Chapter 14-Undeniable
"Cahira?"
"Hija? Are you fine?"
Napapitlag ako nang marinig boses ng mommy ni Hirvi, si maam Cahira. Ilang buwan na ba akong gan'to? Noong isang araw pa lang silang mag-asawang dumating mula sa syudad at tatlong buwan na rin kaming nag-iiwasan ni Hirvi na 'wag magkita sa daan.
Ayaw kong Makita ni-anino niya! Nangangati ang kamay kong sampalin ulit ito kung sakali. Sa ginawa niya, ilang buwan na akong parang tanga!
Putik na halik yun!
"H-Ho? Opo! O-Okay lang po ako, maam.. Pasensya na po—itatapon ko lang po ang basura." Nagmamadali kong pinulot ang dal'wang basurahan. Nagpapasalamat na rin ako dahil malaging busy lage si Hirvi at palaging wala sa mansion kaya hindi talaga kami nagkikita!
"May good news ako sa'yo, Aleya.. Halika, mamaya mo na yan itapon." Nagtatakang napasunod ako kay maam Cahira sa may harden at doon naupo kasama nito. Ano kaya ang sasabihin ni maam? Parang kinakabahan ako kahit na ang sabi ay good news daw!
Sana hindi tungkol kay Hirvi ang good news na yan dahil never na naging good news ang hinayupak na hudas na yun!
"A-Ano po yun, maam?" Ngumiti ito at bakas na bakas ang gandang taglay ni maam. Nakuha talaga ni Hirvi ang lahat ng anggulo nina maam Cahira at sir Travis, e—so, sinasabi kong gwapo nga ang hudyong yun!? Parang tangang ipinilig ko ang ulo ko.
"Papag-aralin ka namin college sa Manila—we chose you as one of our scholars. Payag ka?" Masayang wika ni maam Cahira at napakurap ako ng ilang beses. Totoo!? Bakit naman hindi ako papayag? Gustong-gusto kong mag-aral!
Magsasalita sana ako nang mauna itong magsalita ulit.
"Para naman may kasama si Hirvi sa Manila." At nalaglag ang panga ko. Parang nawalan ako ng dugo.
"Ganito yan, Hija. Doon ka sa bahay namin titira kasama si Hirvi at personal assistant ka niya.. Hindi mo kailangang gumawa ng gawaing bahay dun—gusto ko lang may nagbabantay kay Hirvi sa school at kung ginagawa ba niya ang mga school works niya. Actually, we can tail him with his personal bodyguards pero hindi niya gusto yun—and I trust you so much that you can handle his attitude. What can you say?" Sobrang haba ng sinabi ni maam Cahira at parang nabingi ako sa bagong trabahong inaalok nito. Magre-retire na nga sana ako bilang katulong sa mansiyon nila, eh!
Kaya lang, gusto kong mag-aral..
Pero ayokong makasama ang hudas na yun!
"Hija, kung inaalala mo ang lola mo. Don't worry, may care giver na akong tinawagan para sa kaniya at dito siya sa mansiyon titira.." Parang nanlamig ako sa isiping magkakasama kami ni Hirvi sa iisang bubong! Hindi ba nila ma-feel na hindi naming gusto ang isa't isa?
"E, maam.. Sobrang salamat po talaga sa alok niyo.. Ang bait-bait niyo po at alam ng Diyos kung gaano ko ipinapasalamat na kayo po ang amo ko.. Kaya lang..e, hindi po kami nagkakasundo ni seniorito Hirvi.. P-Palagi po kaming nag-aaway." Sabi ko sa kung anong tunay kong nararamdaman. Hindi ko nga gustong makasalubong man lang ang matinong anak nito, e—ang makasama pa kaya sa isang bahay? Tss..
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni maam pero dagli ring iyong napalitan ng ngiti saka ginanap ang kamay ko.
"Please..? For me? I just want him to succeed in his life and he's that hard headed. Alam kong malaki ang tulong mo ngayon sa kaniya kung bakit nasa graduating list ang anak ko. I owe you a lot—we owe you a lot. And we want to repay your kindness, hija.." Paano ko ba sasabihin na ayoko pero gusto ko? Hindi ako nakapagsalita. Tss..
YOU ARE READING
His Redemption
RomanceAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...