Chapter 9: Friendly Neighboorhood

104 4 4
                                    

Nasa restroom kami ngayon nina Loisa at Sam.

"Sasabihin mo ba kay McCoy tong nangyari?" Tanong ni Sam habang pinupunasan ko ang uniform kong namantsahan dahil sa kape..

Umiling lang ako. "Wag na. Maliit na bagay."

"Pero Maris hindi ba dapat malaman ni McCoy ang mga nangyayaring ito? Baka mamaya mas malala pa ang susunod na mangyayari sayo." sabi ni Loisa

"Hindi na. Kaya ko naman eh. Tsaka isa pa kapag sinabi ko sakanya, anong mangyayari? Baka mas lalo lang akong pag-initan nung lalaking yun, pati si McCoy madamay. Ako ang gumawa ng gulong ito, so ako din ang tatapos" sabi ko

"Paano kung malaman ni McCoy?" Tanong ni Sam.

Tinignan ko silang dalawa "Hindi nya malalaman, kung hindi kayo magsusumbong. Tsaka ang layo layo ng engineering department dito para malaman nya. Kaya keep quite lang kayo ok?"

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Sam sa akin.

Tinignan ko ang reflection ko sa salamin. Napaisip ako bigla.. Natatakot nga ba ako? Tanong ko sa sarili ko. Ako mismo hindi ko kung natatakot nga ba ako sa kanya. Basta ang alam ko naiinis ako kapag nakikita ko sya.

"Aww!" Napasigaw ako bigla ng hawakan ni Loisa ang kanang kamay ko.

"Hala Maris! Yung kamay mo."
Sabi ni Loisa.

Napatingin ako sa kamay kong namumula. "Ouch!" Ngayon ko lang naramdaman yung sakit sa kamay ko dahil sa pagkakahawak ni Loisa. Namamaltos na pala.

"Tara! Dalhin ka na namin sa clinic" sabi ng dalawa.

Nang makarating na kami sa clinic, nagpaalam na ang dalawa dahil may pasok pa.

"Sige. Pagpaalam nyo na lang ako sa mga prof ko ah. Salamat" Sabi ko sa kanila.

Dito na ko sa clinic nag stay pagkatapos gamutin ng nurse ang kamay ko. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng marinig kong nag ring ang cellphone ko. Tinignan ko ang orasan sa dingding, five o'clock na pala. Napahaba ata ang tulog ko.

"Hello McCoy!" Pinasigla ko ang boses ko.

"Kamusta ka na? Ayos ka na ba? Ok ka lang ba?" Sunud-sunod na tanong nya.

"Ha? Bakit naman hindi ako magiging ok" Kinabahan ako bigla. Hindi kaya nagsumbong na sina Loisa at Sam?

"Sabi kasi nina Loisa nasa clinic ka masakit daw ang ulo mo."

"Ahh.. O-oo kanina. Masakit kanina. Ok na ko ngayon. Narinig ko na boses no eh." Nakangiting sabi ko.

"Hahahaha..buang." Tawa nya.

"Asus! if I know kinikilig ka lang." Pang aasar ko.

"Hahaha.." Tinawanan lang ako. "Pupunta ako ng clinic. Sabay na tayong umuwi."

"Wag na. Kita na lang tayo sa park" sabi ko.

Nagpaalam na ko sa nurse at nagpasalamat.

Pagkarating ko sa park wala pa si McCoy.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya.

Habang nasa tenga ko ang cellphone biglang may natakip ng mga mata ko.

"Wag kang sisigaw. Kinikidnap kita para sakin kana habang buhay." Sabi niya

"Hahahaha.. McCoy!"" Natatawang sabi ko. Inalis ko yung kamay nyang nakatakip sa mata ko at umikot paharap sa kanya.

Pagharap ko may bouquet ng roses sa harapan ng mukha ni McCoy. Inilihis nya yun sa mukha nya at ngumiti "happy anniversary!"

Tinanggap ko ang bulaklak at tinignan siya na parang nagtataka.

"Oh bakit? Anniversary pa rin natin ngayon diba. Meron pa tayong till 12midnight para matapos tong araw na to." Nakangiting tanong niya.

"Ang sweet sweet naman ng boyfriend ko!" Sabi ko habang kinukurot siya sa pisnge. "Happy anniversary! Pakiss nga!" sabi ko.

"Ayoko nga strict ang parents ko noh" pabirong sabi nya.

"Aray. Hahaha.." Tawa nya ng kinurot ko siya sa tagiliran.

"So saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.

"Pizza! Gusto ko ng pizza at movie marathon!" Nakangiti kong sabi.

"Ok. Movie marathon sa bahay at mag mag o-order ako ng maraming maraming pizza."

"At fries!" Pahabol kong sabi.

"Hahaha.. Sige. Pati maraming maraming fries para sa girlfriend ko."
Inakbayan nya ako at hinalikan sa noo.

Pagkarating namin sa subdivision nagpaalam muna kami ni McCoy kina mama na magmomovie marathon lang kami bahay nila.

Lumabas na kami ng gate para pumunta sa bahay nina McCoy ng mapansin kong nakabukas yung ilaw sa bangkanteng bahay sa harapan.

"May nakabili na ng bahay nina Mr. Robles?" Tanong ko kay McCoy.
Lumipat na kasi yung nakatira diyan dati.

"Oo. Yung pamilya ng best friend mo noong kinder tayo ang nakabili ng bahay na yan." Sabi nya.

"Best friend ko?" Nagtatakang tanong ko. "Si Loisa? Bakit wala siyang nasasabi sa akin kanina. Tsaka hindi ko pa naman kilala si Loisa noong kinder ah"

"Hahahaha.. Hindi si Loisa. Yung "bestfriend" mo noong kinder. Classmate natin. Yung nang aagaw ng baon at nangbu bully sayo. Nakasalubong ko siya kaninang umaga. Nakilala nga niya ko eh. Di ko nga siya nakilala kung hindi lang siya nagkwento noong mga kinder pa tayo, tapos yun.. Daddy daw niya ang nakabili ng bahay."

"Anong itsura niya ngayon? Ganito pa rin ba?" Tanong ko habang hawak ang ilong ko ng dalawang kamay para magmukhang ilong ng baboy.

"Hala ka! Sumbong kita pag nakita ko ulit siya." Sabi ni McCoy na parang bata.

"Tss.." Sinamangutan ko lang siya. "Tara na gusto ko ng kumain ng fries at pizza."

"Ang takaw mo talaga pero hindi ka naman tumataba." Hawak nya sa braso ko.

"Heh!" Hampas ko sa braso nya. "Nandyan na ba sina tito't tita?"

"Wala pa mamaya pang seven darating yun. Si manang lang ang nandiyan."

Napatingin ako sa kanya kasi bigla siyang tumahimik. Nakakunot ang noo nya at nakatingin sa kanang kamay ko.

In instict, bigla kong tinago sa likod ang kamay ko. "Uhmm.. Tara na sa loob?" Kinakabahang tanong ko.

"Sandali. Napano yang kamay mo? Ngayon ko lang napansin ah" pilit niyang kuha sa kamay kong nakatago sa likod

"Ahh. Wala to. Natapon ko kasi kapeng hawak ko kaninang lunch. Ayun napaso ako." Sabi ko.

"Kawawa naman baby ko. Kiss ko para mawala ang sakit" sabi nya. Tapos kiniss nya yung kamay kong may benda.

"Yah!" Taas ko sa kamay ko matapos niyang halikan "wala na. Wala na yung sakit. Hindi na masakit." Sabi ko habang tinaas baba ko ang kamay ko.

"Hahaha.. Kalokohan mo. Tara na order na tayo ng fries at pizza. Panigurado, doon mawawala ang sakit ng kamay mo." Natatawang sabi niya.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon