6-Hidden Puzzles

238 10 0
                                    

6-Hidden puzzles

Aleya:

"Magandang gabi po, maam at sir. Ito po nga pala si lola Felly ko.. La, sila po yung mga mababait kong amo.."

Nasa malawak na hardin kami ngayon. Kahit naiinis pa ako sa anak nila ay hindi ko ako naka-hindi sa imbitasyon ni maam Cahira na mag-dinner kasama si Lola Felly.

"Magandang gabi po, lola Felly.."

Halos magkapanabay na sabi nina maam at sir—asus.. Talagang kinikilig pa rin ako sa kanilang dal'wa! Parang magnobyo lang silang dal'wa..

Naaasiwa naman ako sa suot ko ngayon na isang simpleng puting bestida na hanggang tuhod ko at ang mahaba at maalon kong buhok naman at ipinatirintas ko kay Felice kanina.

I thought I would look more decent wearing this obsolete dress but the way Hirvi glanced at me—parang nandidiri sa hitsura ko! Hmp.. Napatingin tuloy ako sa sarili kong suot dahil baka may dumi o ano. Hay naku! Habang sila ay parang a-attend ng isang party sa mga suot nila..

"Magandang gabi naman.. Kayo ba ang ihinintay naming bisita? Mabuti naman at ng masimulan na ang birthday party!"

Bigla nalang sabi ng lola Felly ko na talagang ikinalaki ng mata ko at ng butas ng ilong ni Hirvi.

Ah! Lola naman, eh.. Nahihiya 'kong itinulak ang wheelchair papunta sa dulo ng mesa.

"Naku, maam.. Pasensya na po sa lola ko, ha? May sakit po siya.." Nahihiyang wika ko habang nakatayo sa tabi ni lola.

Si lola naman kasi.. Pero isang alaala na naman ba ang nasabi nito? Hayst.. Kung totoo man ay parang isang tagpi-tagping puzzles sa nakaraan ko ang pwedeng mabuo..

"Oh, don't be sorry—we understand, Aleya.. C'mon let's eat!" Sabi naman ni sir Travis na ikinapanatag ng loob ko pero mas hindi ako sanay sa nakakabinging katahimikan ni Hirvi—anong nakain ng kumag na 'to at hindi nang-aaway?

"So, you don't know who your parents are? I mean, wala kang kahit isang information tungkol sa kanila para matulongan kitang i-trace ang parents mo?"

That was sir Travis concerned tone. They asked a lot about me until we finished our dinner. No wonder Hirvi walked out immediately!

"Naku, sir—kung ginusto talaga nilang Makita ako, 'di sana'y matagal na rin nila akong makikita. Pero mag-e-eighteen na po ako next month, isang taon na naman ang lilipas. Ayoko na pong umasa.."

As much as I hid my emotional distress but it's difficult to hide it now. Lalo na't habang lumalaki ako ay iyon din ang mga tanong sa isipan ko na hindi ko masagot-sagot..

Tanging si lola Felly lang ang makapagsasabi ng lahat pero ayokong pwersahin si lola ko.. Matandang-matanda na ito at mas lalo lang na sasakit ang ulo nito sa migraine 'pag pinilit ko.. I'll just rely on her memories like tonight—may naaalala na naman ito tungkol sa nakaraan..

"Don't worry, we'll exert our help as much as we can, Aleya.. Mabait at may potential kang bata kaya nararapat kang tulongan! Actually, we're granting you a scholarship for college in any course you want, how was it?" Ha? Natulala ako sa sinabi ni maam Cahira.. Totoo?

"P-Po?" Masayang tumango ang dal'wa kong amo habang niyakap ko si lola—masaya ako! Masayang-masaya ako! Sa wakas makakapag-college ako..

Walang sawa akong nagpapasalamat sa mag-asawa hanggang sa pag-uwi namin. Ang sabi ni maam sa'kin ay dun ako sa bahay nila sa Manila titira kasama ng lola ko 'pag college ko—lahat ay magiging libre pero sa isang kondisyon..

Itataboy si Hirvi Craig Clark sa mga masasamang elemento! Hayst.. Yun na nga, eh.. Maging personal na alalay din lang naman ng isang mahal na prinsipe! Eh, paano na 'to?

"Mabuti't dumating na kayo, Eya!" Ginulat ako sa malakas na boses ni Felice na nasa labas ng aming bakod at naghihintay at sino 'tong lalakeng kasama niya? Kinikilig ba siya?

"Eh, bakit ba? Teka't ipapasok ko na muna 'tong si lola Felly sa loob." Tinaas ko ng kilay si Felice dahil sa animo'y parang bulating naasinan—anong nangyare sa babaeng 'to? Gabing-gabi na't naglalabas pa! Inayos ko muna ang katre ng lola ko dahil inaantok na ito.

"Apo, nalaman na ba kung sino ang pumatay kay Aquino?" Si lola Felly talaga kahit inaantok na hihirit pa talaga sa kanyang history class.

Inalalayan ko ang lola na humiga. Halatang Magana itong kumain kanina dahil sa masarap na sabaw na inihanda ng pamilya Clark.

"Naku la.. Hanggang ngayon po hindi pa po masagot-sagot yang issue na yan, eh. Sige po.. Good night!"

"Gaya ng nangyari sa mga magulang mo—hindi pa rin malaman kung sino ang..ang.." Sumakit na naman ang ulo ni lola dahil sa sakit niya. Dali-dali kong kinuha ang kaniyang gamot at ipinaimon.

"Tulog na, la.. Huwag mo niyo na pong masyadong isipin ang nakaraan—nakasasama po lalo sa sakit ninyo, eh.." Nag-alala pa rin ako sa kalagayaan ng lola ko. Sa lahat ng pwedeng kunin sa mundong ito—siya lang ang talaga ang ipagdadamot ko..

Siya lang ang namulatan kong magulang. Itinaguyod niya ako sa lahat ng aking pangangailangan kaya susuklian ko siya ng kabutihan at pagmamahal.. Kahit na hindi ko na malaman ang aking buong pagkatao—'wag lang niyo po munang kunin sa'kin si lola Felly ko, Lord..

Napaiyak akong bigla habang nakatulog na pala si lola. I leniently covered her with her blanket and kissed her good night.

"Apo, nalaman na ba kung sino ang pumatay kay Aquino?"

"Naku la.. Hanggang ngayon po hindi pa po masagot-sagot yang issue nay an, eh. Sige po.. Good night!"

"Gaya ng nangyari sa mga magulang mo—hindi pa rin malaman kung sino ang..ang.."

That conversation echoed my inner thoughts as I went outside to see Felice and her new acquaintance. Ano ba talaga ang nangyari sa mga magulang ko? Para kasing ang ibig-sabihin ni lola ay..pinitay sila? Pero ba't ang sabi nito noon ay nag-abroad sila at hindi na bumalik?

"Aleya, ang tagal mo, ah! Halika, may ipakikilala ako sa'yo.. Marvin ito nga pala ang kaibigan kong si Aleya, Aleya si Marvin ang bagong lipat dito.."

Saktong nakalapit ako sa dal'wa at nausisa ko ang mukha ng lalake na estranghero sa tingin ko. Sandali kong nalimutan ang mga tanong na nabuo sa isipan ko kanina.

"Ah, okay—sige matulog na tayong lahat dahil gabi na!" Taboy ko sa dal'wa. Kahit matamis ang ngiti ng lalakeng ito ay hindi ko mawari pero parang hindi ito dapat pagkatiwalaan. Ito namang si Felice, kani-kanino nalang kumarengkeng!

"Hoy! Ang tagal kaya naming naghintay dito ni Marvin.. May itatanong lang kasi siya sayo." Tinaas ko sila ng kilay.

"Eh, pasensya na Aleya kung nakakaistorbo ako sayo, ha? Kasi itatanong ko lang kung may bakanteng trabaho sa hacienda Clark?" Talagang ako ang tatanungin para diyan? Hayst! Sinamangutan ko lalo si Felice na alam nito ang ibig kong ipahiwatig. Hmp!

Sigurado talaga akong naghahanap lang tong si Felice ng rason para makalabas ng bahay, eh. Pwede naman kasing ipagpabukas na ang tanong nay an!

"Sa mga tauhan sa sakahan nila meron kasi malapit na ang aanihan. Halika ka nga muna, Felice.." Hinila ko sa malayo-layo si Felice at pinandilatan ko ng mga mata.

"Ikaw, ba't naniniwala ka sa mga taong hindi mo kilala? Baka kung ano pang mangyari sa'yo dis-oras ng gabi! Hala, uwi na!" Kastigo ko rito.

Eka nga, trust your woman's instinct! Eh, sa hindi ko feel ang presence ng lalakeng yun! Kung maka-ngisi pa, wagas! Dinaig ang close-up model sa puti nitong ngipin na trying hard talagang ngumingiti—parang beauty pageant lang ang peg.

"Grabe ka naman kung manghusga, Eya.. Nagtatanong lang naman yung tao sayo. Tsaka kung may masamang balak si Marvin sakin ay talagang magugustohan ko!" Sira talaga tong si Felice na 'agad kong kinurot sa pwet nito dahil nasa likuran ako nito't nakasunod.

Nang magpaalam ang dal'wa saka ako napailing. Hasyt.. Sa totoo lang, kahit sa sarili kong pagkatao ay estranghero ako. Yes, I'm a stranger on my own identity!

His RedemptionWhere stories live. Discover now