler na basagulero kaya laging nasa guidance office at napaparusaan. Tapos magtataka pa siya kung bakit si McCoy ang sinagot ko.

"Wag kayong makikialam. Ang nakialam ipapabugbog ko at sisiguraduhing sa hospital ang bagsak nyo." Pagbabanta niya.

"Maris maris maris..." Sabi niya habang nakatingin sa ceiling.. "Kung ayaw mong hiwalayan ni McCoy eh ok lang. Hindi na kita gugulohin. Basta sa isang kondisyon.. Hahalikan na lang kita kahit 10 seconds lang. Hahahaha.." Sabi niya habang tumatawa na parang kontrabida

"Hah! Are you in drugs or something?! Baliw ka ata eh. Pwede ba umayos ka! Nasa detention ka na nga gumagawa ka pa din ng kalokohan hanggang dito!"
Tumayo ako aalis Sana palayo sa kanya ng bigla nya Kong hinila sa sulok at idinikit sa pader.

"Argh!" Daing ko. Medyo malakas kasi ying pagkakahampas ko sa pader

Narinig kong nagbubulong bulungan ang mga istudyanteng narito.

"Tawagan nyo na so sir"
"Uy awatin no hung kaibigan nyo"
"Bakit wala pa hung guidance counselor"

Naririnig kong nagpapanik na rin sila.

Unti-unti siyang lumalapit sa akin habang nakangisi.

"Subukan mong lumapit at tatadyakan  kita!" Pagbabanta ko.

"Edi gawin mo!" Sabi niya.

"Aaahhhhhhhhh!!!!!" Sigaw ko habang nakapikit nung malapit na yung mukha niya sa mukha ko

*boogsshh*

Nakarinig ako ng tilian galing sa mga babaeng narito sa detention.

Dumilat ako at nakita kong nakasandal sa dinding si Tyler.

Tinignan ko kung saan nanggaling ang suntok.

Nakita kong nakatayo siya malapit sa akin at nakatingin ng masama kay Tyler.

"Aahhh!!!!" Sigaw ni Tyler habang naghahanda ng suntok para gumanti.

Ngunit nailagan lang nya. At sinuntok pa niya ng isa sa kaliwang pisngi si Tyler dahilan upang humandusay siya sa sahig.

Tinayo niya si Tyler habang hawak hawak sa kwelyo. "Lumaban kang hayop ka!" Tapos sinuntok ulit nya pero hindi parin nya binibitawan ang kwelyo nito.
"Bakla ka ba ha?! *boogssh* babae lang ang kaya mong patulan ah?! *boogshh*"
Walang tigil niyang pinagsusuntok si Tyler. Kahit halata namang hindi na ito makakalaban. May mga umaawat...pero hindi nila siya mapigilan.

"Uy Maris awatin mo!" Sigaw ng katabi ko. Pero parang nabibingi ako.. Nagiging slow motion ang nangyayari sa paligid ko..

Natulala ako.

Natakot ako..

..natakot, hindi dahil muntik na ako kay Tyler kanina..



..natakot ako dahil ganito pala makipag-away ang leader ng fraternity.

Parang wala siya sa sarili.

Parang wala siyang naririnig sa paligid.

Basta suntok lang siya ng suntok.

"Maariisss!" Parang nagising ako ng alug-alugin ako ng katabi ko. "Patigilin mo na siya!"

Nakita kong nakahiga na si Tyler sa sahig pero nakahanda pa din niyang suntukin ito.

Bago pa man niya masuntok ulit si Tyler tumakbo na ako palapit sa kanilang dalawa at pumagitna.

"LUCAS TAMA NA!" Awat ko, habang hawak hawak ang balikat at kamay na ipangsusuntok nya.

Tumigil sa ere ang kamao nya. Maraming sugat at dugo rin ang natamo nya.

Tinignan niya si Tyler na parang hindi niya alam na siya at may gawa noon.
Mayamaya bumalik ang tingin niya sa akin. Napatingin ako sa kamay ko dahil doon nakatuon ang mga atensyon niya. Hindi ko namalayan na nagdurugo na pala ang sugat sa kamay ko.

Tumingin ulit ako sa mukha niya at doon ko napansin na bumalik ulit ang galit sa mga mata niya.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon