8-Who's the Boss?
Aleya:
"Ang lamig ng tubig, Eya! Mamaya ka na maglaba 'hoy—maligo na muna tayo.. Whoo.."
Tss.. Nagpapacute lang naman 'tong si Felice ni Marvin, eh na kasalukuyan namang naglalabada sa ilog kasama namin.
Nagtatrabaho na ito sa sakahan ng mga pinya at mangga sa Hacienda Clark at hindi ko na rin ikinabigla na nagpaalam din si Felice na mag-sideline sa sakahan tuwing sabado at linggo—eh, ano pa nga ba ang dahilan?
Tingnan mo nga ang babaeng 'to—KSP talaga kay Marvin! Hindi naman siya pinapansin dahil seryosong naglalaba ang lalake. Tss.. Napapailing ako habang patuloy na kumukusot sa aking mga labahan.
"Sige, ikaw nalang muna Felice.. Hindi ako kulang sa pansin!"
Sabi ko rito na parang walang narinig—aba't! Ayaw talagang masira ang moment nito sa ilog, ah..
Hmp! Bahala ka nga sa buhay mo.. Basta ako nagmamadali akong matapos.
Maglalabada pa kaya ako sa sangkatirbang maduming damit ni Hirvi 'no! Hindi ko pa malimutan na dahil sa kanya late na ako sa ICT class namin at yung French at Lizzy kiss na sabi niya sa'kin!?
Flashback:
"Ano ba yang niri-research mo diyan?"
Usisa ni Claire na nakatingin sa monitor kung saan gusto ko talagang malaman kung anong ibig sabihin ng French at Lizzy kiss na sinabi ng bastos na lalakeng yun.
"Ssshh.. 'Wag kang maingay.."
I hissed as I typed those words on the keyboard. Kahit paano ay marami talaga akong natututunan sa ICT class ni Mr. Perez kaya sa lahat ng subject ay dito ako mas-naeexcite na mag-explore!
Startled by the censorship of those popped images, I yelled out horrificly!
"Dios mio!"
{....French kiss is a very passionate, romantic, and hot kiss. Lots of tongue actions needed. While lizzy kiss is also known as the kiss of the lizard where the tongue sticks in and out of the mouth in quick strokes.}
That's so rude of him! Sanay na sanay talaga ito sa mga gan'tong Gawain—ang bastos-bastos! Grr..
"And what's that, Aleya? That isn't a part of your task today, is it?"
Patay! Na sabonan na ako kanina ni sir—I'm sure ngayon, may shampoo't conditioner na'ng kasama..
"S-Sorry po, Sir.. Eh kasi.."
I stammered while I looked at his intrusive face. Noon ko rin lang napansin na lumabas na pala ang mga kaklase ko sa room at tanging sina Felice at Claire nalang ang nandun pero hindi nila ako nabigyan ng cue sa paparating nasi sir Perez. Hmp!
Ano bang tamang dahilan nito, Aleya? Lintik na curiousity na 'to, oo! Pero ang punot-dulo talaga ng lahat ay ang bastos nasi Hirvi!
"Out of curiousity, is it so? Can you read it aloud?"
Ha? Siniko ako ni Felice dahil hindi ko maibuka ang bibig ko. Babasahin ko 'to? Eeeh.. Nakakahiya!
"Basahin mo na, Eya—kaysa bagsak na marka ang sayo! Go.." Sabi ni Felice.
"Basahin mo nalang—baka curious din si sir.." Bulong rin sa'kin ni Claire. Tss.. Sige na nga! Ayokong bumagsak 'no..
"French kiss is a very passionate, romantic, and hot kiss. Lots of tongue actions needed. While lizzy kiss is also known as the kiss of the lizard where the tongue sticks in and out of the mouth in quick strokes."
I felt so red on my face after reading it all when sir Reyes was listening to that stupid definitions! Ba't pa kasi na-curious pa ako, eh.. Urg! Kainis naman..
"I told you, Aleya. Lizzy kiss would be nice! Hmm?"
Napalingon akong bigla sa kinaroroonan ng nagsalita—Hirvi!? Ahhh..! Parang full moon na ang mga mata ko dahil sa sobrang gulat at kahihiyan.
"Mr. Clark, who told you to get inside? Out!" Taboy ni sir Reyes rito pero parang gusto ko nang matunaw o kainin kaya ng lupa—nakakahiya!
End of flashback..
"Birthday mo na pala sa susunod na linggo, Aleya?"
Nagulat ako sa biglang sabi ni Marvin. Paano nito nalaman? Pasimple itong ngumiti nang hindi ko mapigilan ang taasan ito ng kilay.
"Ba't mo alam?"
Sa wakas ay tapos na akong maglabada habang si Felice at kakasimula pa lang. Aysus! Paglalabada kaya ang ipinunta niya rito o mangbingwit ng lalake!?
"Ah, eh, si Felice ang maysabi sa'kin.. Happy birthday in advance, ha?"
Ganun? Ah, okay! Pero iba pa rin pakiramdam ko sa isang 'to.. Bigla nalang kasi itong napadpad dito, eh!
"Aleya, si seniorito Hirvi—"
Kung hindi si Marvin, puro Hirvi naman ang lumalabas sa bibig ni Felice! Hay naku.. Nakakarindi na sa tenga, ah! Tumayo na ako ay dahan-dahang ipinatong ang mabigat na balde sa ulo ko.
"You're not yet done, Aleya. Here!"
Nabagsak ko tuloy ang baldeng nakapatong na sa ulo ko dahil sa gulat ko nang Makita ito na may dala-dalang dal'wang basket ng mga labahin!
Ang macho ng matsing, ah! Naka-body fitted t-shirt ito at rugged na maong—para talaga itong hindi haciendero sa mga suot na damit pero lahat naman, bagay rito..
Hmm? Aminin.. Kasi gwapo nga siya 'di ba, Aleya? May sayad na rin 'tong utak ko, eh!
"Dito ko lalabhan yan? Di ba may washing kayo sa mansion at tsaka ang daming tubig dun—ba't dito pa talaga?"
Inirapan ko siya. Ang sarap talagang kutusan! Dal'wang punong basket tapos dito ko lalabhan sa ilog? Okay lang siya!?
"I'm dead serious! Dito mo 'to lalabhan lahat!"
Supladong wika nito sa'kin. Aba't? Teka, may kasalanan pa 'to sa'kin, eh.. Siya ang dahilan kung bakit napahiya ako kay sir Perez!
"I-anod mo nalang lahat yan sa ilog, seniorito Hirvi!"
Singhal ko sa kanya habang bitbit ko ang mabigat na balde. I-uuuwi ko pa 'to sa bahay at nang makaluto ng tanghalian ni lola bago ako pumasok sa hacienda para maglabada.
"Aleya, you're not the f**king boss here!" He retorted and yelled out furiously. Bahala ka diyan! Maanod ka rin sana..
"Bigyan mo muna ako ng sweldo na galing sa sarili mong sikap.. Pero, ngayon? Tse! Maghintay ka po muna sa mansion dahil doon ko po lalabhan yan, mahal na prinsipe!"
Habang sinabi ko yun ay hindi ko mapigilang mapangiti sa 'di malamang dahilan.
Naka-goal kasi ako sa football bout namin ni Hirvi! Clap. Clap.!
YOU ARE READING
His Redemption
RomanceAleya Buenavista-that's all she knew about her identity aside from her lola Felly who suffered from hyperthymesia; a disease where she could only visualized the past of her life including her missing pieces.. Who's Aleya? Why is it that many men wan...