1-Past Memories
Aleya:
"Apo, ko! Dali, magtago ka! Nandyan na ang mga sundalo ni Marcos! Diyan ka sa mesa magtago, apo.. Dali!"
Napapailing kong tiningnan ang lola Felly ko na nasa wheelchair. She's 93 years old and suffering from hyperthymesia—yung sakit kung saan halos araw-araw niyang naaalala ang lahat ng mga nagyari sa kanyang kapanahonan.
"Naku, La.. Nasa malayong lugar na po tayo—hindi na po tayo nila makikita rito, promise!" Nakangiti kong sabi sa lola kong nakakunot ang noo.
Nasa hapag-kainan kami sa aming munting bahay-kubo at pagkatapos nito ay ihahatid ko pa si lola sa malapit na center para doon ko muna ihabilin sa mga health workers habang papasok ako bilang kasambahay sa hacienda ng mga Clark.
After lunch, diretso na ako sa school—hindi nga ako matapos-tapos dahil pinagsabay kong alagaan si lola, magtrabaho at mag-aral!
Pero okay lang.. Masaya naman ako kasi maraming gustong tumulong sa'kin at maraming may magagandang loob para sa lola ko—bata pa ako sa lola na ako lumaki.. Kaya hinding-hindi ko siya iiwanan!
"Are you sure, apo? They are very powerful! They can find us wherever we hide.." Yan si Lola Felly ko—nagkakanosebleed nga ako pagbigla siyang nage-english! Nakangiti ko siyang sinubuan ng mainit-init na sabaw galing sa bagong pitas kong malunggay at talbos ng kamote sa bakuran namin.
"La, we are the most powerful of all! Why? Coz my father is superman, my mother is wonder woman, and you are my super granny.. O di ba? Kain na.."
Kahit gan'to si lola ko, masaya na rin ako kasi napa-praktis kong mag-English lalo na 'pag kaharap ko na yung antipatikong anak ng amo ko.
"That's true, apo.. Your father is very rich and your mother as well! I gave your mother the best we could but..but.." Biglang sumakit na naman ang ulo ng lola ko. 'Agad ko siyang pinagpahinga at hinilot ko ang ulo niya.
Awang-awa talaga ako kay lola Felly dahil minsan sa sobrang naaalala niya ang mga bagay-bagay noon ay nagkaka-severe migrane siya..
Makailang-ulit na bang nasabi ni lola na noon daw ang yaman-yaman namin?
Pero hindi ko maintindihan kung bakit lumaki ako na hindi ko nakilala ang aking mga magulang. Sa tuwing tatanungin ko siya noon, hindi naman niya ako sinasagot ng totoo.. Ngayon lang na nagkaroon ito ng sakit—pilit nitong sinasabi ang mga nakaraan sa buhay nito!
"Uy, totoo yun, eya.. Kasi minsang narinig ko ang nanay at tatay na nag-usap tungkol sa lola mo, sabi nila—kaya daw may malaking lupa kayo rito sa Bulacan at minsan ay English speaking si lola Felly dahil mayaman kayo noon!"
Papunta na kami sa hacienda ng mga Clark at habang naglalakad ay ikinuwento ko sa kaibigan ko ang mga alaala ni lola. Hmp? Hindi naman ako naniniwala, eh!
Mag-e-eighteen na ako sa susunod na buwan pero hanggang ngayon, walang aninong nagsasabing anak ako ni Pedro at Pedra! Tsk..
"Eh, bakit ikaw, aber? Ang hilig-hilig mong mag-English pero hindi ka naman mayaman tsaka ang dami-dami niyong sagingan pero hindi pa rin kayo mayaman?"
Ayst! 'Tong bibig ko talaga—minsan ay hindi ko mapigilang magding prangka! Umasim ang mukha ni Felice at hinila ang mataas kong buhok na naka-braid!
"Grabe ka talaga! Ang sakit-sakit mong magsalita parang hindi kita kaibigan, Aleya!"
Maktol nito na alam ko namang nagdadrama lang. Hmp.. Kung siya nga rin ang unang makatukso sa'kin—wagas, eh!
Hinuli ko rin ang kulot niyang buhok at hinila—napahiyaw ito!
"Yan ang totoong kaibigan, Felice—yung sinasabi ang totoo ng harap-harapan at ng hihila ng buhok! Hay naku.. Tumakbo na nga tayo dahil late na naman ako—dali!"
Masaya kaming tumakbo ng matulin. Si Felice ay papasok sa highschool habang ako naman ay magtatrabaho muna sa hacienda. Maraming pang trabaho sa planta ng mga pinya at manga—lalo na't malapit na ang harvest season.
YOU ARE READING
His Redemption
Storie d'amoreAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...