015

779 53 5
                                    

"B-BOSS."

"You already signed the contract. You are my PA, again. So, you need to take your things and clothes in your house now because you already know what I want my PAs to do. I don't want you living separate from me, you need to be always beside me and stay with me. You also know the rules and everything already. Ano pa ba ang di mo alam?," parang hindi humihingang litanya niya.

Halos hindi ko na masundan ang sinasabi niya dahil hindi ako makapagconcentrate. Kinakabahan kasi ako at hindi rin makasingit sa mga sinasabi niya. Gusto ko kasi sanang sabihin na hindi ako pwedeng nasa tabi niya lagi dahil kailangan ko rin minsang samahan si L sa pagbantay kay Arisu. Pero parang nakakatakot namang sumingit sa mga sinasabi niya.

"B-Boss, kasi—"

"I already told Natalia to prepare your room in my condo. It was just temporary hanggang hindi ako nakakabili nang bahay. I also want you to start your work now. Madami akong gagawin ngayong araw at talagang kailangang kailangan ko nang kasama ngayon—"

"Boss!," sigaw ko.


Napatigil siya sa pagsasalita. Napatingin siya sa akin with that frown on his face. Then, it suddenly became soft and apologetic.
"Sorry, masyado lang siguro akong naexcite na may bago na naman akong PA. Ilang tao—buwan din kasi akong walang PA. At saka—"


"Boss," putol ko ulit sa sinasabi niya.


He stopped talking. Napabuntong-hininga siya at napaiwas nang tingin. Shit. Kaya ko ito.

"Boss," tawag ko ulit sa kanya.


He bit his lips and pretended to be busy with the papers in front of him. Inayos-ayos niya ang mga iyon kahit na maayos naman na. Napalunok naman ako.


"Bakit? May itatanong ka ba?," tanong niya.


Umiling ako. Itinago ko ang mga kamay ko sa likuran ko. Lumunok ako ulit at pinilit kalmahin ang puso kong sobra sobra na naman kung magwala. Hindi pa rin ako makaget over. Nagkita na naman kami. Boss ko na naman siya at PA na naman niya ako.


I cleared my throat and spoke. "I can't stay with you all the time, boss."

Doon siya napaangat ng tingin. Nagsalubong ang mga kilay niya. His lips pursed and his nose scrunched na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Binitawan niya ang mga hawak niya at pumameywang.


God, why does he still look sexy? At mas gumanda pa ang katawan niya. Mas nagmatured at gumwapo din ang mukah niya. Shit talaga.


Kim Mingyu! Collect your thoughts! May anak ka na! At si L!


"And why is that?"

Lumunok ako. Dahan dahan kong itinaas ang isang kamay ko at ipinakita ang singsing doon na sumisimbolo sa isang kasunduan. Mas lalong sumama ang timpla nang mukha niya.


"My daughter needs me, boss. And my...bebs," I said.



Something crossed his eyes. Napabitaw ang mga kamay niyang nasa bewang niya. Pero agad din niyang binawi ang reaksiyon niyang iyon dahil naging blangko na naman ang mukha niya. Tumitig siya sa akin at parang nag-iisip.

Huwag mo akong titigan! Bwisit ka!

"You can let them live in my house," he suddenly said.

"What?"

Binalingan niya ulit ang mga folder sa table niya. "You can let your wife and child live in my house," he repeated.

"But—"

"Bakit? Ayaw mo?"

Natigilan ako. Paano ko ba sasabihin? Na nasa ospital ang anak ko at binabantayan siya ng nanay niya? At saka hindi pwedeng tumira sila sa condo niya! Lee DK was just a room away from him!


"Ayaw mo nga?," untag niya.

Napakagat labi ako. "Hindi naman, boss. But..," I paused. Napakuyom ang mga kamao ko. "But my daughter is in the hospital."

Hindi ko na nakita pa ang reaksiyon niya dahil tinalikuran na niya ako. He has this posture that looked like what he had when he fired me three years ago. Napakagat-labi tuloy ako. May nasabi na naman ba akong mali?


Bakit ba lahat na lang nang mali ay hindi ko napapansin pero napapansin niya?


Bigla siyang humarap sa akin. Parang gusto kong mapasinghap nang sumalubong sa mga mata ko ang isang ngiti mula sa kanya. My heart raced and I couldn't do anything kundi ang sitahin lang iyon.

Bakit ka na naman tumitibok nang ganyan?!

Because this person in front just smiled! The freaking cold stone smiled!

Eh ano naman?!

Hidni ngumingiti ang taong yan, Kim Mingyu.


Yeah, and that's weird. Why is Jeon Wonwoo smiling?

"I wanna help your daughter. And I wanna see her. Can you bring me to her?"

I froze. Ano daw?

"Ha?"


Nabigla ako nang lumapit siya sa akin. He held my hand and pulled me towards the door. His smile still plastered on his lips.


"Bring me to your daughter and wife. I wanna see them."

Ha?!

-

three • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon