10-A Knock

244 8 0
                                    

10-A Knock

Ava:

Hinatid ako ng bruskong amo ko!

Totoo? Hinatid ako ni Hirvi Craig Clark! Para pa rin akong nakalutang sa ulap habang kumakain ako ng pagkaing inihanda ko para sa panghapunan sana ni Hirvi pero—binalot niya ang mga yun at ibinigay para sa'kin—uy, masarap akong magluto ha!

Pero ano kayang nangyari sa isang yun? Bigla-bigla nalang kasing..eh, hindi naman siya totally talaga naging mabait pero—obviously, tinulangan niya ako ngayong araw na 'to!

May himalang nangyari.. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti na parang ewan!

"La, hindi po ba nagalit si AlingPitra sa'yo? Pasensya na natagalan ako sa pag-uwi pero bukas po—papasyal tayo sa park!"

Baling ko kay lola na nakahiga na sa munting higaan namin. Nakatulog na pala ito at laking pasalamat ko rin kay Aling Pitra dahil nang dumating ako sa center ay tapos ng kumain si lola Felly ko pero parang hindi na ma-ipinta ang mukha nito sa pagkayamot. 'Di bale, bukas ay sahod ko na—bibigyan ko siya ng pampalubag-loob. Huling trabaho na kahapon sa anihan kaya makaka-relax na rin ako sa wakas kasama si lola! Kaya lang kailangan ko talagang sabihin kay Aling Pitra na medyo matatagalan ako pag-uwi simula sa lunes kasi naman—personal maid na ako ni Hirvi, eh. Buong araw na ang klase ko kaya siguradong makakahabol ako sa graduation ngayong summer pero pipilitin kong makauwi sa tanghalian at bilhan ng pagkain sina lola Felly at si Aling Pitra.

Sabi pa naman ni Aling Pitra kanina ay napapadalas daw ang pagkahilo ng lola ko.

Siguro sa init ng panahon dahil kompleto naman siya sa maintenance niya sa gamot. Tumayo ako at niligpit ang kinainan ko tsaka hinugasan. Doon ko napansin na parang may tao sa labas ng kubo naming—dinig ko ang mabibilis nitong mga yabag. Bumalik kaya si Hirvi?

"Sino yan?"

Bumalot ang kaba ko nang kung ano-anu na ang nasa isipan ko ngayon. Totoo kayang may aswang?

Naku naman Aleya—tumigil ka at matakot ka sa buhay!

Sinipat ko sa maliliit na butas at kahit madilim ay pilit kong inaaninag kung may tao nga ba. Hayst! Siguro ay guni-guni lang 'to.

"H-Hoy! 'Wag mo akong takutin kung sino ka man huh—baka gusto mong masabuyan ng pinakulong tubig diyan!"

Parang tanga ako ngayon na nagsasalita. Hmp! Hindi kaya si Marvin ang nasa labas at may masamang balak? Hay naku! Iba talaga ang kutob ko sa isang yun, eh.. Kanina lang kasi kung hindi pa dumating si Hirvi—mahihinang katok ang narinig ko sa pintoan.

In Jesus name! Baklang-kabayo naman, oo! Nagulat talaga ako at kahit ganun man ay dahan-dahan akong lumapit sa pintoan. Panay pa rin ang katok ng kung sino man ang nasa labas.

"S-Sino yan? H-Huwag mo k-kong takutin—hindi ako takot!"

Sabi ko pero wala pa ring sumagot. May nakita akong gunting sa mesa kaya 'agad kong naisip na kunin iyon at gamiting panangga. Napalunok ako nang makalapit sa pintoan at idinikit ang tenga ko sa plywood. Para ko lang narinig ang mismong tibok ng puso ko.

Paano kung masamang tao ang nasa labas? Pero ano naman ang kailangan niya sa'min ng lola ko?

"H-Hoy ano ba! Kung magnanakaw ka—'wag kang magnakaw dito sa'min. Dun ka sa mayayaman!"

Patuloy ko pa ring sabi pero patuloy pa rin ang mga katok nito at ngayon ay mabibigat na mga kamay ang kumakatok sa pintoan sabay tulak ng kung sino man. Napalingon ako kay lola Felly na nasa higaan nito at natutulog na mahimbing—totoong kaba ang bumalot sa'kin ngayon.

His RedemptionWhere stories live. Discover now