13-Dance
"Eya!!" Malakas na hiyaw ni Felice ang gumulat sa'min ng lola ko habang kumakain ng hapunan. Tss! Ano na namang kalokohan ang hatid nitong sang 'to?
Wala ako sa mood ngayon—birthday na birthday ko tapos gan'to't hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang sigawan namin kanina—feeling talaga ng Hirvi na yun!
"Bakit ba, ha? Tsaka, pwede lang Feliciana 'wag mo akong ma-bswesit ngayon? Kahit ngayon lang, pwede?" Bungad ko rito nang makapasok ito sa loob ng kubo na may dala-dalang malaking cellophane. Ano naman kaya yan? Mga susunoging love letters galing sa Marvin niya? Tse!
"Hoy, may regla ka, Eya? Ang high blood mo 'ata ngayon, ah? O, heto! Meron akong dala sa'yo para mamaya.." Excite nitong inilabas ang isang aqua blue na gown. E, anong gagawin ko diyan!? Umasim ang mukha ko saka ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.
"Salamat pero sabi ko na sa adviser ko na hindi ako makakasali mamaya. Tsaka, allergic ako sa mga ganyang damit, Felice—salamat nalang." Makita ko pa dun ang Hirvi na yun, e! Wag na.. Malalaking subo ng kanin ang ginawa ko—naiinis pa rin talaga ako, e!
"Eya, naman.. Bayad na'to!" Sabi niya sabay padyak ng paa.
"Tsaka, dal'wa talaga ang kinuha ko sa bakla dahil gusto kong kasama ka.. Sige na.. Bagay na bagay 'to sa'yo, o!" Himok pa nito sa'kin. Hindi na ako nagsalita—e, basta nga ayoko. I'm sure nandun si Hirvi saka ang init-init ng dugo namin ngayon sa isa't isa—sayang kaya ang fifty points dun sa project ko 'no! But I had to bargain kapalit ng damuhong yun—that was the consequences at wala akong ibang pagpipilian. Pero siya pa ang galit!? E, ano naman kung pink at yellow ang mga kulay ng designs? At least meron siyang points—gago siya! Grr..
"Sige na, Eya.. Please...? Sama ka na—tutulongan naman kitang mag-ayos, e! Tsaka yung make-up mo ako na ang bahala, promise!" Tumingin ako sa kaibigan kong sobrang nalukot na ang mukha pero pinipilit pa ring ngumiti—ay sus..
"Ewan ko sa'yo—magmumukha lang akong bakla sa'yo!" Tumayo ako saka iniligpit na ang kainan namin ni Lola Felly ko. Bago ko hinugasan ang mga pinggan ay ipinasok ko muna sa munting silid namin si lola.
"Eya naman, e! Nasasaktan na ako, ha—effort pa naman ako kasi bestfriend kita. Hmp!" Hindi ko rin mapigilang hindi ngumiti sa isang sulok ng labi ko. Talaga naman effort 'tong kaibigan ko pero..hmm..wala talaga ako sa mood, e!
Nilingon ko ito matapos makapanghugas ng pinggan. "Nasasaktan ka, e wala ka ng puso. Tss!" Pinandilatan niya talaga ako ng sobra nang tingnan ko siya. "Kasi binigay mo na nga kay Marvin, 'di ba? Aysus! Nguso mo, day.." Sabay tawa kong wika nang ngumiti na rin ito. Hay naku—pumapag-ibig na nga talaga 'tong 'sang 'to.. Parang nakalutang na naman sa ere nang marinig ang pangalan ng unggoy na Marvin nay un—tss!
"O? Ba't hindi pa kayo nakagayak na dal'wa? Mag-aalas-syete na, a!" Biglang dating ng nanay Eva nito. "Sige na, doon na kayo sa bahay magbihis. Ako ang bahala sa lola Felly mo, Eya.." Abog nito sa'ming dal'wa pababa sa tablang hagdan. Ayst! Talagang pinapunta niya ang mama niya rito ha! Kung nakakatusok lang sana ang mga kilay ko—kanina pa na-hospital 'tong makulit kong kaibigan. Kinutusan ko ng malakas si Felice nang makababa at wala talaga akong nagawa kundi ang magpaalam ng tahimik sa lola Felly ko na natutulog na.
"Pagbigyan mo naman yang sarili mo, Eya. Ang bata-bata mo pa, hoy.. Mamamatay ka ng maaga niyan!" Ngumiwi lang ako rito habang binabaybay namin ang daan papunta sa kanila sa kabila ng dilim at makipot na daan.
"GHAAADD! Ang ganda-ganda mo, Eya..! Tingnan mo dali ang sarili mo.." Nakasimangot kong hinablot ang salamin na hawak nito matapos akong ayusan ng bakla. Kasama na raw sa package ng rental ang make-up at in fairness—hindi ko nga makilala ang sarili ko. So, tao rin pala ako kahit papaano, ha?
YOU ARE READING
His Redemption
RomanceAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...
