"BAKIT kasi?""Basta, mag-ayos ka na lang."
Napasimangot ako habang naghahanap nang maisusuot sa cabinet.
"Eh, bakit pa ako mag-aayos? PA mo lang ako, boss," reklamo ko."Just do it," parang wala lang na sagot niya.
I pouted while scratching my head. Kausap ko siya sa phone at heto, inuutusan na naman niya ako. Muntik na akong magsisisigaw dito sa inis pero pinipigilan ko lang dahil nasa building kami ngayon kung saan gaganapin ang isang showbiz show kung saan siya nag-guest.
Saktong namatay ang tawag nang makita ko ang isa sa mga shirts niya na hinihingi ko dati pa. Isa iyong black v-neck shirt na may nakasulat na Japanese word sa pocket sa may bandang kaliwang dibdib. Hindi ko naman alam ang nakasulat doon pero sinuot ko pa rin.
Pati kaya pambaba?
Tiningnan ko ang sarili kong nakamaluwang na pants at sira-sirang sapatos. Napangiwi ako. Ang ragged ko. Baka magmumukha na akong basahan nito.Napatingin ako sa mga pants niyang nakatupi sa gilid. Di naman siguro siya magagalit eh no?
"Hindi yan," bulong ko.
I grabbed one of his fitted ripped pants and his black and white Nike shoes. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Pati buhok ko ay sinuklay ko at inayos nang mabuti. Nagpulbos na rin ako at naglagay ng light na eyeliner at lipbalm. (Imagine niyo na lang. Hehe.^^)
Yan! Ang gwapo gwapo mo talaga Kim Mingyu!
Sakto namang tumawag siya ulit. Mabilis ko iyong sinagot. Nagsimula na akong lumabas ng dressing room niya.
"Anong next kong gagawin?," tanong ko sa kanya.
"Hanapin mo ako," he said.
Napataas ang mga kilay ko. "Bakit naman kita hahanapin?"
"Basta," sagot niya.
Napasimangot ulit ako. Naglakad ako papunta sa daang tinahak niya kanina kasama nang manager niya.
"Baka mawala ako dito, boss."
"Hindi yan."
"Asan ka ba?"
"Just follow your heart, baby. You'll find me."
Nahigit ko ang hininga ko dahil sa endearment niya. My heart thumped harder than its normal pace. Pinilit kong di iyon pansinin at sinagot siya gamit ang pinakamaayos kong tono.
"Boss, saan nga?"
"Nasaan ka na ba?," tanong niya.
Tumingin-tingin ako sa paligid. "Nasa may dulo na. Dun sa may tatlong pintuan sa lahat nang sulok," describe ko sa kinaroroonan ko.
"Enter the middle door. I'm in there."
Nagkibit-balikat ako. Lumapit ako sa pintuan at pinihit iyon pabukas.
"Boss, binuksan ko na—""Welcome, babe," he said.
I stiffened. Especially, when the spotlight turned to me with everybody's eyes. My heart rammed my chest and nashookt aq!
"Everyone, let's welcome Jeon Wonwoo's current boyfriend, Kim Mingyu!," the host said.
Napalunok ako nang may nagpalakpakan at nagsigawan. Nanlalaki ang mga mata ko at talagang hindi ko ito inaasahan. Or I'm just stupid.

BINABASA MO ANG
three • meanie
Short StoryTHREE He wanted me to be his boyfriend for THREE months, I agreed. Then, THREE days before it lasted, I realized I already fell in love with him. He found out THREE hours after and I was fired, because I just broke a rule. Then, three years after...