Chapter 3.2: The Real Surprise

112 6 1
                                    

Nagising ako ng may narinig akong naglalakad at nagbubulungan.

Ilang oras ba akong nakatulog? One hour? Two hours? Three Hours?

Pilit akong dumidilat pero nakatakip pa pala ang mga mata ko. Pero hindi na nakatali ang mga kamay ko

Nakakarinig ako ng naglalakad sa kaliwa at kanan. So hindi siya nag iisa? Sino ba sila? Ano bang kailangan nila sa akin?

May narinig akong nagsalita kanina pero hindi ko malaman kung sino dahil siguro sa pinaamoy nila sa akin.

Naramdaman kong may umupo sa kanang bahagi ng kamang inihigaan ko. Pinilit kong alisin yung nakatakip sa mata ko pero napigilan ako nung kung sino man ang nakaupo sa tabi ko..

Narinig kong tumakbo palapit yung isang kasama namin sa kwarto para hawakan yung kabilang kamay ko.

"Ano ba! Bitawan ko! Sino ba kayo ha?! Bakit di kayo magsalita.! Ano ba?!!!" Sigaw ko sa kanila habang nagpupumiglas. "Bitaw sabi eh!" *pak*

Nabigla ako. Napahinto. Luh. Nasampal ko ata yung taong may hawak sa kanang kamay ko.

Napapikit ako kahit na may takip pa ang mata ko. Syempre noh baka gumanti. Mabuti na yung prepared ka sa pain.

Pero walang sampal ang bumalik sa akin.

Wooh! Thank God!

Maya maya. Inalis nila yung kumot na nakatakip sa akin at pilit nila akong akong tinatayo..

"Ano ba saan nyo ba ako dadalhin?!" Tanong ko uli sa kanila kahit na alam kong hindi naman nila ako sasagutin.

Nagpumiglas uli ako. And this time may nasabunot ako.

"Ouch" dining kong sabi nya pero mahina lang.

Babae. Mahaba ang buhok. Sabi ko na eh may kasama akong babae dito bago ako mawalan ng malay.

"Sino ka?" This time, mahinahon lang pagkakasabi ko pero my diin na sa boses ko. Nanggigigil na ko eh. Tanong ako ng tanong wala along nakukuhang sagot.

Pilit pa din nila along pinapatayo. Noong nakatayo na ko. Nakaramdan ako ng ginaw.

"Sandali. Anong ginawa nyo sa akin?"
Kinakabahang sabi ko.

Hindi ko man nakikita pero nararamdaman ko na iba na ang suot ko.

"Sabihin nyo anong ginawa nyo sa akin?!" Naiiyak na ko sa takot.

Ibebenta ba nila ako? Gagawing prostitute? Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. Natatakot na ko.

Mama ko. Papa ko.. Loisa... McCoy...Lord God, tulungan nyo po ako. Iligtas nyo po si Loisa. Wag Mo po syang pababayaan

At this moment.. Umiiyak na talaga ako. Di ko na mapigilan. Kahit anong tapang ang gusto kong gawin, natatakot pa rin ako.

Naramdaman ko ang malamig na hangin dumadampi sa mukha at balat ko. Hinahangin ang buhok ko habang naglalakad kami papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan.

Ito na ba Lord? Hanggang dito na lang ba talaga ako? Ililigtas ko pa po si Loisa eh.

Unti unting pumapatak ang mga luha ko hanggang sa hindi ko na mapigilan. Napahagulgol na lang ako. Iyak ako ng iyak na parang bata habang hawak hawak ako ng dalawang tao sa magkabila kong kamay.

"Uwahhhhh... Mama ko.. Papa ko... Gusto ko ng umuwi" yan na lang ang mga nasabi ko. Walang tigil ang pag iyak ko ng huminto na kami sa paglalakad.

"Aist! Maris naman eh! Ang ingay mo! Tsk"

Napahinto ako sa pag iyak ng marinig ko ang boses na yun. Loisa? Boses ni Loisa yung sa bandang kanan ko. Kaya napatingin ako banda doon

"Hay ang sakit sa tenga ng iyak mo" sabi ng isa sa bandang kaliwa ko.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon