Chapter 14: Hide and Seek

106 5 3
                                    

"Ayon pa sa aking reliable source, eh gusto raw ipakulong ng mga magulang ni Tyler si fafa Jon!" dagdag pa niya

Doon na ako napatingin sa kanila.

Parang kinabahan ako..

..kinabahan ako para kay Jon.

"Balita ko nasuspend pa ng 2 months si fafa Jon eh."

Patuloy na kwentuhan ng apat kong kaklse.

"Or worst.. Kick out siya dito sa school" sabi ng isa.

Dumating ang prof namin hanggang sa natapos ang klase ay hindi ako mapakali. Feeling ko may kasalanan din ako sa mga nangyari.

Ngayon alam ko na kung bakit natatakot ako kahapon.

Ang sabi ko natatakot ako kay Lucas..

..hindi pala..

..hindi ako natatakot sakanya..

..kundi natatakot ako para sakanya..

..natatakot ako sa kahahantungan ng pagiging basagulero niya.

"SANDALI!!! bakit ba parang concern na concern ka?" Tanong ko sa sarili ko.

"Siyempre niligtas ako nung tao noh.. Dapat maging thankful tayo." Sagot ko

"Asus.. Ni hindi ka nga sigurado kung dahil nga sayo kaya niya pinagsusuntok si Tyler. Malay mo naman trip niya lang. Malay no mainit yung ulo niya that time. Assumera ka girl noh." Sabi ko sa sarili ko.

Matanong nga kay mama kung meron ba kaming lahing baliw.. Yung split personality yung ganon..

Dumating na ang prof para sa next subject namin.

Kasabay niyang pumasok sina Nikko, Ronnie at Tom.

"Hi Maris!" Nakangiting bati ni Nikko sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay na para bang nawi-weirduhan. Bakit hindi ka mawiweirduhan eh naka sun glasses sa loob ng classroom.

Tumingin ako sa labas nagbabakasaling may isa pang susulpot na kumag.

"Buti na lang naareglo ni Tito.." Napunta ang atensyon ko sa tatlong kumag.
"For sure nagkagulo na naman sila ni Tito sa bahay.." Sabi ni Ronnie.
"Kawawang fafa Jon.. Suspend ng two months.." Sabi naman ni Nikko.
"Yuck. Nikko! Pwede ba wag kang magpout! Bakla ka ba?" Nandidiring sabi ni Ronnie.
"Hahaha.. For sure masasapak ka ni Jon kapag narinig na naman niyang tinawag mo siyang fafa." Panggagaya ni Tom sa salitang 'fafa' ni Nikko.

Nawala ang atensyon ko sakanila ng bigla akong tinawag ng prof.

Nandito na pala siya?

"Miss Racal pinapatawag ka sa guidance office." Sabi niya.

Kumatok ako pagkarating ko doon.

"Regarding on your case Miss Racal, you threw a paper ball on your proffesor's face. Why?" Tanong niya.

"Uhm..nagkakatuwaan lang po ang klase. We're thought hindi na po siya darating. And when I throw the paper sakto ang pagdating niya. I didn't mean to do it sir, I'm sorry."

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon