3- Cats and a dog
Aleya:
"Uy, may ipinabibigay nga pala si Andrea sa'yo, o heto. Friends na pala kayo? Ang sweet niyong dal'wa, ah!" Inabot ni Felice sa'kin ang notebook na kani lang ay pinunit ni Andrea. Buti at nagtanda 'agad ang bruha!
Uwian na at naglakad kami papuntang hacienda Clark. May sarili akong quarter doon para doon ako magbihis pang-skwela kasi 'pag umuwi pa ako sa bahay namin baka mas ma-late pa ako ng dating sa tanghali.
"Ang sweet niya, no? Sulat kamay pa talaga niya!" Napahagikhik kaming dal'wa ni Felice. Salamat naman at hindi nasayang ang notes ko—ang hirap pang bumili ng notebook tapos magsulat ng magsulat, pupunitin lang!?
Actually, these notebooks were from Hirvi pero bigay ng kanyang mommmy at daddy sa'kin. Hindi naman kasi nito nagagamit kaya sa'kin nalang daw—o, di ba? Si Hirvi lang naman kasi ang may lahing epal!
"So, ano? Mauuna na ako, Eya. Kita nalang tayo sa barrio natin, ha? Bye!" Paalam ni Felice nang matapat na kami sa malaking gate ng hacienda.
Beep..! Beep..! Beep! Beep! Beep!
Napalundag ako sa gulat nang biglang bumusina ang sasakyan ni Hirvi sa likod ko. Ano na naman bang tinira ng lalakeng ito at walang araw talagang hindi aburido!?
"Pwedeng makahintay man lang!? Kainis.." I yelled out and pushed the huge gate that's way too heavy. Ang gentleman talaga ng lalakeng ito!
"Faster! Bloody idiot!" I heard him cursed that irritates me the most. Bloody idiot pala ha? Nang medyo mabuksan ko ng kunti ang gate ay dali-dali akong lumusot saka isinara ulit at tumakbo ng matulin!
"Bloody idiot ka rin—buksan mo po yang gate ng mag-isa!" Sigaw ko habang tumakbo ako ng matulin papunta sa loob ng mansyon.
Dali-dali akong pumasok sa quarter ko at nagpalit ng damit. Naku, kukunin ko pa si lola sa center!
A loud knock banged my eardrum and I don't need to guess who that guest is. Hmp! I hastily changed my uniforms to a plain above-the-knee shorts and loose black shirt.
"Open this f**king door, you w*tch! My patience is now beyond border!"
Galit na galit siya at kulang nalang sirain ang pinto. Oo, medyo kinakabahan na ako sa galit niya pero hinding-hindi ko siya uurongan.
I breathe hard and prepared myself for this all-out-war as I abruptly opened the door. Medyo nakataas pa ang isang kamay nito para siguro kumatok ulit. Pero ha, ang gwapo talaga niya at pulang-pula ang mukha dahil sa galit! Tsk..
"Ay, maam Cahira, Sir Travis—dumating na po pala kayo!" Sabi ko at napalinga naman ito saka ako kumaripas ng takbo.
"Aleya! You crazy w*tch—may araw ka rin sa'kin!"
Sigaw nito dahil siguro hindi nito kayang mahabol-habol ako. Sanay kaya ako sa track and field 'no!
I ran almost out of breath as I arrived at the center. Whoo! Kinapos ako ng hininga dun, ah..
"Hoy, Eya! 'Anyare? Para kang nakakita ng sundalong hapon, ah!"
Wika ni Aling Pitra, isang health worker sa center namin at siyang nag-aalaga sa lola ko 'pag wala ako.
"Higit pa po sa isang sundalong hapon, Ante! Nakakatakot po talaga.."
I exaggeratedly uttered as I went to see my lola na nanonood ng palabas sa TV. Nagmano ako sa lola ko na nginitian ako. 'Pag ganitong kalmado si lola ay parang bumabalik siya sa kasalukuyang buhay niya.
"Naku, pareho talaga kayo ni lola Felly mo 'no? Kundi panahon ng mga Hapon at world war 2, eh Martial Law ang palaging bukambibig.." Napapailing si Aling Pitra saka tinulongan akong itulak ang wheelchair ni lola Felly palabas ng center. Binigyan ko siya ng fifty pesos dahil sa pagbabantay niya sa lola ko.
"Eh, manonood pa ako ng balita, apo.. Baka narito na sa bayan natin ang mga sundalo ni Marcos."
"Naku, la.. Sabi ni Marcos ay ipinagbabawal na po ang pag-ere ng mga news channel!" Sagot ko sa lola ko dahil mukhang wala pang balak na umuwi.
Nagpaalam na ako kay Aling Pitra dahil magluluto pa ako ng hapunan. Haist! Hindi pa naman kagandahan ang daan papunta sa kubo namin at siguradong magagabihan na kami sa daan.
Tsk! Kung hindi lang sa asungot nasi Hirvi eh, di sana nakarating ako ng maaga! Hmp..
"Oo nga 'no, apo? Narinig ko nga yan sa radyo! Grabe talaga ang pamahalaan niya—naku, umuwi na tayo baka abutan pa tayo ng curfew, apo!"
Nang makarating na kami sa kubo ay hindi ko inaasahan ang bisitang naghihintay sa'min—si Hirvi!
"So, this is where the rat ran, eh?"
Nakasuot ito ng isang manipis na putting t-shirt na bakat na bakat ang magandang hubog ng katawan at isang kupas na pantalon. Kasombrero rin ito ng itim—may papatayin ba siya?
"Wala akong panahon sa'yo. Pwede? Umalis ka na marami pa akong gagawin!" Asik ko sa kanya na 'di man lang natinag sa pagalit kong wika.
Pumasok na kami sa loob ng lola ako habang pilit namang tinatanaw ni lola Felly ang preskong lalakeng nakasandig sa bakod namin na gawa sa kawayan.
"Apo, si Marcos na ba yan?"
Naniningkit ang mata kong tiningnan ulit siya habang nasa pintuan ako ng aming kubo. He's raising his masculine brows at me after hearing out what my grandmother blurted.
"Sana nga si Marcos 'to, eh—at ng makapagpahinga na sa pamemeste sa'kin." I murmured and bet he heard it loud and clear. He started to move his pace and stepped forward.
"Is it really me pestering your life or the other way around? I'm just here to give you preferences, Aleya Buenavista. Aalis ka sa mansyon namin o papaalisin ko kayo sa lupa namin? I heard you're quiet brilliant—probably you'll be wise this time!" He enunciated every word with his inhuman threats—gusto ko 'atang matawa sa sinabi niya, eh!
"Magaling ka pa lang joker, Hirvi Craig Clark. Paano mo gagawin yun, eh lupa ng lola ko 'to?" Hinamon ko siya sa paraan ng titig ko.
"Then try me, Aleya! I don't really like that tongue of yours. You don't wanna know what I wanted to do with that little sh*t!"
"Then, try me, Hirvi! Hindi ako takot sa'yo—not unless, you'll work like a cow and earn your own peso! For now, don't make me laugh, hah! Magagawa mong paalisin kami sa sarili naming lupa, eh hindi mo nga kayang pumasok sa mga klase mo ng buong isang araw!?"
I irratingly retorted at the guy who wore his red on his face. Isinara ko ng malakas ang pinto namin at ini-lock saka ako huminga ng malalim!
Grabe ang yabang niya! Pero, sorry siya dahil hinding-hindi ko siya uurongan!
"Buenavista! Mark my word!"
Sigaw nito at hula ko na paalis na ito. Hmp! Buti nga dahil wala siyang mapapala sa pagpunta niya sa teretoryo namin.
"Kulang ka lang sa tulog, seniorito! Umuwi ka na!"
Patuloy ko pa rin sa pang-aasar rito. No way na aalis ako sa mansyon 'no! Dahil kung sina maam ang magsasabi sa'kin noon—tatanggapin ko pero hamak na isang nagbubulakbol na anak nila? Never!
YOU ARE READING
His Redemption
Storie d'amoreAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...