2-Boiling Lava

358 13 1
                                    

2- Boiling Lava

"Ang init—grabe!"

Hindi ko maiwasang magmaktol dahil sa sobrang init ng panahon habang naglilinis ako sa buong mansion kasama ng ibang mga kasambahay.

I was about to open seniorito Hirvi's room but it was locked. Tumingin ako sa relos ko—8:30 na ng umaga, pumasok na siguro ito at ini-lock lang. Bumaba ako ulit para kunin ang mga spare keys.

Sa lahat ng kwarto na nililinis ko araw-araw, kay seniorito Hirvi ako pinaka-excited! Kahit nabu-bweset siya sa'kin pero hindi ko talaga mapigilan ang hindi hangaan ang mga paintings niya sa gallery room niya.

Nasa akin na ang susi at binuksan ko saka ko dinampot ang walis at feather duster na nasa paanan ko lang.

"What the f**k!"

"Oh my God—Hirvi, who's she!?"

"Dios mio!" Natutop ko ang sarili kong bibig dahil sa nasaksihan kong kalaswaan sa umagang ito! Dios ko.. Nakapatong si Andrea kay Hirvi at anong ginagawa nilang dal'wa!?

Imbes na tumalikod at isara ulit ang pinto ay sinalubong ko ang nag-aapoy na mga mata ni Hirvi.

Naku, pinagbilin siya ni maam Cahira sa'kin noong isang araw 'no! Alam na alam kasi nila ang layaw nitong unico hijo nilang sutil kaya nga dito sa Bulacan nila pinag-aral para malayo sa mga barkada sa Manila pero heto—nilelenta naman ng mga hilaw na mga Amerikanang bukid!

"Hoy, que aga-aga pa para diyan—hindi na kayo nahiya? Oras ng pag-aaral ninyo ngayon! Mag-lilinis pa ako 'no kaya pumili kayo, ipagpatuloy niyo yan at vivideohan ko kayo at nang maipadala ko 'agad kay maam Cahira o umalis kayo at mag-aral? Hmp!"

Kastigo ko sa dal'wa na dali-daling nagbihis ng kanilang uniform—eww! Kahit diring-diri ako at nababastosan tumalikod nalang ako at nagsimulang mag-pagpag ng mga alikabok.

"What the hell did you say? Katulong ka lang, ah! Akala mo kung sino ka kung makaasta diyan! Hirvi, ano ba?"

Maktol ng babae na kilalang-kilala ko ang bituka nito—si Andrea Dy, ang dakilang pinagpapasa-pasahan ng mga lalake sa paaralan at ngayon naman—si Hirvi ang biniktima! Tss..

"You go ahead, Andrea—I'll follow downstairs. Anong sabi mo, Aleya?" Bakas sa pandinig ko ang galit na tono ng amo kong walang inatupag kundi ang pagbubulakbol at pambababae.

Lumabas naman ang isa at padabog pang isinara ang pinto. Tse! Haliparot na babae!

"Who told you to interrupt my privacy?" Alam kong nasa likuran ko siya at hindi ko maiwasan ang mainis sa kanya—sus! Gusto ko kayang buhusan sila ng mainit na tubig kanina at ng magtanda.

"Your mother and father, seniorito! Kaya habang nandito po ako—bawal na bawal kang mag-cutting classes dahil gusto mo lang i-take home ang isang haliparot na babae! Isusumbong kita 'agad nina maam at sir! Hmp?" Sabi ko habang nakatalikod at patuloy sa maglilinis sa loob ng malaking kwarto nito.

Pero bigla nalang niya akong mahigpit na hinawakan sa braso kaya napa-aray ako dahil medyo masakit! Gago talaga!

"Ano ba--!"

"You are the most irritating person that I've ever met, you know that? Katulong ka lang dito kaya matuto kang lumagar!" Sabi nito saka ako binitiwan. Galit niyang kinuha ang bag nitong nakasalampak lamang sa sahig saka ako binigyan ng matalim na tingin.

"Eh, anak ka nga ng amo ko pero hindi naman ikaw nagpapasweldo sa'kin!" I retorted ang turned around coz somehow, even my braveness words—I was hurt by his statement. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko! Nakakainis ka talaga, Hirvi!

Umalis ito at malakas na sinara ang pinto ng kwarto nito. Tse! Bahala ka sa buhay mo! Ang swerte na nga niya dahil nasa sa kanya na ang lahat—ang yaman at kumpletong pamilya pero hindi naman niya pinahahalagahan.

Basta ako—I wasn't intruding! I was just doing my job. Kaya kung magalit man siya—bahala siya basta't makakarating ito sa kanyang mga magulang pagdating galing sa Manila!

School:

"Uy, excited ka na ba? Graduate na tayo ngayong March!" Heto ako at isang dakilang estudyante na at busy sa pagka-copy ko sa libro ni Tara.

Wala kasi akong libro kaya take down notes 'agad ako pagdating sa school. Nasa middle school na ako, grade 12 at sa paparating na Marso—kung suswertehin ay ga-graduate na! Sa wakas.. Bagong kalbaryo na naman yun para sa pang-kolehiyo ko! Ilang taon pa kaya ako magtitiis ng ganito? Hayst! Sige lang..Go lang ng go sa buhay!

"Oo naman! Sino ba namang hindi eh, yun talaga ang rason kung bakit kayod kalabaw ako sa pagtatrabaho."

Sabi ko saka pinagpatuloy ko ang pagte-take down notes. Nasa study shed kami ni Tara at nang may biglang dumampot na notebook ko—si Andrea!

"O ano, Aleyang katulong? Anong pakiramdam nang may nakikialam sa'yo, ha?!" May kasama pa itong mga haliparot na mga kaibigan nito at balak 'atang mag-world war 3.

"Wala kang notebook? Sige, sayo nalang yan!"

Pasaring na sabi ko kahit pa na-alerto ako na baka pagpupunit-punitin niya at masayang ang mga kopya ko—examinations pa naman next week!

"Nag-iinsulto ka ba!? Sumusobra na 'ata yang kayabangan mo eh, isang katulong ka lang naman, ah!" Sigaw nito habang pinagpupunit ang notebook ko—grr.. Tumayo ako at napatingala siya sa akin! Unanong babaeng 'to—oo, matangkad ako sa kanya at nagmumukha siyang tungkod ng lola ko!

"Eh, ano bang pinagpuputok mo, Andrea? Gusto mo bang isigaw ko dito sa buong campus kong anong nakita ng mga dal'wang mata ko kanina, ha? O ano, ready ka na?" Galit na wika ko habang mukhang nahimasmasan naman ang antipatekang babae—yan, sugod ng sugod hindi naman pala kayang panindigan ang pagka-maldita!

"Try me, you b*tch." Pabulong na sabi niya habang marami ng mga nag-uusisa sa paligid dahil recess time ngayon.

"Just give me your go signal, Andrea and I'll report it straight to our principal! Ano, ready na?"

Hamon ko pa rin sa babaeng parang nabuhosan ng malimig na tubig. It wasn't a threat to her coz I can really do that! Naiinis ako dahil sa pagpunit niya sa notebook kong isang oras kong kinopya kay Tara—grr..

"Mamaya ha, alas-4 ng hapon ibigay mo sa'kin ang notebook ko na hindi punit! Or else, magkita tayo bukas sa principal's office.."

I left her my raging gaze that could burn her before I turned around and get my backpack. Kasama ko si Tara habang papasok na kami sa'ming next subject at nang mahuli kong nakatingin sa'min sa second floor building ang grupo ng mga kaibigan ni Hirvi at ang matalim na tingin nito.

Inirapan ko saka kami pumasok sa room namin na nasa first floor.

Isa ka pang unggoy ka! Tse! Magsama kayo ng Andrea mo!

His RedemptionWhere stories live. Discover now