Chapter 13: Too Many Questions

95 4 5
                                    

After naming mapigilan si Lucas sa pagsuntok Kay Tyler biglang dumating ang guidance councilor at head ng office of the student affair.

Nagulat sila sa mga nangyari. Tumawag sila ng ambulansya at tinawagan din nila ang mga magulang ni Tyler.

Kinuha ng guidance councilor si Lucas at dinala sa office nila.

Samantalang kaming mga nasa detention kanina pinabalik muna sa mga klase at ipapatawag na lang daw kami para sa statement namin tungkol sa nangyari kanina.

Maraming pumapasok na tanong sa utak ko.

BAKIT???? BAKIT??? AT BAKIT???

basta maraming bakit.

Bakit siya nandoon?
Bakit niya sinuntok si Tyler?
dahil ba sa akin? Pinagtanggol niya ako?
Pero bakit???

Sabi nga sa kanta , Too many questions but the answers are so few.

"Maris!" Nabigla ako ng biglang may yumakap sa akin.

Si McCoy pala.  Hindi ko siya napansin.

"OK ka lang ba?" Hinihingal niyang tanong. "Nag-alala ako kanina nung bigla ka na lang hindi nagsalita habang kausap kita sa cellphone. Pumunta ako sa room niyo tapos sinabi ng prof mo na nasa guidance ka daw. Ano bang nangyari? Bakit nagkakagulo ang mga nasa detention room? Bakit ka namdoon? Bakit may dugo ka?" Napatingin ako bigla sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Bukod sa sugat ko sa kamay may mga mantsa rin ng dugo ang uniform ko. Siguro nakuha ko to nung awatin ko si Lucas.

"Yung kamay mo dumudugo." Sabi pa ni McCoy habang hawak hawak ang kamay ko.

Tinignan ko si McCoy at yinakap ng mahigpit.

"Natatakot ako." Sabi ko.

Sa unang pagkakataon..

..natakot ako..

..natakot ako kay Lucas.

---
Dinala ako ni McCoy sa hospital para gamutin ang sugat ko sa kamay.

Marami siyang tanong sa akin tungkol sa nangyari kanina pero wala akong sinagot kahit isa. Parang nasa state of shock pa ako, yung ganon. First time kong makakita ng ganoong klaseng gulo. Ni hindi na makagalaw si Tyler gawa ng mgasuntok ni Lucas.

Kaya mas pinili ko na lang na manahimik. Naintindihan naman ni McCoy yun.

"Iuwi mo na ako." Sabi ko sakanya.

Bumuntong hininga siya "sige."

Tahimik lang kami habang bumabiyahe pauwi sa amin.

Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.

Hinawakan ni McCoy ang kamay ko dahilan upang mapatingin ako sa kanya. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.

Tinignan ko lang siya sandali tapos tumingin ulit sa bahay namin.
"Kapag ready ka ng magkwento, nandito lang ako." Sabi niya.

Tinignan ko ulit siya at nginitian. "Wag kang mag alala. Okay lang ako. Umuwi ka na din. Gusto ko na kasing pahinga eh." Sabi ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at hinalikan sa noo. "Sige, pahinga ka na. Text mo ko kung makakapasok ka bukas." Sabi niya.

Tumango lang ako at pumasok na sa bahay.

Nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Napansin Kong may bagong naka ipit na post-it note sa ref

Mars,
Umuwi muna kami ng Davao ng papa mo.
Ang lolo mo daw inatake. I'm trying to call you kanina kaso cannot be reached. Call me kapag nakauwi ka na para hindi na ko nag-aalala.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon