11- Cursed Words
Kinabukasan:
"Apo, ang ganda talaga dito.."
Nandito na kami ni lola ko sa parke kung saan ay maraming matataas na punong kahoy habang nasa gilid naman ay isang malinis na ilog. Dito kami umupo sa bench sa lilim ng isang punong Acasia habang tanaw namin ang isang namamangka sa ilog na napadaan.
"Napakaganda nga la, 'no? Tingnan niyo po yung namamangka la oh! Galing no?"
Kinawayan ko pa ang mangingisda na 'agad namang kumaway sa'kin sa 'di kalayuan. Masagana rin sa yamang-ilog at dagat ang lugar namin dahil pangalawa kami sa pinakamalinis na lungsod sa buong rehiyon. Umihip ang malamig at preskong hangin nang umagang yun at kinuha ko ang mainit na tinapay na nabili ko sa nadaanan naming bakery kanina. Ibinigay ko yung isa kay lola na medyo malambot na tingapay dahil hindi na siya nakangunguya ng mga matitigas na pagkain.
"Apo, hindi na kaya tayo makikita ng mga humahabol sa'tin? Hindi na siguro kasi malayo-layo na rin ang inabot ng Bangka na'tin.."
Simula na naman ni lola Felly sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan na pilit ko ring ipinagtatagpi pero..mahirap! Bigger missing puzzles were still out there—need to dig deep pero hindi ko naman pwedeng pwersahin si lola Felly ko. Sa gan'tong panahon nalang ako umaasa pero sa tuwing may maalala si lola ko ay sasakit ang ulo nito. Naaawa na ako sa kanya..
"M-Magaling po ba kayong mag-bangka noon, la?"
Gusto kong magtanong ng higit pa dun pero alam kong makasasama sa karamdaman ni lola. Hindi man lang nito kinain ang tinapay na bigay ko at seryosong sinundan ng tanaw ang namamangka.
"Sumakay tayo diyan sa Bangka, Apo.. At.. At.." Sabi ko na nga ba't hindi nakabubuti sa kanya ang ipilit ang mga tanong dahil mas lalong lumala ang sakit nito.
"Tama ay u, la.. Huwag niyo na pong isipin ang nakaraan—hindi ay u importante sa'kin kung sino man ako.. Ang mahalaga para sa'kin ay ang kalusugan niyo po at suklian ang mga kabutihan na ginawa niyo sa'kin.."
Hawak ko ang kamay ni lola habang sinabi ko yun. May puwang sa puso ko na lumuwag dahil para na ring pinakawalan ko na ang malaking bahagi ng pagkatao ko na siyang nagpapahirap sa lola ko. Alam kong gusto niyang ibahagi sa'kin ang sagot sa mga tanong ko—pero tama na..
I think—it would be much better to forget it all.
Dahil kung importante man ako ay matagal na siguro nila akong hinahap—tama lang na itigil ko na ang katatanong tungkol sa pagkatao ko at sa mga naririnig ko galing sa ibang tao—na kami daw ay galing sa mayamang pamilya at napadpad lamang sa lungsod na'to. Tss!
Teka, si seniorito Hirvi ba yun? Pansin ko ang pamilyar na bulto ng katawan nito kahit nasa malayo habang may kaakbay na babae.
It's like I'm getting more familiar with this asungot boss! Napahigpit ang pagkakahawak ko sa wheelchair ng lola Felly ko nang biglang halikan nito ang kasamang babae sa mismong public area! Malapit pa naman ang mga walang-hiya sa simbahan.. Grr!
Aba't! Mga bastos talaga—at ang walang hiyang Hirvi! Humanda ka ngayon lalake nga—pinapahiya nito ang imahe ng disenteng mga magulang nito, eh!
Ini-lock ko ang wheelchair at siniguradong naka-lagay ang customized belt ni Lola.
"Lola, teka lang po muna ha?" Sabi ko saka naman tumango ang lola ko habang masaya na ulit na tinatanaw ang ilog.
Grr! Pinagtitinginan na ang dal'wa habang panay parin ang halikan sa labas ng sasakyan ni Hirvi. Gago talaga! Malalaking hakbang ang ginawa ko saka ako pumulot ng maliit na bato. Humanda ka, Hirvi!
Ibinato ko ang bato at saktong tumama iyon sa ulo ng nakatalikod na lalake.
"Hindi na talaga kayo nahiya!" Sigaw ko. Eh, bakit ba? Inis na inis ako sa eksena ng mga haliparot na 'to lalo na't may mga taong tsismosa na talagang nakatingin at pinag-uusapan sila.
"F**k--Ikaw!?" Galit na mukha ni Hirvi ang bumungad sa'kin nang lingonin niya ako sa likuran. Lumapit ako sa isang babaeng kumukuha ng video sa kanila at saka pahablot kong kinuha ang phone nito.
"Kita mo 'to!? Gan'to bang eksina ang gusto mong makita nina maam?"
Sabi ko sabay delete sa video at dinilatan ng mata ang babae saka ito nagmamadaling tumalikod maging ang iba ring mga tsismosa. Eh, kasalanan naman ng unggoy na 'to! Dito ba naman sa labas nag hahalikan!?
"So!? Sobra mo na talagang pinapakialam ang buhay ko—what the hell's wrong if I'm doing this to her in public, huh!?"
Bulyaw nito sa'kin saka pulang-pula ang mukha nito sag alit. Eh, pakialam ko! Maging ang babaeng hindi ko kilala ay napayuko dahil sa isinagot niya—oh, nagustohan mo ang sagot ng damuhong 'to?
"Ikaw, Hirvi—hindi mo na nga kayang maging matinong anak pati ba naman pambabastos sa mga babae dito mo talaga gagawin sa public place? Hindi ka na nahiya! At ikaw babae—gusto mo ring mabastos ng lalakeng yan sa harap ng mga tao? Tss!"
Sabi ko saka ako tumalikod at nagmartsa palayo. At least, kahit naman wala talaga ako sa posisyon na pangaralan ang hinayupak na asungot na yun—at least, para nalang sa kabutihan ng mga magulang nito.
"Don't turn your back on me, Aleya Buenavesta!"
Sigaw nito sa'kin at halatang nakasunod sa'kin ngayon habang patungo ako sa kinaroroonan ng lola Felly ko.
Sobrang nagpupuyos ang kalooban ko sa kabastosan ni Hirvi—hayst, nagdadala ng babae sa bahay nila at kung maka-PDA parang hindi kilala ang pamilya nito sa Bulacan!
"..so f***ng what if I did PDA's million times, huh!? Nagseselos ka!? Nagseselos ka ba sa kanila? Oh, why? Do you like being kissed or being f***ed instead of them!?"
A-Ano!? Ha! Wala na sirang-sira na ang weekend ko at hinding-hindi ko ito palalampasin ngayon! I turned around at nilapitan ko siya saka itinulak ng malakas saka ito napaatras. He was clearly dazed as I was shaken by how blantant his words were.
"Eh, gago ka pala, e!" Sabi ko saka parang namumuo ang mga luha sa mata ko nang magtagpo ang parehong nagbabagang mga mata naming dal'wa—pareho naming kinamumuhian ang isa't isa!
"Puta**** in* mo, Hirvi!" I added a curse. Hindi ko yun ugali pero parang kailangan ko'ng gamitin ang salitang yun. I had never imagined being kissed by him! Never! Siya!? At anong sabi niya? Nagseselos ako kaya ako gan'to!?
"Hoy, Hirvi—aaminin ko, gwapo ka pero hindi kita type! Ako nagseselos? Gago ka pala talaga, e! Wala kang pinag-iba sa isang gamit na basahan—mamahaling basahan pero over-used!"
Alam ko sobrang sakit ng mga sinabi ko pero I bet kung tatablahan ang gagong amo kong 'to! Napalis ang ngiting-aso nito kanina. Does he really think he won this game? No, never! Hindi ka makapagsalita, ano?
"If this wasn't about your mother and father—hindi ko buburahin ang video niyo ng babaeng yun! Gusto mo talagang mamatay ang pamilya mo sa konsomisyon dahil sa'yo—sasaya ka 'pag ganun!? Gwapo ka lang, Hirvi pero dinaig mo pa ang basahan sa dumi ng pagkatao mo!" I added.
Tumalikod na ako at nagmamadaling umalis sa park tulak ang lola Felly ko. Dinig ko ang galit na galit na pagsigaw nito sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.
Hayst! Napaamin pa tuloy ako na..gwapo nga ang ugok na yun! Grr..
YOU ARE READING
His Redemption
RomanceAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...