Chapter 6: Huwayyy?!!!!

111 6 0
                                    

Naramdaman kong may kumakalabit sa akin.

"Tsk! Uhm.." Reklamo ko. "5 minutes pa. 5 minutes."

Naramdaman kong may tumabi sa akin at yinakap ako mula sa likod.

"Baby gising na. Malelate tayo nyan eh"

Humarapa ako sa kanya at niyakap din sya "uhm.. McCoy, five minutes pa please.." Sabi ko sakanya ng nakapikit pa.

After how many minutes, naramdaman kong may kumikiliti sa tenga ko.

"Uhmmm!!! McCoy naman eh!" Sabi ko tapos hinwakan yung tenga kong kinikiliti nya

"Ayaw mong gumising ah....." Sabi nya..

Bigla akong dumilat. "Hindi! Gising na ko! Oh. Oh. Kita mo. Oh." Pakita ko sa mata kong sinadya kong lakihan.

"Hindi pa eh.. Dito talagang magigising ka. Yahhh!"

"Hahahahahahhahaha... McCoy! Hahahahahahaha.. Gising hahahaha na ko hahahaha"

Lagi nya akong kinikiliti sa umaga kapag ayaw ko pang gumising.

"Dumaan ka na naman sa veranda noh?!" Hinihingal pa ko dahil sa pagkiliti nya. "Sabi kong wag kang aakyat dun eh." "Paano kung mahulog ka." Panggagaya nya sa sinabi ko.

"McCoy naman eh. Di ako nagbibiro. Everyday na lang sinasabi ko yan sayo ah." Reklamo ko.

"Oo. Kaya nga memorize ko na yang linya mo eh haha.." Tawa pa nya

Sinamangutan ko lang sya.
Tapos ni-rub lang nya hung kamay nya sa mukha.

"Ano ka ba. Expert na to. Six year old pa lang ako tumatawid na ko mula sa veranda ko hanggang dyan sa veranda mo." Katwiran naman nya.

Magkapit bahay lang kami nina McCoy. Tapos yung room nya malapit lang sa room ko. Ang hilig hilig nyang umakyat mula sa veranda nya hanggang sa kwatro ko.

"Diba ilang beses ko rin sinabi sayo na maglo-lock ka ng pinto mo." Sermon nya.

Ngumuso lang ako. Bakit pa. Alam ko naman na darating sya.

Nginitian ko lang sya at bumati "good morning!" Then kissed his cheek.

Pi-nat nya lang yung ulo ko and kissed my forehead. "Good morning too."




"Tito Tita alis na po kami"
"Bye ma, bye pa" paalam namin ni McCoy sa parents ko after naming mag breakfast.

"Mag iingat kayo." Paalala nina mama at papa.



Pagdating namin sa school dumaretso kami sa tambayan. Open area lang sya na usually tinatambayan din ng mga estudyante. May mga upuan at mesa. Pero may sarling pwesto ang barkada na tinawag namin na mulawin. May malaking puno kasing nakatayo doon sa pwesto namin na kamukha sa fantaseryeng mulawin.

Naabutan namin sina Loisa at ang iba pa naming kaibigan doon.

"Ui lovebirds!" Bati sa amin ni Jimboy

"Nakkssss... Sweet.. HHWW" pang aasar ni Ryle

"Ui Mariskie may assignment ba kayo kay Mr. Ocampo?" Tanong ni Loisa.
Iisa lang kasi ang prof naming sa isang minor subject.

"Oo. Kayo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ayos! Pakopya ah. Nasan na?" Sabi nya.

Hinanap ko yung assignment ko sa bag at inabot sa kanya. "Oh 50 pesos per paragraph." Biro ko.

"Ai grabe sya oh. Kabayaran to ni McCoy sa pagtulong namin sa kanya para lang maging successful yung surprise nya. Dapat nga ilibre mo kami eh. Hahaha.. Tsaka McCoy sa susunod na surprise mo wag ka ng kakanta ah. Sayaw na lang ok na. Hahaha.." Pang aasar ni Loisa Kay McCoy.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon