T H R E E
CHARACTERS
전 원우
김 민규
TAGS/CATEGORIES
Short Story
Romance
FakeRelationship
Random
Etc.FORMAT
Narration
PROLOGUE
"BE my boyfriend."
Napanganga ako. Itinuro ko ang sarili ko at di-makapaniwalang natawa. "Ako? Boss, naman, ako? Huwag mo akong jinojoke, ha. Hanggang PA lang talaga ako," sagot ko sa kanya.
He raised a brow. He gestured his fans outside the car. "Hindi nila ako titigilan kapag di ka umoo," he said.
Napakamot ako ng ulo. "Boss, ako naman ang di nila titigilan kapag umoo ako. Di pwede. Maghanap ka na lang ng iba."
"Dadagdagan ko ang sweldo mo."
"Magkano?," agad kong tanong.
He grinned. He folded his arms on his chest and gave me an amused look. His fingers tapping his skin.
"I'll make your pay twice," he offered.Napakwenta ako sa utak ko. Twenty five thousand times two..."50k?," tanong ko.
He nodded. Pakiramdam ko ay kuminang ang mga mata ko sa presyo. Letse. Presyo talaga.
Tinitigan ko siyang mabuti. Inaalam ko kung seryoso nga siya at di ako pinagtitripan. Pero wala ding kwenta. Dahil kahit anong gawin kong pagkilatis sa reaksiyon niya, iisa lang ang lalabas, wala. Blangko pa rin ang mukha niya tulad nang talagang emosyon niya. Wala ka talagang makikita kundi ang peke niyang ngisi at matatalim niyang mga mata.
Ewan ko ba, pero kahit ganyan siya kaemo at walang pakialam sa mundo, crush ko pa rin siya. Pero hindi ko sinasabi. Ayokong mafire, no. Mahirap maghanap ng trabaho. At mahirap din maghanap ng gwapong amo.
"Ilang buwan ba?," tanong ko.
He shrugged. "Three months?"
"So, tatlong 25k yun? 75k plus 75k equals..."
"Mayaman ka na sa loob ng tatlong buwan," tuloy niya sa sinasabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso ba ito, boss?! Gahd! Oo! Oo! Tinatanggap ko ang 150k na yan!"
"Okay. It's a deal, then."
At heto nga, naging fake boyfriend ako nang isang sikat at super hot na idol na nagngangalang
JEON WONWOO.
-
BINABASA MO ANG
three • meanie
Short StoryTHREE He wanted me to be his boyfriend for THREE months, I agreed. Then, THREE days before it lasted, I realized I already fell in love with him. He found out THREE hours after and I was fired, because I just broke a rule. Then, three years after...