Chapter 8: COFFEE, tea or me

87 4 0
                                    


Wala pa si McCoy pagdating ko sa cafeteria. Si Loisa at Sam ang naabutan ko dito.

Pumunta ako doon ng nagdadabog hanggang sa makaupo.

"Ayyy.. Beast mode teh?" Puna ni Sam

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at nangalumbaba lang ako sa mesa.

"Ui wag ka ngang mangalumbaba sa mesa. Malas daw yan eh." Bawal ni Loisa

"Tss.." Sungit kong sabi. Sa halip na making sakanya nilagay ko pa yung isa kong kamay sa baba ko at sinamangutan sila.

"Problema mo?" Nainis na sabi ni Loisa.

*sigh* "wala. Sorry."  Paghingi ko ng pasensya sa inasal ko sakanila.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Sam.

Kinuwento ko ang mga nangyari kanina sa classroom.

"What? Partner kayo? Paktay ka!" Sabi ni Sam

"Sino ba yung sinabi niyong Lucas?" Tanong ni Loisa.

"Siya yung sinuntok ni Maris kahapon." Sabi ni Sam

"Wait. What? Sinuntok mo? Bakit?" Tanong uli ni Loisa.

Tapos nagkuwento ulit ako tungkol sa mga nangyari kahapon hanggang sa kung paano umabot sa suntukan.

"Hahahahaha... Nice!" Nakipag high five pa si Loisa sa akin.

"Ayos ba?" Tanong ko kay Loisa ng nakataas ang kilay at nakangisi.

"Kulang pa yun. Dapat ganito ginawa mo, tapos ganito. Ihyah! Hiya!" suntok ni Loisa sa kaliwa't kanan. "Tapos yung pang finale, isang malakas na ..  uhhhmmmmm.. Yaa!! Upper cut. Hahahaha.." Tinaas pa nya yung dalawang kamay nya na parang sya hung winner sa suntukan.

*pok* "aray ah!" Nabatukan pa tuloy siya ni Sam.
"Ginagatungan mo pa eh. Magkaibigan nga kayo." Sabi pa nya.

"Haist. Nasaan ba ako at di ko nakita yung mga ganap mo kahapon Maris." Panghihinayang ni Loisa.

"Busy ka sa pagpaplano sa surprise ni McCoy para sakanya" turo ni Sam sa akin. "Teka,narinig nyo na ba yung balibalita tungkol sa kanya kung bakit sya na kick out sa dati nyang school?" Tanong pa ni Sam

"Bakit daw?" Tanong ni Loisa.
Tumahimik na lang ako dahil magbuhat kahapon marami na akong naririnig  tungkol sa kanya.

"Balita ko galing yan ng states." Simula ni Sam sa pagkukuwento.
Uhm? Galing ng States? Parang hindi ko narinig kahapon yun ah. "Kasama nya ang buong family nya dun. Kaso pinabalik sya ng daddy nya dito kasi lagi daw syang napapasabak sa gulo dahil sa mga barkada nya. Bumalik sya dito last semester lang. Naka enroll sya dun sa kabilang school. Tapos yun na nga, napaaway sya ulit dun sa school nya dati kaya napatransfer dito sa school natin" patuloy na kwento ni Sam.

"Haayyy.. Bakit tumatanggap ng mga kick out students ang school natin" reklamo ni Loisa.

"Kaya Maris mag ingat ka. Di ka ba nagtataka kung bakit alam nyang ikaw si Racal?" Dagdag pa nya. Napaisip ako bigla. Oo nga noh? Bakit kilala nya ako?

"Malamang siguro pinagtanong ka nya kahapon pa. Tapos sinadya niyang mapunta sa klase mo at pinlano nyang makapartner ka sa competition para mag revenge sayo. Tapos isasama ka nya sa hide out ng mga kasama nya sa fraternity. Tapos ito-torture ka nila. Tapos.."

"Ahhhhhh!!!!!!!!!!! Pinagsasabi mo Sammie!!!!" Nakakaloka sya!

*sniff* *sniff* napatingin ako kay Loisa na marinig ko siyang umiiyak.

Napakunot ako "bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"*sniff* kasi Maris mamimiss kita kapag nangyari yung mga sinabi ni Sam. Wahhh!!! Huhuhu.. Best friend kita Maris kaya wag mo kong mumultuhin. Wahhh..." Iyak ni Loisa

*sniff sniff* napatingin ako kay Sam ng marinig kong umiiyak din sya.

"Maris mamimiss din kita! Isa kang napakabuting kaibigan! Wag kang mag alala lagi ka namin bibisitahin sa sementeryo." Umiiyak ding sabi nya.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko
"Haissttt!!!! Ano ba kayo! Kainis! Sa halip na i-cheer nyo ako, pinapakaba nyo ko lalo sa mga pinagsasabi nyo eh! Haayyy!!! Namaaan! Mga kalokohan nyo oh! Bahala nga kayo diyan. Bibili na ko ng pagkain ko." Tumayo na ko at naglakad.

"Sa akin na yung pakape friend!"
"Sige ako ng balama sa biscuits!" Pahabol na sabi ng dalawa.

Napapailing na lang ako sa manila habang naglalakad.

Tinignan ko yung phone ko ng maramdaman kong mag vibrate ito.

From: bebeMc
Ma, di na ko makakasabay mag lunch sa inyo. Busy pa kami dito sa activity eh. Sasabay na lang ako sa mga kaklase ko mamaya. Kumain ka ng marami. Wag kang papagutom.
ILY ˏ( ˘ ³˘)♥

Magrereply pa sana ako ng may bumungo sa akin at natapunan ako ng kape.
"Ah! Ang init! Ang init!" Hawak hawak ko ang uniform ko para hindi dumikit sa balat yung mainit na kape. "Ah ang init!" Sabi ko pa habang pinapagpag pa rin ang uniform at kamay ko na natapunan din ng kale.

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Loisa habang pinapagpag din ang blouse ko at pinapaypayan naman ni Sam.
Di ko napansin na nakalapit na pala sila.

Pag angat ko ng tingin nakita ko si Lucas sa harapan ko hawak ang isang styro cup. Biglang nag-init ang ulo ko na parang kasing init ng kapeng nabuhos sa akin!

"Ha! Di ka man lang ba magsosorry?!" Sarcastic kong tanong sa kanya.

"Hindi ba dapat ikaw ang magsorry dahil natapon mo ang kape ko?" Malumay na sabi nya. Pero nakakainis yung way ng pagsasalita nya.

"Paano??? Bakit ako ang sinisisi mo?! Sige nga pakiexplain!!" Inis na tanong ko sa kanya

"Maris tara na" "Wag mo ng patulan" awat nina Loisa at Sam sa akin.

This time, alam kong nakakaagaw na kami ng attention sa ibang kumakain dito sa cafeteria dahil dumadami na yung mga taong nakapaligid sa amin.

"Kung hindi ka ba naman tanga, nagce-cellphone ka habang naglalakad. Malamang makakabangga ka. So ikaw talaga ang may kasalanan." Nakangising aabi nya. Tapos tinaas ang hawak na styro cup.

Ha! I knew it! Sinasadya niyang gawin yun.

*inhale exhale* "ahhhhhh!!!!!!!!!!" Sigaw ko. Sa sobrang inis ko bumwelo ako para suntukin uli sya sya mukha.

Lalo akong nainis ng napigilan nya yung suntok. Hinawakan nya yung kamao kong malapit na sa mukha niya "Not this time, honey." Nakangiting sabi nya. Hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko tapos umalis na.

You To Me Are EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon