Prologue
Aleya:
"Sshh! My girlfriend's here—oh, damn! Hurry, get yourself inside the cabinet!"
Para itong pusa na 'di mapaanak nang may kumatok sa kwarto nito at panay ang tawag nito sa kanya. Tss.. Ba't ba ito nagtatago? At teka, ba't ba ako ang itatago sa cabinet?!
"Eh, ikaw kaya ang magtago sa loob ng cabinet? Aba't ang init-init kaya--!"
He annoyingly covered his huge hand on my loquacious mouth and pulled me inside his cabinet—with his huge masculine body pressed against mine.
Dios mio! Napamulagat nalang ang mata ko habang kapwa kami titig na titig sa isa't isa. Nagkatotoo kaya ang mga hula sa'kin ni Felice!?
Hayst.. Itabig ko ang kamay niya dahil hindi na ako makahinga plus ang daming mga damit sa loob—dios ko, kasya pala ang limang tao dito sa taas at lapad ng kanyang cabinet, eh..
"Ano ba? Ba't ayaw mo siyang harapin—girlfriend mo nga, sabi mo?"
Pabulong na usisa ko na halos ay langhap na namin ang aming mga hininga—grabe ha, ang bango ng hininga ng kumag na'to! Parang kinain lang ang buong toothpaste! Whoo.. Ma-check na ang akin.. Hmm! Bagong tooth brush ako 'no..
"Sssh! Shut up, Aleya—ang daldal mo talaga. You don't have the right here to ask but to do what I ask you to do, got it?"
Naiinis na wika sa'kin ng antipatikong amo ko na walang ginawa sa buhay ko kundi ang pamemeste sa'kin! Tss.. Ngayon heto kami—nasa loob ng kanyang cabinet dahil ayaw nitong magpakita sa girlfriend niyang asungot!?
"Tse! Kahit amo kita, Hirvi huwag mong kalimutang hindi ikaw ang nagpapasweldo sa'kin, okay? Magtrabaho ka muna gaya ng mommy at daddy mo saka mo ako pagsabihan ng ganyan. Hmp!"
Naiinis na talaga ako sa preskong lalakeng 'to! Kahit pa kasing gwapo ito ng amo kong si sir Travis eh, 'di hamak naman na mabait ang tatay nito. Pati na rin si maam Cahira—naku, saan kaya nito nakuha ang pangit na pag-uugali nitong anak nila!?
"One more word, Aleya—"
May sasabihin pa sana ito ngunit bumukas ang pinto at pumasok ang isang naka-shorts na babae. Whoo! Maulan naman sa labas pero ba't summer na summer look ang peg niya? Tss..
"Baby? Are you here?" The woman yelled out while roaming her eyes around the room as I did to my eyes for hearing out their endearment!
"Baby? Saan ka banda naging 'baby'? Ang ulo mo o yung katawan mo?"
Hindi ko mapigilang mapahagikhik sa baduy na endearment na narinig ko! Hay, dios ko.. Isang araw lang may tumawag sa kanyang sugar pie, tapos honey ngayon naman—eh, baby!?
Ang lalakeng piniling mamangka sa limang ilog na hindi naman pala kayang panindigan ang maging magician sa pambababae! Ano ha, Hirvi? Tss!
"I told you to shut up or I'll kiss your blabbermouth to zip it up?"
He warned me with his dangerous blazing gaze with his scorching statement na sagad sa buto ko! I intantly covered my mouth—afraid that he might really do it to me..
Walang-modo ka talaga, Hirvi! Grr.. Sigaw ng isipan ko habang matalas ko siyang tiningnan hanggang sa malusaw siya sa laser eyes ko!
"Dare to look at me like that—I swear, you'll learn your lesson which you'll never forget but you surely enjoy. Hmm?"
Mas inilapit pa niya lalo ang mukha nito sa'kin habang wala naman akong maaatrasan sa loob. Kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan ay nagpipigil ako dahil alam kong kaya niyang gawin yun! Grr..
I covered my whole face that seemed seeing a hideous monster in front of me! Humanda ka sa'kin sa susunod na mga araw, Hirvi Craig Clark!
YOU ARE READING
His Redemption
RomanceAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...