Chapter 5: Happiness

128 6 0
                                    

Nandito kami ngayon ni McCoy sa tapat ng bahay namin.

Nasa labas kmi habang nakasandal sa hood ng kotse nya. Inihatid nya ko pagkatapos ng magical event na yun.

Oo. Magical sya para sa akin.

Nakatingin lang kami sa bituin ng mga oras na yon.

"Masaya ka ba?" Tanong nya bigla sa akin.

Tinignan ko sya ng nakangiti "Sooobbbra! Salamat!"

"Anong salamat? May kiss yun." Sabi nya

"Ha-ha. Ano ka! Ayoko nga" Pang aasar ko.

"Ang daya. Hug na lang." Hirit pa nya.

Dumistansya ako sakanya ng konti tapos inextend ko yung dalawang kamay ko. Like welcoming him.

"Haha.." Tumawa lang sya tapos hinila ang isang kamay ko at yinakap ako ng mahigpit.

"I love you." Sabi nya.

Kinakagat ko naman yung gilid ng loob ng bibig ko para pigilan yung kilig ko.

"Bakit ganyan ka makatingin?"
Tanong nya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"Tanong nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*sigh* umiling lang ako.
"Wala." Hinawakan ko ang kamukha no McCoy. "Masaya lang ako." "Sandali may ibibigay ako."

Itataas ko sana yung paldang suot ko ng bigla syang magsalita.

"Oi oi oi! Anong ginagawa mo? Sandali lang. Di pa ako ready sa bagay na yan" sabi nya habang naka cross pa yung dalawang kamay sa dibdib nya. Tapos lumayo pa sya ng konti sa akin.

"Ha! Buang ka!" Natatawang sabi ko sa kanya. Para namang ire-rape ko sya.

"Eh anong ginagawa mo bakit ka naghuhubad? Ano ka ba naman Maris nasa daan ka haist!"

"Uhmp" kinotongan ko nga.
"Aray!" Reklamo nya.

"Pinagsasabi mo dyan. May shorts ako dito sa loob noh. Nandito sa shorts ko yung regalo ko sayo. Haayyy.. Ang dumi ng isip." Pinaningkitan ko ng mata habang sinasabi ko yun sa kanya.

" Pinaningkitan ko ng mata habang sinasabi ko yun sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon